Thursday, June 19, 2008

A Tough Job

Isang buwan na ako dito sa Kakinada, India. Ipinadala ako ng company to assist in commissioning a power plant here. Bago ako nakarating dito ay katakut-takot na aberya ang inabot ko. Muntik na akong maiwan ng airplane sa Bangkok (dahil sa time difference) in transit to India. Dahil malaki ang airport ng Bangkok, halos isang kilometro yata ang tinakbo ko para makarating sa gate. Hingal-kabayo ako. Akala ko, mawawalan na ako ng ulirat, tsk tsk. Mabuti na lang at pinagbigyan pa ako ng mabait na bantay at pinabalik ang bus. Sa gitna kasi nakapark ang plane eh. Tsk tsk. Pagkatapos ay na-cancel naman ang booking ko sa domestic airport ng Kolkata, India papuntang Vishakapatnam kaya katakut-takot na pag-aayos pa din ang ginawa ko. Malayo ang biyahe namin from Vishakapatnam airport to the apartment (3.5 hours). Wala ako tulog halos maghapon nun. Kaya pagdating namin ng tanghali ay natulog agad ako. Kinahapunan, namasyal ako ng konti. Remote area ito ng India. Hindi kasing-sikat ng pangalan ng Delhi. Parang nasa remote area ako ng Bicol.

Maraming mahirap na mga tao. Lahat ay maitim di katulad sa ibang lugar ng India na napuntahan ko na. Halos karamihan dito ay naka-bike lang. Marami ding tricycle na nasa gitna ang gulong at hindi sidecar na parang Pinas (auto ang tawag nila dito). Wala akong maakitang aircon busses. Parang ginawagawang shuttle lang yata dahil palagi nakapark sa gilid. Right-hand drive sila kaya kabaligtaran ng sa Pinas. Muntik-muntikan na nga ako madagit sa pagtawid eh, hayup! Mas priority ang mga sasakyan dito kaya ingat ka palagi sa pagtawid (kahit pa nakalagay na PEDXING). Hindi ka sasantuhin ng mga hayup na driver. Maingay din sa daan dahil panay ang busina ng mga sasakyan (bingi ba mga tao dito?). Walang gustong magbigay sa daan. Kung sino ang unang nag-overtake, dapat pagbigyan mo. Tsk tsk. Anong klaseng ruling kaya sa traffic meron sila? Hehehe. Natatawa na lang ako minsan. Masyado maraming kalat sa daan. Wala yata naghahakot ng basura eh. Dito sa malapit sa apartment, maraming maliliit na tindahan na katulad din ng sa Pinas pero maraming kulang. Di ka makakabili ng mga basic needs mo like mantika, sibuyas, bawang o kung ano pa mang kailangan mo sa pagluluto. Sa palengke ka lang makakabili. Kailangan kong maglakad ng isang kilometro bago ako makakita ng isang maliit na palengke. Doon na ako bumili ng mga immediate needs sa pagluluto. Meron din silang mga gulay na kapareho ng sa atin like alugbati, repolyo, carrots at labanos. Merong mga ibang dahon na di ko maintindihan ang hitsura kaya di ko binili. Parang sa gilid lang ng kalsada binubunot, hehehe. Baka iba ang lasa. Mabuti at may dala akong pang-paasim sa sinigang kaya yun agad ang niluto ko sa gabi dahil nakabili naman ako ng baboy. Iba silang magkatay ng baboy dito. Parang sinusunog nila ang balat na parang kilawing kambing kaya iba ang amoy. Pero mga bata ang mga baboy na ibinebenta nila. Akala ko nga ay di ako makakabili dahil muslim country ito pero meron din palang kumakain. Baka at kalabaw lang ang talagang wala pero meron namang mutton kaya ok na din. Nakabili din ako ng manok. Maliliit ang kanilang ibinebentang itlog dito. Nung unang bibilhan ko sana ng baboy, akala ko, native na di nakaliskisan ang itinitinda nya kasi maitim. Pero nung lumapit pa ako, aba eh natatakpan pala ng sangkatutak na langaw!!! Anak ng pitong kulugo!! Nawalan ako ng ganang bumili (sorry sa mga kumakain habang nagbabasa). Mabuti at meron pang ibang nagtitinda at dun na lang ako bumili. May langaw din kaya lang konti lang, hehehe.

Isa pang naging problema ko ay signal ng multi-band ko na cell phone (Nokia 6300). Wala akong makuha. Kaya halos more than a week na di ko natawagan ang honey ko. Meron namang international calling booth na malapit sa apartment pero harang ang presyo. Pero kahit na ganun, gumamit pa rin ako para lang masabihan ko siya na wala akong signal at para makumusta ko na rin sa bahay. Hay, buhay!!! Mahirap talaga ang malayo ka sa piling ng iyong pamilya.

No comments: