Monday, October 6, 2008

Life's more important than 30 rupees -

Noong linggo lang, inihatid namin ang aming kasamahang Malaysian sa airport dahil vacation na siya for 1 week. Dalawa't kalahating oras na biyahe, makipot na kalsada maingay dahil panay ang busina ng driver kahit walang sasakyan, maraming tao sa daan. Karamihang scenes ay parang bumiyahe ka papuntang province. Dalawang beses kaming muntik nang makasagi dahil di nga sila gumagamit ng side mirror (previous post). Sumama kami dahil ang plano namin ay tumingin kung merong foreign exchange agency sa airport. Pagdating namin doon, sarado ang lahat ng booth. Naiihi pa naman ako. Nagtanong ako sa lady guard kung saan pwedeng umihi. Tinanong nya ako kung meron akong ticket. Sabi ko, wala. Sabi nya, nasa loob daw ang toilet at hindi pwede pumasok kung walang ticket. Tangna! Airport, walang ihian sa labas? Sabi ng kasamahan kong Malaysian, umihi ka na lang sa tabi-tabi. "This is India. you can do stupid things, you know", dugtong nya.

So, nagpaalaman na kami at sinabihan ang driver na naiihi ako. Siya rin daw ay iihi (pero senyasan lang kami dahil di naman marunong sa english). Sa bandang madamo, tumigil siya at doon namin ibinuhos ang sakit ng puson. Pagkatapos ay umalis na kami. Pagdating sa may gate na palabas, hinarang kami ng nagbabantay. Sa nakita kong anggulo, humihingi ng parking fee ang bantay. Ayaw pumayag ng driver namin. Hanggang sa naging maingay ang sagutan. Pinaandar nya ang sasakyan (na akmang aalis na). Humabol ang bantay at akmang susuntukin sya. Medyo kinabahan na kami. Kinakausap na namin ang driver at sinabihan na ibigay na lang kung magkano ang kailangan. Pero di nya kami iniintindi at tuloy pa rin sa pakikipagtalakan sa bantay. Nagdatingan na ang ibang kasamahan ng bantay. Tingin namin ng kasama ko ay dehado na kami. Anim kontra sa tatlo. Alien pa naman kami. Mapapaaway kami sa walang kakuwenta-kuwentang bagay. Umabot din siguro ito ng limang minuto. Dumating ang supervisor ng mga bantay at medyo humupa ang pagtatalo. Ibinigay nya ang hinihingi. Thirty rupees lang, kapalit sana ng pagka-ospital namin.

Sayang ang mukha ko kung mababasag sa walang kakuwenta-kuwentang pagtatalo. Pwede naman nya ma-reimburse. Ibinibigay ko na nga para tumahimik na. Kung nagkataon na may salpukan, malamang na nasa ospital ako ngayon. O baka mas higit pa.

1 comment:

Anonymous said...

Mahirap nga yan lalo na at dayuhan ka. Wala ka pwede puntahan. Pray to the Lord na lang, to save you in every way.