Sunday, November 9, 2008
Leaving on a jetplane
Dahil sa tagal ng waiting time ko, nakaidlip pa ako ng konti. Thai airways ang naibigay sa akin na carrier. Medyo matatanda na ang mga sterwardess kaya masusungit na. Mabuti na lang at medyo kalmado ako. Baka nasigawan ko pa kung sakali. Masungit kasi at nakasimagot. Pupunta lang ako ng toilet sa unahan, nakasimagot na itinuro sa akin yung sa likod. Palibhasa, economy ang ticket ko.
Isang linggo lang ako sa Pinas at pupunta naman ako ng France para sa training. Di ko pa alam kung may project na pagkatapos ng training ko. Mahirap mababakante. Malaki ang mawawala lalo na sa pamilyado. Di ko pa nga naaayos ang VISA ko.
Wednesday, October 29, 2008
Diwali - Festival of Lights
Diwali (or deepavali) festival kahapon pero pumasok ako para mag-check ng mga e-mails dahil nagkaroon ng problema ang schedule ko sa pag-uwi. Wala namang mga activities akong nakita sa daan. Parang normal lang na araw. Pero nung gumabi na, marami na ang putukan. Lumabas ako ng apartment at nakita ko nga na maraming nagpapaputok. Maramig mga lusis, mga fountain, sari-saring pailaw, meron ding parang super lolo, at mga pyrotechnics. Nakunan ko pa ng picture sa aking digital camera pero malas na naubusan ng battery. Tapos, nasira pa ang charger ko kaya di ko mai-ON para i-upload yung picture. Parang New Year sa Pinas ang celebration nila ng Diwali dito. From 6PM hanggang 12 midnight ay maingay kaya napuyat ako kagabi. Ang pagkakasabi sa akin, ito yung araw na bumalik ang kanilang hari si Ram (a reincarnated god) at ang kanyang asawang si Sita after being exiled somewhere in the forest. Bumalik daw sila sa kanilang bayan na "Ayodhya" kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Laxman. Ang mga tao ay nagbunyi sa araw na ito dahil din sa pagkakapatay niya kay Ravan na siyang kumidnap sa kanyang asawa.
Friday, October 24, 2008
Ilocano nga ba ang pinakakuripot sa lahat? I guess not. Read on..
Bago ang lahat, ang tumpak na oras; anim na sandali pagkatapos ng manaka-nakang pag-ulan. May kasamahan ako dito na taga-ibang bansa. Kasama ko siya sa isang unit ng apartment (na dalawa ang kuwarto) simula noong dumating ako (nauna lang sa akin ng konti). Dahil sa siya ay muslim, nagtabi siya ng mga gamit niya (kitchenware na kasama sa apartment namin) para hindi mahalo sa akin dahil nga hindi sila kumakain ng meat at ayaw niyang mabahiran ng karne ang kanyang mga gamit. Umuwi siya pabalik ng kanilang bayan noong isang araw. Nakita ko pa na meron pa sigurong 3 kilos ang naiwan niyang bigas at mga 8 pieces ng itlog. Meron din siyang karne ng manok (kinatay daw ng halal, term kung saan ang nagkatay ay muslim din) sa fridge namin. Akala ko ay ihahabilin nya sa akin ang kanyang mga naiwan pero wala siyang nabanggit. Kagabi na ako ay umuwi, nag-check ako ng mga gamit nya. Aba! Wala ang bigas at mga itlog?? Nagtanong ako sa aming mga kasamahan sa apartment, wala din siyang ibinigay sa kanila. Entonses, iniuwi niya ang bigas at itlog??!!!!! Sus Mariano Katilpo!! Mukhang di ko kayang gawin yun ah? Ok na sana yung bigas. Pero yung itlog... Naman!!! Wala sigurong tao na normal ang pag-iisip na dalhin pa ang mga itlog pauwi ng bayan mo. Alam ko bawal magdala ng mga itlog sa bagahe pero hindi kasi tsine-check ang mga bagahe dito sa India pagdating ng airport. Kung sakali mang mahuli, kukunin lang naman sa kanya ang itlog, hindi ba? Tsk tsk tsk. Iniwan naman niya yung manok sa fridge. Pag dinala pa niya yun, aah, ibang usapan na yan... Kaya pala marami siyang nabibiling mga ari-arian sa kanila (lupa, bahay at lupa) dahil sa angking talino niya pagdating sa pagsisinop. Hindi ko naman gagamitin ang mga natira niya dahil hindi naman nga niya sinabi. Itatabi ko lang sana para hindi nakakalat sa kusina. Pagkatapos ay magpapadala ako ng e-mail kung itatapon na ba o kung anuman.
Kayo mga kapatid, kaya nyo ba ang ganito? Malamang ako ay hindi. Naranasan ko na rin na may mga tira ako pagkatapos ng project pero palagi ko ito inihahabilin sa mga naiiwan...
Ang kuwentong walang kuwenta na inyong natunghayan ay inihahandog sa inyo ng Purefeeds corned chicken, ang karne norte ng mga muslim...
