Saturday, June 21, 2008

It's only in the mind

Ako ang nagluluto ng pagkain ko sa umaga at sa gabi. Libre kasi sa tanghali sa site pero siyempre, pagkaing bumbay. Sa araw-araw na pagkain namin sa site, parang 3 times lang sila magpalit ng klase ng ulam at ito ay magsa-cycle na. I mean, pag Monday ay iba, iba din sa Tuesday at sa Wednesday. Pero pagdating ng Thursday, ang pagkain mo ng Monday na uli ang magiging ulam mo. Tsk tsk. Sa loob ng dalawang linggo, ok pa ako. Pero after that, medyo parang nakakasawa na. Ayaw na pumasok sa tiyan ko. Pero sabi ko, kailangan ko mabuhay. Parang nag-agree yata ang isip ko at bituka ko, kinabukasan nun ay ok na naman ako sa pagkain kahit paulit-ulit na. Medyo tumataba na nga ako ngayon eh, hehehe. Nilalagyan ko na lang ng maraming lime juice. Marami kasing lime dito kaya para mas masarap ang lasa, pinipigaan ko ng lime juice lahat ng ulam ko. Palagi pinagpapawisan ulo ko dahil lahat ng pagkain ay may sili (dried).

3 comments:

veren said...

Kaise apa aja mitra? Tama kayo tong translation ko sa hindi? Parang hindi ata ah...kulang ata...can you figure this out buddy? I wanted to say "How are you today buddy?"

Well, just dropping by here...I wish you have a great day ahead.

By the way, may natikman na akong Nepali or Indian food....they call it Pakora....yung vegetable pakora ang natikman ko. Masarap din naman. Been wanting to make one...diko lang mafigure out kung ano pa yung mga ginamit na sauce or flavoring. Pero alam ko siguradong may curry yun....

Okay, will visit here again next time....take care...God bless...

Ting Gatus said...

Hi Veren! I am not sure if I have tried that. Kasi, di ko na tinatanong ang mga name ng food, hehehe. Basta pag nagutom ako ay kumakain na lang. Sabi ko nga, di ko ma-differentiate ang lasa minsan, Well, I will try to ask the guys here if they have that dish. Thanks for the post! Take care and God bless too..