Tuesday, July 1, 2008

No umuli, mapan tumakki, no umulog, mapan maturog (A riddle) –



This ilocano riddle is still very clear to me. My lolo Mariano used to tell me stories and riddles when I was young and had not been to school yet. He kept on asking this but never revealed the answer. It was when I started school that he actually provided the answer. I could not recall the ilocano term but it is bulate in tagalog (earthworm in english). I used to fight with my lolo when I was a kid but had loved him when I grew older. Ah, lack of wisdom perhaps. Madalas niya akong habulin dati. “Anak ti diyablo! Mapan ka man diyay aweren!! Caramba! Simbergwenza!!”. Ito ang madalas niya sabihin pag di niya ako maabutan. I had not asked the meaning of the word “awer”. It could mean “far”. I remember him always sharpening his thumb’s nail with a pair of scissors. Pinatutulis nya ito. Ito ang pinangungurot sa amin pag may kasalanan kami. Talaga namang aangat ka ng 6 inches above the ground sa sakit, hehehe. Until now, I still have marks on my belly. I don’t care. They are my remembrance from my lolo.
My lolo survived the “death march” during WWII. Ang kuwento niya sa akin, nun daw naglalakad sila sa may mga burol, dun nya naisipang lumundag at paikut-ikot na nagpatihulog sa burol. Pinagbabaril daw siya ng mga hapon pero suwerteng hindi siya tinamaan. Marami daw ang nagtangkang tumakas. Marami ang namatay at may mga ilan ding nakatakas. Ang mga bumabagsak sa daan (marahil sa gutom o uhaw) ay doon na pinapatay. Biruin mong lakarin niya mula Bataan hanggang sa Bangar? Nung makita daw siya ng lola, di na siya makilala sa sobrang payat nya. May mga araw na di siya kumain habang tumatakas. Marami pang kuwento ang lolo ko pero sa ibang pagkakataon ko na lang ito ikukuwento. Trabaho muna, hehehe. I am proud of my lolo, kahit saan man siya naroroon ngayon.

14 comments:

veren said...

Thanks buddy! I had a good laugh at this post! It is nice growing up with the olds diba? I also had my share of "caramba", "simbergwenza", "dangnga", "sal-it", "punyeta" whenever me and my siblings get very naughty. Yes, I admire their wisdom. And they gave the best training on table manners---kelangan nakaset na yung placemat, plate, spoon & fork at baso, tapos sasabihan ka ng "agkararag nga umuna", "awan ti agsakuntip", "ibusem amin data adda dita platom", "awan ti nakauksob nga sumango"(directed to my kuyas), at pag natapos kang kumain kelangan ihelera ang spoon and fork na magkatabi sa right edge ng plate. Pagkatapos ng hapunan ay ang umaatikabong Santa Maria at litanya dahil kelangang magrosaryo bago matulog. Pag inaantok na puro "amen" na lang ang naririnig sa amin ng mga kapatid ko. Pero lalaki bigla ang mata namin pag narinig mo si lola na magsabi ng "pigsaan yo!" Kasama ko sa room ang lola ko palagi noong bata ako. Ako kasi ang tungkod nya pag may lakad, lalo na pag magsisimba, o pupunta sa bahay ng mga kapatid nya para makipagchikachika o di kaya ay sa mga pinsan at amiga nya para maglaro ng "pangginggi" (card game na mga wirdo ang drawing). I miss them so much....

BTW, the ilocano for earthworm is "alinta". And as for "awer", it means bulakbol. Hindi naman ako natatakot kay Lolo Mariano noong nagpupunta ako makipaglaro sa inyo. Si Lola mo pa....mejo istrikta kaya uwi na agad ako pag anjan na siya.

Speaking of death march....my Dad too survived it. Ilang buwan pa lang panganay na kuya ko noon. They walked from Bangar to Capas, Tarlac. Ang ginawa naman ng Dad ko dahil walang makain, he volunteered na maghugas ng kaldero para makuha nya yung mga kaning sunog na dumikit....he kept these in his pocket at yun ang inuunti-unti nyang kainin pag natutulog na sila. What an ordeal!!!

Ting Gatus said...

