Tuesday, July 15, 2008

Are ghosts real? –



Kuha ko ito nung may training ako sa Baden, Switzerland February this year. Sa Oerlikon kami nakatira. Kumpleto sa kasangkapan ang apartment. Kitchen and kitchen utensils, 3 separate bedrooms (tatlo kasi kami), 1 bathroom with bathtub (ito lang ang pangit), dining area, TV, fridge, electric stove, heater, etc. Nagandahan nga ako sa stove dahil salamin ang ibabaw at ipapatong mo lang ang kaserola mo. Wala kasi akong magawa sa room ko at that time so I took some pictures. Mga 10PM na ito ng gabi. Di naman ako gaanong kinilabutan when I saw the photos. I tried taking pictures again but nothing was there. Yung unang picture, ito ang una kong kuha. Wala namang smoke or any white thing when I took the shot at hindi rin ako naninigarilyo at that time. Hindi ko pa tiningnan ang picture nun so I took another shot from another angle (picture 2). When I played it back, yun ang bumulaga sa akin. Nakita ko agad na korteng tao yung smoke-like thing. Kita mo na may ulo at buhok (parang babae), katawan at braso. Yung second picture naman, parang dalawang tao na nag-uusap sa kalye pero malabo ang kanilang anino (pwede ring nag-iisa lang). The second picture could be a product of the shutter speed dahil sa gabi ito kinunan. Pero di ko alam kung ganito talaga ang lalabas. I tried taking pictures again. Dun sa unang angle at sa pangalawa. Pero wala nang lumabas na freak images. These pictures have not been altered and I was using a digital camera. They were from the original photo shots. Totoo nga kayang may multo?


Naalala ko tuloy noong ako ay maliit pa (wala pa siguro akong 7 years old noon). Nasa province ako at katabi ko sa higaan ang akong lola. Tatlo lang kami sa bahay at that time. Ang lolo ko ang pangatlo. Naalimpungatan ako sa tunog ng arinola na katabi ng aking lolo sa higaan. Medyo inangat ko ng konti ang aking ulo. Nakita ko na may umiihi sa arinola pero nakatalikod siya. Tiningnan ko ang lolo ko. Nakahiga naman at naghihilik. Nang lingunin ko ang lola ko, nasa tabi ko siya (nasa kanan ko ang lola ko at nasa left side ang arinola at higaan ng lolo ko about 2 meters away). Yung tao na umiihi, meron siyang takip sa kanyang ulo. Alam kong lalake ang umiihi dahil nakatayo. Mahina kasi ang ilaw na ginagamit ng lolo ko sa gabi kaya di ko maaninag kung sino. Nagkibit-balikat na lang ako at natulog uli. Kinabukasan, tinanong ko sa lolo ko kung merong bisita nung nagdaang gabi pero sinabi nya na wala. Ikwinento ko sa kanya ang nakita ko. Sabi lang nya, “Naku! Malamang na dinalaw tayo ng tatay ko”.

4 comments:

Anonymous said...

Ngii! Kakatakot naman! Di pa ako naka-experience ng ganyan. Baka himatayin ako pag may nakita ako. Ayoko makakita sa totoo lang.

veren said...

Our ancenstral house in the province is more than a century old. Maraming naging use yung bahay na yun - school, library, quarters ng mga pari, naging headquarters din ng mga hapon at americans noong World War 2. Never pa naman akong nakakita or nakaramdam ng presence ng multo dito, na gaya ng sinasabi ng iba naming nagiging bisita, pati mga katulong.

May mga kwento kasi na one time, yung kuya ko brought some officemates and stayed for a night before going up to Baguio.
Kinabukasan, sabi nung isang kasama sa kuya ko, "Pare, galit ata sa mga bisitang lalaki yung lola mo..." Sagot ng kuya ko, "Wala lola ko dito, kinuha ng Auntie ko sa Manila..." Kwento ng isang kasama, meron daw matandang babae na bumato ng pillow sa kanya.

Yung mga maids ng mommy ko ngayon may third eye ata....nakikita nung isa madalas na may isang angel na may kasamang batang maliit na palaging sumasabay sa Ate Clarissa ko pag naglalakad sa may sala sa taas or sa garden, pero pagtingin nya ulit wala naman. Sabi namin, marahil yung batang maliit could be my late sister who died when she was 8yrs old, at binabantayan yung ate ko....

Kahit papano, hindi naman maiitim ang nakikita hehehe....

Anonymous said...

I am also not sure if ghosts are real or not because I have not seen one since I was born. Some people say they have seen at least one occurrence but could only be a product of their wild imagination. But what about the ones captured by photos or videos? I want to believe if I see one physically or being captured by my camera. I am not saying that I do not believe entirely. There might be a real explanation to this, may it be theoretical or based on experience.

Anonymous said...

There are many sites in the internet regarding paaranormal activity. A lot of debates. Not everyone can see or experience this type of thing. It can be a result of lens being out of focus or something else. Sadly, I could not explain in plain layman's term.