Monday, October 20, 2008
First fire, First smoke
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgjOaUnO6lUeMqmJYNqFBrngm0J034fzIhJJuKq6m-mZpTBkjLKydb_LZmPpSqsVEUnU-8CAck6XmZVRstDXilvwlA_f-02K0fsehNLnNlPUCYVrNGifIiCccwIgTahwEFKuRuquUgBXKw/s200/17102008411.jpg)
Speaking of tabako, mas masarap yung ginagawa ng lola ko na tabako. Siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang tabako at binibili lang sa palengke ang tuyong dahon. Ginawan pa niya ako ng ilan at nagamit ko sa mga projects ko sa Pinas. Ito ang isa sa main businesses ng mga ilokano, ang pagtatanim ng mga tabako. Ang katapat naming bahay (katabi ng Petron gasoline station, na dating Esso) ay imbakan ng tabako noon. Pag ako ay umuuwi ng probinsiya, halos lahat ng paligid ay tabako ang nakatanim. What a green scenery.
Wednesday, October 8, 2008
Losing my religion -
Napatakbo naman ang turbine initially kaya maligaya ang mga boss. Bagong experience ko ito kaya masarap sa pakiramdam. Maingay ang paligid dahil sa air turbulence papuntang turbina.
Ang kuwentong inyong natunghayan ay ibinabahagi sa inyo ng Bird's Tree milk, ang gatas na may gata...
Monday, October 6, 2008
Life's more important than 30 rupees -
So, nagpaalaman na kami at sinabihan ang driver na naiihi ako. Siya rin daw ay iihi (pero senyasan lang kami dahil di naman marunong sa english). Sa bandang madamo, tumigil siya at doon namin ibinuhos ang sakit ng puson. Pagkatapos ay umalis na kami. Pagdating sa may gate na palabas, hinarang kami ng nagbabantay. Sa nakita kong anggulo, humihingi ng parking fee ang bantay. Ayaw pumayag ng driver namin. Hanggang sa naging maingay ang sagutan. Pinaandar nya ang sasakyan (na akmang aalis na). Humabol ang bantay at akmang susuntukin sya. Medyo kinabahan na kami. Kinakausap na namin ang driver at sinabihan na ibigay na lang kung magkano ang kailangan. Pero di nya kami iniintindi at tuloy pa rin sa pakikipagtalakan sa bantay. Nagdatingan na ang ibang kasamahan ng bantay. Tingin namin ng kasama ko ay dehado na kami. Anim kontra sa tatlo. Alien pa naman kami. Mapapaaway kami sa walang kakuwenta-kuwentang bagay. Umabot din siguro ito ng limang minuto. Dumating ang supervisor ng mga bantay at medyo humupa ang pagtatalo. Ibinigay nya ang hinihingi. Thirty rupees lang, kapalit sana ng pagka-ospital namin.
Sayang ang mukha ko kung mababasag sa walang kakuwenta-kuwentang pagtatalo. Pwede naman nya ma-reimburse. Ibinibigay ko na nga para tumahimik na. Kung nagkataon na may salpukan, malamang na nasa ospital ako ngayon. O baka mas higit pa.
Thursday, October 2, 2008
Promises made, promises broken
Pero malamang nga na may gas na dadating, hindi nga lang madalian. Kung hindi ba naman, may plano na para sa Phase 2 ng project, just beside the existing. Huwag sana ako dito mapunta uli. Gusto kong isumpa itong site na ito. Pero hindi ito kasing-sama ng condition sa Pakistan. Napakainit doon (maximum of 55 degC) at madalas na magdugo ang aking ilong. Kaya parati kong binabasa ang batok at ulo ko ng tubig dahil sa init. Mga limang litro ng bottled water ang naiinom ko maghapon. Kahit madaling-araw noon sa Pakistan, parang nakasalang ka pa rin sa apoy. Dry ang temperature kaya di ka pagpapawisan. Pero walang ipinag-iba ang amoy dito at amoy doon, hehehe. Ang typical na nakikita ko sa mga lalake sa Pakistan ay pwede sila mag-holding hands while walking, pero hindi sila bading. Medyo ilag nga ako sa mga kaibigan kong Pakistani at baka hawakan din ang kamay ko habang kami ay naglalakad.
Wednesday, October 1, 2008
Mga Katanungang Mahirap Sagutin -
Tanong: Ang plural form ng mouse ay mice. Di po ba na nararapat ng ang plural form ng house ay "hice"?
Sagot: Itanong natin sa gumawa ng mga words na yan. Dapat din nating itanong sa kanila kung bakit di nila ginawang mouses ang plural form ng mouse.
Tanong: Bakit tawag nila sa panglinis ng ngipin ay tootbrush eh hindi lang naman iisa ang nililinis? Di ba dapat, teethbrush?
Sagot: Malamang na yung nag-imbento ng panglinis ng ngipin ay iisa lang ang ngipin noong panahon na yun.
Tanong: Alin po ba talaga ang nauna, ang manok o ang itlog?
Sagot: Logically, nauna ang manok. Di kasi mapipisa ang itlog kung di lilimliman ng manok eh.
Tanong: Bakit po pag bumabahing ang tao, siya ay napapapikit?
Sagot: Nahihiya kasi siya. Tsaka pag pinilit mong idilat ang mga mata mo, malamang na makakita ka ng di kanais-nais.
Tanong: Ang uod po ba pag namatay, inuuod din?
Sagot: Hindi. Kasi magkamag-anak sila. Ang tao ay inuuod pag namatay pero nakarining ka na ba ng uod na tinatao?