Oo nga buddy. Madalas din ako kasama sa rosaryo sa bahay pero madalas din ako buhatin ng lolo ko kasi, lagi ako tulog, hehehe. Balay a balitok, ruwangan ti langit, palpallatok ti bigbigat, kakaasi ti imbag, etc. Ok din naman ang magiging breeding mo pag sa mga olds ka mapupunta. Lahat ng sinabi mo ay ganun din sa bahay. Matalim ang mata ng lolo ko pag medyo di ka maayos habang kumakain. "Anian aya!! Papispisan ka dita!!", hehehe. Meron din siyang kullayot sa gilid ng silya nya para kahit malayo ka, abot ka niya dahil nga mahaba. Walang na-miss na misa ang lolo ko. Member kasi siya ng kung anu-anong kapisanan sa simbahan. Kaya palagi ako kasama sa simbahan. Di nga ba't "Best in Religion" ako from first year to fourth year high school? hehehe. Dati, I outshined our religion teacher, Ms. Raguindin (now Mrs. Mupas), tungkol sa bible. Pero ngayon, wala na, bwahaha.

Thanks for informing me about "alinta". Are you sure this is the ilocano term? Anyway, mas mabait ang lola ko, kasi siya palagi ang nagagalit sa lolo ko pag nalaman niya na pinalo na naman kami. Kunsintidora siya. Maglalasing yun at tatalakan ang lolo ko maghapon. Hayun, tahimik si lolo. Bubulung-bulong na lang sa sulok, hehehe.

Totoo yung sinabi mo tungkol sa kanin. Ganun din daw ginawa ng lolo ko. Pinipiga nila sa kamay at nilalagyan ng konting asin yung mga tira na nasunog at ilalagay sa bulsa. Masuwerte pa rin tayo kahit papano. Di natin naranasan ang paghihirap nila sa kamay ng mga tarantadong mga hapon.

veren said...

not "kakaasi ti imbag"....its "lakasa ti imbag"....and yes, alinta nga ang earthworm...hindi naman "igges" kasi shorter naman itong mga igges...

mejo lola's favorite ako noon...if you've seen my baby pix I was in gold earrings already....hindi sinulid or buto ng bugbugayong (red and black seed)....that gold earring was courtesy of my Lola Simang (old maid). Sayang nga eh, I could have given it to my daughter had it not been for my carelessness....kasi noong college ako, I kept it in the pocket of my blouse which I seldom use na. There was this igorot lady na everyday ang gawain eh mag house to house trading whatever she can gather sa place nya for some stuff. One day, she passed by our apartment at Navy Base in Baguio and wanted to trade her bananas and camotes for some old clothes....I gave my old blouse...forgot to check the pockets....huhuhuhuh....that igorot never came back.

Ting Gatus said...

Bwahahaha! Akala ko, kakaasi eh, hehehe. Pabayaan mo na yung earring. Di naman niya ikakayaman yun. Bale, abuloy mo na lang sa kanya yun pag siya ay natepok, hehehe. Yan na lang palagi ang sinasabi ko pag may nanggagantso sa akin. Abuloy na lang. Teka, baka she never came back dahil.... ???

veren said...

Ay oo nga ano....its possible kasi very old na yun noon....okay, sana nagsilbing tulong yun sa mga pangangailangan nya...

Okay din naman neighborhood natin noon ano? Maraming bata na makakalaro natin. I used to play with Carmen and Lita over there at the gasoline station across your house....the Dalits and the Valencias, also Vangie Caluya and Marbel kina Nana Maria Maracha...and of course my buddy, and ate Adeth....holens, bending, limbo rack (rock?), luksong lubid, shatung, chinese garter? tatsing? Kahit papano may interaction with other kids, unlike now....puro computer, nintendo, PS2, gameboy, and all those gadgets. Naiinis ako noon kasi pinapatulog ka after lunch....eh sarap na ng hiyawan ng mga kalaro sa kapitbahay, gusto ko na rin makipaglaro pero bantay sarado ako. Pag nakatulog na mommy ko I tiptoe palabas sa room, pag-open ko unti-unti ng door about to step out saka siya susutsot....anak ng tinapa! dipa pala tulog kundi nakapikit lang....balik sa bed si ako. Pero paminsanminsan naiisahan ko siya....kaya lang pag nagising at tinawag ako....naku, siguradong may hawak na sanga ng bayabas sa likod nya nga pangbasnot na kaniak! Kaya gustonggusto ko nalang matulog sa room ng lola Matilde ko....marami pang cans ng ibat-ibang biscuits sa ilalim ng cabinet hehehehe....I remember she had this statue of San Roque, whenever I ask for something she would tell me to pray to this saint then would let me out of the room for a couple of minutes so she can also pray daw para ibigay yung hiling kong pagkain...after a while hayun nandoon na sa small table beside the bed....paniwalangpaniwala talaga ako.....hay, ang bata nga naman....
Would you believe na sa kataastaas ng window namin, nasubukan ko din mag-eskapo para lang manood ng TV kina Mupas or kina Adora? I go down through that window, tapos magpadausdos sa puno ng papaya sa tabi? Si Guli (of Mg Pansing) ang kasama ko noon. We pay 10cents para lang mapanood yung lintik na "Six Million Dollar Man" at yung "Rat Patrol"....wala pa kasi kaming TV noon eh, nagkaroon lang nung 2nd yr high na tayo....I could say, we were lucky to have very rich childhood memories....

