Friday, July 18, 2008

Ang kahalagahan ng mga Alaala - For my buddy Veren

Minsan, sinasabi natin sa ating mga kasamahan na kasalukuyang malungkot dahil sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, na dapat ay ibaon na natin sa limot ang nakaraan at harapin ang ating bukas. Maaaring ito ay tama pero hindi nangangahulugan na ibabaon natin lahat sa limot ang alala ng ating mga mahal sa buhay na namayapa na. Di nga ba't when we mourn, we remember them?


Ang kagandahan kasi minsan ng pagre-reminisce, naaalala mo ang mga nagawa niyang kabutihan, ang kanyang kakulitan, harutan, ang tawanan, mga (deep) secrets na marahil hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kundi kayong dalawa pa lang at malamang na mabaon na rin ito sa limot, ang tampuhan, pagkabigo, ang iyakan, at marami pang iba na sa alaala mo na lang gugunitain. Kung may nagawa man siyang pagkakamali ay naisasantabi mo na lamang. Maaaring ang iba dito ay siyang nakapagpabago sa iyong kaisipan kung kaya't ikaw ay nandiyan ngayon sa iyong kinatatayuan.


Itong post ko na ito ay para sa aking classmate, batchmate at buddy na si Veren. My buddy's sister Clarissa has just passed away. My deepest condolences go to you and your family.

1 comment:

veren said...

Thank you so much, buddy!
Magaan ang aming pakiramdam sa pagpanaw ng kapatid ko. Hindi naman kasi siya naghirap, comatose na siya since naipasok sa hospital until she breathed her last. Lahat kami pakiramdam namin ay parang nandiyan pa rin siya. Tahimik na tao naman kasi yun, pagdadasal ng rosaryo ang madalas na gawain.

Siguro ang mamimiss ko sa kanya ay yung paglalambing niya pag umuuwi ako dun sa province....she's very happy pag dumarating ako, tapos magpaparinig na yan....merienda, groceries, shopping ng sabon, shampoo, lipstick, powder, etc....simple lang ang mga gusto nya....mababaw lang kaligayahan ng ate kong yun. Abutan mo lang ng pang meryenda yun, abot tenga na ang ngiti. Very loving siya sa akin at mga anak ko. Agad nya kaming inaabutan ng abanico pag dumarating kami. Kapag matutulog na, ihahanda na yung tulugan namin at electric fan.

Utang ko sa kanya yung mga pictures ko noong bata ako. Pinipilit nya kaming magpapicture dun kay Mupas Studio kahit ayaw namin. Mahilig kasi yun na magposingposing. Ngayon ko narealize ang kahalagahan ng mga moments na yun. Napakalaking bagay ngayon yun para sa akin.

For all that she has done....I cannot thank her enough....she will stay alive in my heart....