Tanong: Pwede po ba uminom ng softdrink pag coffee break?
Sagot: Kailangang magpunta ka sa room ng softdrink break. Pag wala nito, uminom ka na lang ng kape.
Tanong: Bakit po yung mahabang kinakain ng mga bata, ang tawag ay hotdog eh hindi naman mainit na aso?
Sagot: Hmm, bakit nga ba? Ire-research ko muna.
Monday, September 29, 2008
It's just another ordinary day -
Tuesday, September 23, 2008
Prepone - Only in India
Narinig nyo na ba ang salitang ito? Maaring oo, maaring hindi. Kasi nga, dito lang sa India ginagamit ang salitang "prepone". Prepone is the opposite of postpone (well, sa kanila). Kung titingnan nyo ito sa English dictionary, di nyo ito mahahanap. maliban kung meron kayong Indian English dictionary. Madalas kong marinig sa mga kasamahan ko ang salitang ito pero di ko pinapansin. Hanggang isang araw na gamitin sa meeting. Nagtanong ang british manager kung ano ang ibig nyang sabihin sa prepone. Yun nga, kabaligtaran ng postpone, hehehe. Napangiti ang briton.
Sabi nga nila, dapat meron lahat antonym ang post (i.e. prepaid/postpaid, prenatal/postnatal, etc.). Papano naman kaya ang predict? Postdict? O kaya ay prepare. Postpare?
Friday, September 19, 2008
Back in business
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhQcD_dOY5y39C9LNFuCuvo8L-2Y3GaPfgUTA9-06UdR-wqMhyQeGwPDxio24GwA7eJuKSis4CE-LSbOSBIU9w_GO63T07D1CID2JV7ERhgmYNszHism_HTfhT0Z_du6pu8Ia_Sd_ynhsA/s200/shaopao.gif)
Nandito pa din ako sa India at naghihintay na dumating ang supply ng gas para sa power plant na kinukumisyon namin. Combined cycle kasi ito. Gas/oil/steam. Kailangan ng gas para sa combustion. Kailangan din ng air para naman sa compression at hahalo ito sa gas. May igniter sa loob ng gas turbine at dahil sa pressure build-up sa loob ng chamber, iikot ang shaft. Nasa kabilang dulo naman ng shaft ang generator (sa kabilang dulo ang gas turbine). Para mapabilis ang ikot sa simula, kailangan ng malakas na power para madaling makaikot. Hindi kaya ng gas at air lamang. So, ginagawang motor ang generator at start-up habang pumapasok naman ang air sa compressor. Habang pabilis na ang ikot at kaya na ng gas na i-handle, cut-off na ang motor at magiging generator na uli. Depende sa capacity ng machine set kung ilang megawatts ang magiging output nya.
Ang exhaust gas naman ay hindi itatapon sa atmosphere, kundi dadaan ng boiler drum para gumawa ng steam. Sa tamang proseso, ang steam ang siyang papasok naman sa steam turbine para paikutin din ito (hiwalay ito sa gas turbine). Set din ito ng steam turbine/generator. Additional megawatts ang ibibigay. So, dalawang generator bale ang magtatrabaho. Gas turbine at steam turbine na may magkahiwalay na generator sa bawat dulo. Di ba okay?
Marami nang klase ng power plants sa buong mundo pero iisa lang siyempre ang kanilang ginagawa, to produce electricity. Meron din tayo sa Pilipinas ng mga power plants. Geothermal (steam) power plant, coal-fired power plant, hydro-power plant, windmills, diesel power plant, at marami pang iba. Noong nagtatrabaho pa ako sa Pinas, maraming geothermal power plants ang aming kinumisyon na pag-aari ng gobyerno. Halos 80% yata ng experience ko ay dito napunta. Although hindi talaga sa may turbine ang trabaho namin dati, nabuo ang aking experience sa pagkontrol ng mga instrumento. Kaya hindi na rin nalalayo ang aking kaalaman sa aking ginagawa sa ngayon.
Naalala ko tuloy noong panahon na nasa project kami, sa bundok madalas ang aming trabaho. Malamig. Walang heater. Galing sa bukal ang tubig na ipampapaligo mo. Kaya sa unang buhos, sisigaw ka ng malakas para di ka masyado ginawin, hehehe. Ang picture sa taas ay kuha sa gilid ng kalsada pero sa itaas ito ng bundok. Nasa gilid ng kalsada ang bukal at dito kami naliligo. Masarap ang aming samahan kaya kahit na mababa ang sahod, nagtagal kami sa kumpanya. Mabuti na lang at nagkaisip din kami kahit papano, hehehe.
Namimiss ko ang mga ganitong samahan. Bumabata ang pakiramdam ko…
Friday, July 18, 2008
Ang kahalagahan ng mga Alaala - For my buddy Veren
Minsan, sinasabi natin sa ating mga kasamahan na kasalukuyang malungkot dahil sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, na dapat ay ibaon na natin sa limot ang nakaraan at harapin ang ating bukas. Maaaring ito ay tama pero hindi nangangahulugan na ibabaon natin lahat sa limot ang alala ng ating mga mahal sa buhay na namayapa na. Di nga ba't when we mourn, we remember them?