Ting Gatus said...

10 centavos??? Ang laki naman!!? Nung nagtatantsing kami kina Dalit, mamera lang ang taya namin, hehehe. Naalala ko tuloy sina Carmen and Lita na anak ni Umel (nakalimutan ko na name ng asawa niya). Madalas kami magbahay-bahayan kasama kuya ko. Si Lita at kuya ko ang mga parents, kami ni Carmen ang mga anak, bwahahaha! Chinese garter? Hmmm, ikaw yata ang walang panty nun kaya gusto ko, ako lagi taya, bwahahaha!

Kidding aside, madalas din ako kina Mupas nun. Nagagalit na nga sila dahil gusto na nila matulog, ayaw ko pa umalis, hehehe. Parang "Space 1999" yata ang palabas nun. Mahilig talaga ako sa mga sci-fi eh. Gusto ko din dati yung 6 million dollar man. Palagi ko nga ginagaya sa school, yung slow motion na tumatakbo siya. Aah, memories...

veren said...

Hey! I seldom wear dresses nung bata ako, always in shorts and sando, kaya hindi ako yung sinilipan mo...salbahe ka a! May pagka tomboyish ata to nung grade school kasi naman puro lalaki ang mga bata sa kapitbahay, dalawa lang kami madalas ni Guli na babae...kaya sige din kami sa larong barilbarilan...using the firewood of Mg Pansing....bwisit na bwisit yun pag nakita nyang nagulo nanaman yung mga pinapatuyong mga kahoy..."ukingingayo nga ubbeng!!! kinibur yo man dagitoy sungroden!!!" magmumura yun na may sigarilyo sa bibig, yung ang nasindihang part ang nasa loob ng bunganga....

talaga nga naman....kahit sang sulok ka magtago para lang hindi ka mabaril (or ma-bung pag taguan)....minsan sa loob pa ng kulungan ng baboy, or akyat sa puno, minsan nakakarating ka pa hanggang likod ng simbahan.....haaayy naku....

dun naman sa gasolinahan, okay lang kahit puro grasa ka na....ihandahanda mo nga lang puwet mo pag-uwi at siguradong magmamarka nanaman yung palad ng mommy ko....(BTW, the name of asawa ni umel is Daday)

nasubukan mo din ba magtampisaw sa may fountain sa harap ng simbahan tuwing tag-ulan? before, masarap maligo sa ulan, and we would borrow used tricycle tires from Mg Benito at yun ang pagugulungin namin using the hand or kawayan...racing kami magmula dun sa amin paikot sa likod ng simbahan until we reach the front gate of the church....unahan na kami swimming dun sa fountain na puno ng lumot at waterlily....at pag tumila ang ulan, kanyakanyang akyat sa mga puno para magwagwag ng sanga....unahan nanaman sa pagkuha ng "aros-aros"....simple joys pero very fond memories....

Ting Gatus said...

Madalas din akong maligo sa may fountain dati. Hinuhuli ko pa nga ang mga dalag na inilagay eh, hehehe. Yes, naalala ko na si Daday. Kamukha yata niya si Carmen pero parehong kulot yung magkapatid. Namana nila sa nanay nila. Huli kong nakita si Carmen na naging asawa ng isa sa mga tao sa perya. Baka 80s pa yung huli naming pagkikita. Simula nun, wala na akong balita. Si Lita ang talagang di ko nakita after high school. Medyo ilag din ako sa mommy nina Benjie (si tiya Pancing). Kasi nga, palaging nagmumura at matalim ang mga mata. Walang araw na di ko naririnig ang boses nya kahit nasa loob ako ng bahay. Parang galit lagi sa mundo, hehehe. Madalas ako sa kanila kasi palagi kami naglalaro ng basketball. Si Rey, Benjie (or Baby) and Nayon (Juanito). Minsan, kasama din ang kapatid mong si Dominic. Nakakatakot pumasok sa bahay nila kasi palaging madilim sa taas.

