Sunday, June 29, 2008

Ang buhay ng isang OFW - by Jun Bunso




This post was written by my high school batchmate, Jun Bunso. Please read how he manages to overcome his boredom being an OFW;

Heto na naman ako, hindi masyadong busy sa trabaho sa mga oras na ito. Subsob na naman sa pagsusulat, na siyang tanging libangan ko at outlet sa bansang ito. Walang masyadong happenings na hindi ko na rin iniexpect sa bansang ito. Paulit-ulit na " okey lang ako " ang isasagot ko sa tuwing ako'y tatanungin. Hindi naman ako masaya at hindi rin naman ako malungkot. Mga pakiramdam at damdaming pigil na natural lamang sa bansang ito na walang kalayaan. Balanseng pamumuhay subalit malayo naman ako sa mga mahal ko sa buhay. Ito ang buhay ng isang OFW. Sa aking paglisan sa aking bansang sinilangan, baon ko ang luha at kalungkutan sapagkat saglit kong maiiwan ang aking mga minamahal subalit sa kabila nun ay ang katotohanang nais ko silang bigyan ng mainam na buhay at maiahon sa kasalatan. Mahirap na malungkot subalit masaya sa pakiramdam. Sa minimithi kong pagbabalik, pawang walang pagsidlan ang aking kagalakan. Ang kasiyahan na muling makita at masilayan ang aking mga minamahal. Ang dalang hatid na tagumpay sa aking pamilya at isang balanse at kuntentong buhay kapiling sila…

2 comments:

veren said...

Talagang malaking sacrifice ang pagiging OFW....my hubby shares the same feeling kabsat.

Ting Gatus said...

Sabi ko nga, pag marami lang pera, di na kailangan ang ganitong sakripisyo. I will put up a business of my own. Mangyayari lamang siguro ito pag retired na ako. Kaya, kailangan ko ring mag-ipon ng para sa aming mag-asawa. Not just for our kids. Kasi, once na lumabas na sila ng bahay at nag-asawa na, we don't have to bother them asking for something in return for the things we have done for them. In my own opinion, di namin sila kailangang obligahin na kami ay arugain pag matanda na kami. It is up to them, really. Noong nabubuhay pa ang parents ko, kusa akong nagbibigay na di na nila kailangang sabihin pa. Bukal ito sa kalooban ko. Di man nila sinasabi pero parang nakalagay na sa utak ko na kailangan ko ring gumanti sa paghihirap nila sa akin nung ako ay nag-aaral pa. Ayaw nga nila tanggapin pero gumagawa ako ng rason para hindi masabing pagtanaw ng utang na loob. Kahit sa lolo at lola ko ay nagbibigay din ako pag umuuwi ako ng probinsiya. Malaki din ang paghihirap nila sa akin. Lalo na ang lolo ko na palaging humahabol sa akin pag may ginawa akong kasalanan, hehehe..