Ang kagandahan kasi minsan ng pagre-reminisce, naaalala mo ang mga nagawa niyang kabutihan, ang kanyang kakulitan, harutan, ang tawanan, mga (deep) secrets na marahil hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kundi kayong dalawa pa lang at malamang na mabaon na rin ito sa limot, ang tampuhan, pagkabigo, ang iyakan, at marami pang iba na sa alaala mo na lang gugunitain. Kung may nagawa man siyang pagkakamali ay naisasantabi mo na lamang. Maaaring ang iba dito ay siyang nakapagpabago sa iyong kaisipan kung kaya't ikaw ay nandiyan ngayon sa iyong kinatatayuan.
Itong post ko na ito ay para sa aking classmate, batchmate at buddy na si Veren. My buddy's sister Clarissa has just passed away. My deepest condolences go to you and your family.
Tuesday, July 15, 2008
Are ghosts real? –
Naalala ko tuloy noong ako ay maliit pa (wala pa siguro akong 7 years old noon). Nasa province ako at katabi ko sa higaan ang akong lola. Tatlo lang kami sa bahay at that time. Ang lolo ko ang pangatlo. Naalimpungatan ako sa tunog ng arinola na katabi ng aking lolo sa higaan. Medyo inangat ko ng konti ang aking ulo. Nakita ko na may umiihi sa arinola pero nakatalikod siya. Tiningnan ko ang lolo ko. Nakahiga naman at naghihilik. Nang lingunin ko ang lola ko, nasa tabi ko siya (nasa kanan ko ang lola ko at nasa left side ang arinola at higaan ng lolo ko about 2 meters away). Yung tao na umiihi, meron siyang takip sa kanyang ulo. Alam kong lalake ang umiihi dahil nakatayo. Mahina kasi ang ilaw na ginagamit ng lolo ko sa gabi kaya di ko maaninag kung sino. Nagkibit-balikat na lang ako at natulog uli. Kinabukasan, tinanong ko sa lolo ko kung merong bisita nung nagdaang gabi pero sinabi nya na wala. Ikwinento ko sa kanya ang nakita ko. Sabi lang nya, “Naku! Malamang na dinalaw tayo ng tatay ko”.
Monday, July 14, 2008
Actors born in 1962 –
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiA4p1ZQumgjk4-DPR-NO8dbYo6T-QF2NGt2B3FvlEuIO98W_zbuUsUmA_aIeE-p_XdclafuP5pHLg03R943_z_4MYCfZfMyKO9cQcgHw3USMxRYfWY7sbInn7aFAqwcuQi_xm0BSwcygU/s200/Tom.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi0UtV-3pkamtkOBF6WvzJ7agtZJxxEFyTfbSlLdX6vs1lfxta72z4qTP9Ejy8OR6pyNMQQJLjYipMjapjSrdDLbxgBG1z_16loiCo00nj5sBAnvqO63o4dkbPK2w_78MbNTT2UCL4I82M/s200/Matthew.jpg)
Thursday, July 10, 2008
Rudy Fernandez dies –
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiZxQ70HDsSFuPuV_twr0rUGP7T9HiEYQc_eqa7rWoJ5CPvS32LLCJq3qesRQwTE5WTFEel_kGajBTsWT2hOPc88YCktPKTEimyOi9Fdsv5D1lGBYnJOdgd-3mINDZ4Mv4HU0RbFkI8drk/s200/Daboy.jpg)
Actor Rudy Fernandez died at 6:15 Saturday morning at his home in Joeylane Street in White Plains in Quezon City due to a lingering illness. He was 55. After years of suffering from peri-ampullary cancer, Rudy succumbed to death in the presence of his wife, actress Lorna Tolentino, and sons Renz Marion and Raphael Fernandez. He also has a son, Mark Anthony, also an actor, with former partner, actress Alma Moreno. Minutes after the official announcement of his death, people from all sides of showbiz sent the sad news to one another via text or phone calls.
Two days before his demise, Lorna issued a statement that she was ready to accept his husband’s sad fate. “I am entrusting his life to the Lord,” said the actress in her message. Yet, she hoped that Rudy would still miraculously recover. During these last few months, Rudy and Lorna were shuttling between the US and the country for medical treatment of the actor’s cancer. They were recently advised by the patient’s doctors in the US to stay in a Philippine hospital for treatment. Fernandez was confined at the Cardinal Santos Medical Center in San Juan for almost a month. Before he was taken home, Senator Jinggoy Estrada, one of Rudy’s bosom friends, said during an interview that Rudy tried to fight his illness but couldn’t hide the real state of his health. He said Rudy’s tummy was already bloated and his eyes and skin were yellowish, all symptoms of the deadly cancer. The last time Estrada paid Rudy a visit in the hospital, the patient was agonizing. “Hirap na hirap na ako. (I can’t bear this anymore),” Fernandez was heard complaining. Meanwhile, Senator Ramon 'Bong' Revilla, another one of Rudy’s close pals, and colleagues in the film community, called on the public to say prayers for Fernandez. Rudy’s final wish was to be laid to rest at the Heritage Park along C-5 in Taguig City. Revilla told radio station dzMM Saturday that Fernandez's remains were immediately brought to the Heritage Park in Taguig City for the wake. He said the public can pay their respects at the park. Fernandez became famous for his action films such as "Baby Ama," and "Markang Bungo." Fernandez has won best actor awards for his film, "Batuigas...Pasukuin si Waway," and "Victor Corpuz".