Naalala ko si Dominic nung binanggit mo siya sa group natin. Maraming beses ko rin siyang nakasama sa mga laro. Ang alam ko, idol pa nga nya ang buhok ko na parang Beatles eh, hehehe. Kaya, parang bao din ang buhok nya, hahaha! Regards sa utol mo...

veren said...

The Beatles pala kayong dalawa ni Dominic hehehe....Bayaan mo ikumusta kita pag nag email ako, or maybe I will share him your blog?

Ganun lang talaga noon si Mg Pansing, mabunganga pero mabait naman. Until now, pag umuuwi ako nakakakwentuhan namin ni Mg Irene siya at naaalala namin ang kanyang pagmumura araw-araw. Si Rey nagsettle na dun, may business na kainan sa bahay nila. Masarap yung pansit canton nya. Lagi ako order ng merienda namin pag umuuwi ako.

Ting Gatus said...

Yeah, you can tell him my blog. Di ko lang sure kung mahilig siya magbasa ng mga walang kabuluhan, hehehe. Kung wala siya magawa, pwede din siya mag-comment.

Paborito ko ang mga noodles. Baka pag nagbakasyon uli ako, bibili din ako ng pansit sa kanila. Masarap ang maraming kalamansi. Pareho kami ng misis ko na mahilig. Pati ang panganay naming si Coleen.

I just hope malakas pa si tiya Pansing. Parang nabalitaan ko dati na namatay na asawa niya. Nakikita ko pa dati sa Cubao nun nag-aaral pa ako sa college.

veren said...

Ako din, bijon at canton ang hilig kong noodles, yung madaming sahog na gulay. Kapampangan ata wife ni Rey, kaya magaling sila magluto.

Oo, wla na si Mg Pabling, the other summer pa. Naatake....kasi birthday daw nya noon, mejo nasobrahan siguro ng pulutan at inom eh bawal na sa kanya....hayun, dina nagising....

Ting Gatus said...

Ganun ba? Naku! Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Yan ang post ko sa blog ko about Daboy. Di natin alam kung kelan tayo matitigok. Tsk tsk tsk. Di ba matanda na yun? Nakakainom pa rin? Anyway, that's life.

Nakita ko si Rey dati sa Novaliches. Nakasabay ko sa bus pero I think that was 15 years or so. BSECE din yaata ang kinuha nya. Sayang naman pinag-aralan nya kung di na nya nagagamit. Pero kung malakas ang tinda, ok lang siguro. Mas madali ako manghina pag nasa bahay lang ako palagi. Si Benjie at Nayon ang di ko alam kung ano natapos. Regards sa kanila.

veren said...

Pinapost ito ni Dominic:

Hello Tino! Kumusta brod! I enjoyed reading this part. Memories? Mejo maramirami din ako nyan. Correction lang.....hindi dahil sa hairdo mo kaya ako lagi nagpupunta sa inyo hehehe....ikaw gustunggusto ko kalaro kaya palagi ako pumupunta sa bahay nyo, kasi lagi mo pinapahiram yung bagong skates mo, ikaw pinakaunang nagkaroon ng ganun dun sa atin eh....tapos may pameryenda pa. I remember, palagi din tayo naghahanap ng mga lumang jolens sa likodbahay nyo.

Dahil sa palagi ako sa inyo, palagi din ako iniinis ng Daddy ko..."Naggapuam manen? Naggapu ka man dita ayan da Lakay Marianon? Ar-armem sa met ni Baket Minang? No maammuan ni Lakay Mariano data kitaem!" You can just imagine yung haba ng nguso ko sa inis! Pero overall, I enjoyed your company....

Pinapost ko lang to kay Ate Veren, nakadeploy ako ngayon sa Persian Gulf....napayagan lang dumalaw dahil sa death ng Ate Clarissa. Babalik na din ako dun this 30th.

Ting Gatus said...

Hahaha! Thanks Dominic. Sorry, ngayon ko lang nasagot ang message mo. Nagproblema kasi ang PC ko eh. Pero natawa ako sa post mo. Di ko kasi alam yung part na yun dahil di ka naman nagkukuwento tungkol sa inyo.

Salamat din kung nagustuhan mo ang company ko. i hope you can drop by and say hello again some other time. At para malaman ko din kung papano na ba ang buhay mo diyan.

Ingat palagi brod...