Peri-ampullary cancer
According to Dr. Jaime Ignacio, immediate past president of the Philippine Society for Gastroenterology, peri-ampullary cancer is the growth of tumor in the ampulla, a passage of bile duct in the intestines. From the liver, bile duct supplies bile to the intestine, the liquid which digest the food in-take of a person. If the ampulla has a tumor, bile doesn't flow in the intestines resulting in inflammation of the bile duct. Ignacio said that periampullary cancer is rare. For every 100,000 people, only 100 develop the illness. The cause of the condition is still unknown. The following symptoms that might indicate periamplullary cancer: weight loss and bleeding of the ampulla which will be evident in a patient's stool. He added that the patient usually feels no pain. Ignacio said this type of cancer is not easily detected and it may be too late for the patient once it is finally identified.
"Kadalasan kasi, inaakalang hepatitis, liver cirrhosis, liver cancer o ibang sakit sa atay ang peri-ampullary cancer kaya hindi ito agad nalalapatan ng tamang lunas," Ignacio explained. Treatment options include surgical removal of the tumor or loosening of the obstruction on the bile duct, technically referred to as endoscopic retrograde cholangoi-pancreatography. In its later stages, peri-ampullary cancer cells spread to the liver. The survival rate is recorded at four out of ten people who are usually declared to be under remission if they remain cancer-free two years after the periampullary cancer was first discovered. Ignacio advised that to be safe and on guard against periampullary cancer or any other liver condition, a person should see a specialist immediately if he or she manifests jaundice.
Nabalitaan ko din ito sa asawa ko pero ngayon ko lang naisulat. Akala ko dati (before ako umalis papuntang India) ay gagaling na siya dahil sa mga nababasa at naririnig ko. Nakita ko din siya sa TV na masaya at sinasabi niyang gumaganda na daw ang diagnose ng duktor sa kanya. Marahil ay para di na lang pansinin ng madla.
Marami din akong napanood na pelikula ni Daboy lalo na nung bago pa lang siya sa pelikula. Minsan, inuulit-ulit ko pa. Magandang lalake, mahusay umarte, magandang asawa, mayaman, magagandang mga anak, nasa kanya na ang lahat. Pero di talaga lahat ay nabibili ng salapi. Kung pagmamasdan mo, wala siyang bakas ng kahit na anong sakit lalo na at malinis siya sa katawan. Hindi talaga natin alam kung kelan tayo mamamayapa. Either sa sakit, sa katandaan, o sa disgrasya. Kahit na anong ingat ang ating gawin kung talagang oras na natin. Mabilis na din mawala ang mga tao ngayon kung ikukumpara mo sa mga tao noong unang panahon. Nabubuhay sila ng more than 300 years old. Ngayon, suwerte ka na pag umabot ka ng 70. Lalo na ako na may mga bisyo din, tsk tsk tsk.
Monday, July 7, 2008
Use your side mirrors. Better safe than sorry –
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjH9oqQ45nv3RO90_flK1VbPruAT9FEFo3U1_ZfKPi13RtNQ1CrAVygXSH9Uqmpc4U7LGhbdfCargcr-2sYThpFz2JyDFkMWg92J_gZ7D4D-9OWZPFPMGXfgn5uownkDuovr4g4b-kl3OA/s200/NoMirror.jpg)
Saturday, July 5, 2008
Busy? Who’s busy?? –
P.S. I may not able to reply to your comments because I am so damn busy.
Friday, July 4, 2008
What is DUMB in the Indian world? –
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj1vxMhEporYQi7dBeippgq93_YQhz_iBZCnFQV6AHzSrHrqrdpl9gDHDqhGPExuWJ5_1JFNYCdFtA656jkJuM9zxq3wzfSsXudyXHKdUa6hmRETL9zHxbJ_-QqCtZLIQzK9maiZkybYrk/s200/Dumb.jpg)
Wednesday, July 2, 2008
Ang prusisyon at pagsisimba. Noon at ngayon –
Napansin ko din na may mga nadagdag na mga imahe hindi katulad nung ako ay nag-aaral pa dito. Ibang-iba na din dahil magagarbo na ang bawat karo. Maraming ilaw, bulaklak, at kung anu-ano pa. Di naman nabago ang route ng prusisyon. Kung ano yung dati, yun pa rin hanggang ngayon. Isa lang ang aking napuna: Walang ayos ang pila ng mga tao. Mas marami ang nakakulumpon sa mga karo at putul-putol ang linya. Ano ba yan!!?? Ganito na ba ngayon? What is the essence of attending a procession??? Para lang masabi na ikaw ay sumama??? Dati, walang makakadaan na sasakyan habang nagpuprusisyon. Pero sa laki ng mga agwat at putul-putol na linya ngayon, may mga pinalulusot na ang mga pulis. Sino ba dapat mag-ayos nito? Simbahan ba o munisipyo? Dapat, ipanawagan din ito sa simbahan bago pa man magsimula ang prusisyon (or bago magmahal na araw). Kausapin ang musipyo na siyang nag-aayos ng traffic. Una-unahan ang mga tao. May mga pulis sana na nag-aasikaso every 20 meters or so. May tumatakbo, may naglalakad. May mga nakaupo sa gilid ng mga karo. Ito ang di ko magustuhan sa pagiging katoliko. Naging magarbo nga ang mga imahe pero naging primitive ang pag-iisip. Mas maganda pa nung araw na ako ay umaattend nito. Maayos ang daloy ng prusisyon. Walang nag-uunahan. Ngayon, kuwentuhan ng kuwentuhan ang mga kabataan na ewan kung nagliligawan ba o ano man. Wala akong sinisisi dito. Dapat mga tao na din ang kusang rumespeto sa kanilang nakagisnan. Ewan ko ba. Pero sa mga nakikita ko na ganito, masasabi ko na nakakawalang gana. Di na rin ako madalas magsimba dahil sobra-sobra ang dami ng tao sa loob at labas ng church. Papano ka makakapag-concentrate manalangin at makinig sa banal na salita?? May mga nagkukuwentuhan sa tabi mo. May magkapulupot. May mga tumatakbong mga bata. Tsk tsk.
Pero kahit ano pa man, hindi ibig sabihin nito na mahina ang aking faith at ako ay titiwalag. Nasa akin pa rin naman kung ako ay mananalangin ng tapat. Madalas tuloy, tsaka lang ako pumapasok sa simbahan pag walang tao. Mas tahimik at mas nakakapag-concentrate ako. Kaya madalas din na nakikinig ako sa station sa TV ng ibang religion. Napaka-ayos ng paligid. Magkahiwalay ang lalake sa babae. Walang mga bata.
Nung nasa U.S ako, linggu-linggo ay nagsisimba ako. Masarap magsimba dahil maayos ang paligid. Meron silang “cry room” at dun dinadala ang mga bata pag malikot, umiiyak o basta nakaka-istorbo sa misa. Kaya napakatahimik at pari lang halos maririnig mo. Sinasabi natin na magagaling ang pinoy pero bakit pagdating dito, wala tayong galing? O chosen few lang talaga ang magagaling? O sa ibang religion ang mga magagaling na yun?
Tuesday, July 1, 2008
No umuli, mapan tumakki, no umulog, mapan maturog (A riddle) –
This ilocano riddle is still very clear to me. My lolo Mariano used to tell me stories and riddles when I was young and had not been to school yet. He kept on asking this but never revealed the answer. It was when I started school that he actually provided the answer. I could not recall the ilocano term but it is bulate in tagalog (earthworm in english). I used to fight with my lolo when I was a kid but had loved him when I grew older. Ah, lack of wisdom perhaps. Madalas niya akong habulin dati. “Anak ti diyablo! Mapan ka man diyay aweren!! Caramba! Simbergwenza!!”. Ito ang madalas niya sabihin pag di niya ako maabutan. I had not asked the meaning of the word “awer”. It could mean “far”. I remember him always sharpening his thumb’s nail with a pair of scissors. Pinatutulis nya ito. Ito ang pinangungurot sa amin pag may kasalanan kami. Talaga namang aangat ka ng 6 inches above the ground sa sakit, hehehe. Until now, I still have marks on my belly. I don’t care. They are my remembrance from my lolo.
Monday, June 30, 2008
Proudest Daddy and Mommy –
Sunday, June 29, 2008
Ang buhay ng isang OFW - by Jun Bunso
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgm8jziiZFt7ofKnzE_q1IGfTvoL7eqYclZZ7xmnciKwS9i2i53Rc0FCWC5i9HUSTHBTiw-_ZCKBeJGd_6Sqwzv7duQgdix5U9Kbvw-STOchEPHwoTyX7gdi21gtposAf7PgwNK7RGx0NI/s200/Emilio.jpg)
Heto na naman ako, hindi masyadong busy sa trabaho sa mga oras na ito. Subsob na naman sa pagsusulat, na siyang tanging libangan ko at outlet sa bansang ito. Walang masyadong happenings na hindi ko na rin iniexpect sa bansang ito. Paulit-ulit na " okey lang ako " ang isasagot ko sa tuwing ako'y tatanungin. Hindi naman ako masaya at hindi rin naman ako malungkot. Mga pakiramdam at damdaming pigil na natural lamang sa bansang ito na walang kalayaan. Balanseng pamumuhay subalit malayo naman ako sa mga mahal ko sa buhay. Ito ang buhay ng isang OFW. Sa aking paglisan sa aking bansang sinilangan, baon ko ang luha at kalungkutan sapagkat saglit kong maiiwan ang aking mga minamahal subalit sa kabila nun ay ang katotohanang nais ko silang bigyan ng mainam na buhay at maiahon sa kasalatan. Mahirap na malungkot subalit masaya sa pakiramdam. Sa minimithi kong pagbabalik, pawang walang pagsidlan ang aking kagalakan. Ang kasiyahan na muling makita at masilayan ang aking mga minamahal. Ang dalang hatid na tagumpay sa aking pamilya at isang balanse at kuntentong buhay kapiling sila…
Saturday, June 28, 2008
Getting better... and better –
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjNb290C_ed6qN_SRF69AXihjjHdeSYa2Qj_l-RTNJpMFLUr8-nXh95FnulveugA3erdZdGWw6dVOrUBhLFmWg0SIpGrL0lFkqYpphi-4tGqh3ouXL_6ueZHu6cbbFtSq41YzDjEbidhKQ/s200/Picture+038-dinner+at+LaMesa+Resto.jpg)
Friday, June 27, 2008
Tired body does not really keep you from falling asleep –
Thursday, June 26, 2008
Hoax or no hoax –
Lesson learned: We should NOT take information and other matters available on the Internet at face value and use them as if they were the truth or verified data. It could be right to fight back if our guiding principle is being attacked. But we need to stop, if that person (whether he did it or not) already apologized in public. We need to search for the whole aspect. I nearly made a slight mistake. Hoax or no hoax, I opt to stay calm and do my job. Being a Filipino is still intact… within me… Magkakasakit ka lang pag pinatulan mo ito. I’m just being myself…
Wednesday, June 25, 2008
Now you see me, now you don’t –
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiUEk7herQoSvr2EPeyPwIJNks3H_RU8uxuevxddFQABy8t314PkNOGBC-fPaYepr7oObp3ikCTP8d_sACrhpHGR05xd2MCowWkW5W8tARyMhkRWwE1bhxArYg7RnH3abTWR2AVlj5ytlw/s200/India+070.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiq3YrsYTsWvXGxufFE1dqbwAJJbpW63OUperqWSNFQnr9yXBVWRiY3kJcG9r3j3z9mSh7lC7V6XOxf99gBAF2iJnFn3moUGGwqWFM5_wa_KJ4YbucWR5rCIKSPLYE17R_N7wKAIL1UeK0/s200/India+069.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhAy9WJJqeMMZ69E4-nkz2l4JXvOdjjb-Px9SK2bvR6fI__OOIiiKfAHHfizk0iJoiAcb7eNOxLukiKCfnaEmmeyaPMhLBlpWcJF6jr2DcXjmym3RqFEVHf6k80tLdPKwALvgZhURFYQA8/s200/India+084.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgEUr51wVOzFOxte6hH1LO61dkHkYGgalBQrJy-dNnw9bqhC165HSlNVG3J6OhhPA_4LPhvkhX4Q5go6WPtAhNbaZ-WL9HUP_WKhaIXcZRRu_vLrLfrXe_USCDgBQqw0cmentDbLC9drOQ/s200/India+092.jpg)
Tuesday, June 24, 2008
Sad news from Christopherians Batch '79 group
Noemi, kasama mo kami sa iyong pagluluksa…
Monday, June 23, 2008
Hindi Lahat ng Iling ay Hindi (O Wala) –
I also experienced the same thing when my Indian friend and I went to a nearby fruit shop to buy fruit shakes. Nag-order ang kasama ko ng isang banana shake para sa kanya at isang mango shake naman para akin. Umiling ang tindero pero mayamaya lang, the shakes were served, hehehe. Dami lang langaw sa paligid at sa table (hayup!)..
Imagine a world without electricity
Sunday, June 22, 2008
My Alma Mater -
Verena Valencia de los Reyes – moderator
Agapito Florendo
Aurora Miniano Crane
Bernardita Collado Ronquillo
Cesar Fe?
Delia Dingle Hollandsworth
Diosdado Opeña
Egdon Pinzon
Emilio Noto Jr.
Noemi Ramos Gaerlan
Rosemarie Mones Julio
Rosa Ramirez Landingin
Minerva Lardizabal Lopez
Marami pang naka-chat si Veren and Badette (at ako) pero parang walang gustong sumali. Meron na rin silang mga nakausap personally at over the phone. Meron pa namang reunion sa year 2009. I hope everybody has joined by then. What about Noli Mon? Herminia Baltazar?
Saturday, June 21, 2008
It's only in the mind
Friday, June 20, 2008
When you are in Rome, do what the Romans do
Halos lahat ng tao dito, may mobile phone na din. Mas mahirap nga lang kumuha ng SIM or unit kapag di ka tagarito (lalo na ako na foreign dito). Kahit mga Indian na di tagarito (from other cities, I mean) ay hirap din makakuha ng unit or SIM. Unlike sa Pinas na talamak ang bentahan ng mga units. Kahit na sino ay pwede makabili. Kaya di mo na ma-trace ang mga numbers. Mabuti na lang, binigyan ako ng SIM sa site after 2 weeks of non-stop kulitan, hehehe. Malamang marami nang nagtetext sa akin sa dati kong SIM. Kaso, di ako makakuha ng signal dito. Bago ako umalis dito, malamang na mawalan na ng tuluyan ng signal dahil nga un-attended for so long.
Killer Bees Strike Again
Thursday, June 19, 2008
A Tough Job
Maraming mahirap na mga tao. Lahat ay maitim di katulad sa ibang lugar ng India na napuntahan ko na. Halos karamihan dito ay naka-bike lang. Marami ding tricycle na nasa gitna ang gulong at hindi sidecar na parang Pinas (auto ang tawag nila dito). Wala akong maakitang aircon busses. Parang ginawagawang shuttle lang yata dahil palagi nakapark sa gilid. Right-hand drive sila kaya kabaligtaran ng sa Pinas. Muntik-muntikan na nga ako madagit sa pagtawid eh, hayup! Mas priority ang mga sasakyan dito kaya ingat ka palagi sa pagtawid (kahit pa nakalagay na PEDXING). Hindi ka sasantuhin ng mga hayup na driver. Maingay din sa daan dahil panay ang busina ng mga sasakyan (bingi ba mga tao dito?). Walang gustong magbigay sa daan. Kung sino ang unang nag-overtake, dapat pagbigyan mo. Tsk tsk. Anong klaseng ruling kaya sa traffic meron sila? Hehehe. Natatawa na lang ako minsan. Masyado maraming kalat sa daan. Wala yata naghahakot ng basura eh. Dito sa malapit sa apartment, maraming maliliit na tindahan na katulad din ng sa Pinas pero maraming kulang. Di ka makakabili ng mga basic needs mo like mantika, sibuyas, bawang o kung ano pa mang kailangan mo sa pagluluto. Sa palengke ka lang makakabili. Kailangan kong maglakad ng isang kilometro bago ako makakita ng isang maliit na palengke. Doon na ako bumili ng mga immediate needs sa pagluluto. Meron din silang mga gulay na kapareho ng sa atin like alugbati, repolyo, carrots at labanos. Merong mga ibang dahon na di ko maintindihan ang hitsura kaya di ko binili. Parang sa gilid lang ng kalsada binubunot, hehehe. Baka iba ang lasa. Mabuti at may dala akong pang-paasim sa sinigang kaya yun agad ang niluto ko sa gabi dahil nakabili naman ako ng baboy. Iba silang magkatay ng baboy dito. Parang sinusunog nila ang balat na parang kilawing kambing kaya iba ang amoy. Pero mga bata ang mga baboy na ibinebenta nila. Akala ko nga ay di ako makakabili dahil muslim country ito pero meron din palang kumakain. Baka at kalabaw lang ang talagang wala pero meron namang mutton kaya ok na din. Nakabili din ako ng manok. Maliliit ang kanilang ibinebentang itlog dito. Nung unang bibilhan ko sana ng baboy, akala ko, native na di nakaliskisan ang itinitinda nya kasi maitim. Pero nung lumapit pa ako, aba eh natatakpan pala ng sangkatutak na langaw!!! Anak ng pitong kulugo!! Nawalan ako ng ganang bumili (sorry sa mga kumakain habang nagbabasa). Mabuti at meron pang ibang nagtitinda at dun na lang ako bumili. May langaw din kaya lang konti lang, hehehe.
Isa pang naging problema ko ay signal ng multi-band ko na cell phone (Nokia 6300). Wala akong makuha. Kaya halos more than a week na di ko natawagan ang honey ko. Meron namang international calling booth na malapit sa apartment pero harang ang presyo. Pero kahit na ganun, gumamit pa rin ako para lang masabihan ko siya na wala akong signal at para makumusta ko na rin sa bahay. Hay, buhay!!! Mahirap talaga ang malayo ka sa piling ng iyong pamilya.
My first day to post a message
My full name is Constantino Lofradez Gatus, son of the late Jose Gamboa Gatus and Aurelia Marquez Lofradez. Pangatlo ako sa limang magkakapatid. Si Alberto (Albert), Bernadette (Adette/Badette/Dette), ako, Reynaldo (Rey, na namayapa na din), at ang bunsong si Julieta (Julie). Ang kuya Albert ko ay kasalukuyang pulis (lieutenant) ngayon somewhere in Cubao. Ang ate ko naman ay sa bahay lang at inaasikaso ang kanyang apat na anak. Si Julie din ay nasa bahay lang at may konting negosyo na siyang bumubuhay sa kanila. Ako lang at ang kuya Albert ko ang full time ang trabaho sa ngayon.
Marami akong naging pangalan. Starting from Tino when I was a kid until high school. Then, my classmates in college started calling me Joel. Why? It happened that we had a classmate named Joey Constantino Cayao. At ako ay Constantino lang. Kaya binansagan akong Joel. Joel and Joey Constantino. Nung bandang huli ng college days ko (I graduated as a BS in Electronics and Communications Engineer, by the way), tinatawag na nila akong Ting, dahil masyado mahaba ang name ko at ayaw naman nila gamitin ang Tino dahil bakya daw (hehehe). So, hanggang ngayon, Ting pa rin ang tawag sa akin ng mga close friends ko, pati na ng asawa kong si Ma. Elena Sanchez Gatus. Ang asawa ko ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang power producing plant (IIP) as an executive secretary. Bale sa Roxas Blvd ang kanilang main office. Siya ay tubong Ligtong, Cavite. Anak nina Angel Sanchez at Celeste Modelo. Tatlo silang magkakapatid. Panganay na si Rosario Jardiniano (Cherry) , ang kuya niya na si Angelito (Lito), at ang aking asawa. Sa ngayon, dalawa ang aming supling. Si Coleen May, at si Jacob Constantine. Five years and a half pa lang ang panganay namin at magtatatlo naman ang bunso. Nasa kinder na si Coleen at nagkaroon ng bronze medal kailan lang, sa Kumon. Sana ay palaging may honors ang mga anak namin, hehehe. Kahit hindi gold, happy na din ako.
Sa mga susunod na posts ko, malalaman nyo kung papano ako mamuhay, at kung anu-ano ang pinagkakaabalaan ko, mga mithiin, mga ayaw at gusto, kung gaano kaprangka, kung masaya o hindi, at kung anu-ano pang kaek-ekan sa buhay.