Monday, June 30, 2008

Proudest Daddy and Mommy –


My daughter got an award (bronze) in reading. Ito ay sa Kumon. Katatapos lang din nya ng nursery sa Lorenzo Ruiz at Kinder 1 siya ngayon sa KILA. Inilipat namin si Coleen ng school dahil sa aming palagay ay di maganda ang turo nila doon. She started school at the age of 3 ½. Sobrang agang pumasok ng mga kids ngayon. Dati, almost 7 years old na ako nung pumasok ako sa school at nakahawak ng pencil tsaka papel, hehehe. Nakapaa-paa pa ako kung pumasok pag sira tsinelas kong spartan. Iba talaga ang mga bata ngayon. Masyado na maaga nahahasa ang utak. Di kaya masobrahan sa hasa? Di naman namin siya pinipigilang maglaro pag gusto niya.

Madalas na sinusubukang ipasok ni Elena sa commercial ang mga anak ko pero di pa pinapalad. May mga tumatawag paminsan-minsan sa kanya para sa video shoots. Sana lang, makuha na. Well, just want to say that my wife and I are very proud of our daughter. Kahit di siya nakakuha ng gold, o kahit wala siyang makuha, she is trying to make us proud of her. Thanks Coleen!!

Jacob will also go to school soon. Katakut-takot na iyakan na naman malamang ito.

Sunday, June 29, 2008

Ang buhay ng isang OFW - by Jun Bunso




This post was written by my high school batchmate, Jun Bunso. Please read how he manages to overcome his boredom being an OFW;

Heto na naman ako, hindi masyadong busy sa trabaho sa mga oras na ito. Subsob na naman sa pagsusulat, na siyang tanging libangan ko at outlet sa bansang ito. Walang masyadong happenings na hindi ko na rin iniexpect sa bansang ito. Paulit-ulit na " okey lang ako " ang isasagot ko sa tuwing ako'y tatanungin. Hindi naman ako masaya at hindi rin naman ako malungkot. Mga pakiramdam at damdaming pigil na natural lamang sa bansang ito na walang kalayaan. Balanseng pamumuhay subalit malayo naman ako sa mga mahal ko sa buhay. Ito ang buhay ng isang OFW. Sa aking paglisan sa aking bansang sinilangan, baon ko ang luha at kalungkutan sapagkat saglit kong maiiwan ang aking mga minamahal subalit sa kabila nun ay ang katotohanang nais ko silang bigyan ng mainam na buhay at maiahon sa kasalatan. Mahirap na malungkot subalit masaya sa pakiramdam. Sa minimithi kong pagbabalik, pawang walang pagsidlan ang aking kagalakan. Ang kasiyahan na muling makita at masilayan ang aking mga minamahal. Ang dalang hatid na tagumpay sa aking pamilya at isang balanse at kuntentong buhay kapiling sila…

Saturday, June 28, 2008

Getting better... and better –

I came across to this Manila Water website and found out that my high school classmate, Armando Mingua, was awarded with the President’s Pride due to Performance in 2007. He must have been doing well. Their legend shows he was also a repeat winner. I wonder if he is now one of the top calibers of their office? Keep up the good work bro! You also need to register to our batch group to get the latest news on the upcoming reunion (well, there's more to it). Armando is the one in red shirt (front). Pareho kaming choir member during high school days. Magaling pa rin kaya siyang kumanta ngayon??

Friday, June 27, 2008

Tired body does not really keep you from falling asleep –

I used to sleep at around 10pm every night. Madali ako makatulog pag pagod ako. Umaatake ang insomnia ko pag wala ako nagawa maghapon. Just recently, I could not seem to compel my mind to sleep, kahit ako ay pagod na pagod na. Ayoko namang uminom ng sleaping pills. I could only sleep at around 1am or 2am. I might have been missing my wife and kids. It’s been a while. I know some OFWs have not seen their loved ones for so long now. I’m used to this kind of set-up but… Aah, if I have enough money, di ko kailangang lumayo sa pamilya ko. Ok din sana ang set-up ng company. Pag 1 year or more ang stay mo sa location na pupuntahan mo, pwede mo isama ang buong pamilya. Libre pagkain, tirahan at pag-aaral ng mga bata. Ang problema lang sa ganito, pati sila ay palipat-lipat din. Pag natapos ang project, di sila pwede mag-stay na doon at kailangan na din nilang lumipat. Either sa new location ko (kung sakaling more than 1 year uli) o balik sila sa Pinas. Katakut-takot na culture shock ang aabutin nila.

Thursday, June 26, 2008

Hoax or no hoax –

There is (it still does, I believe) an e-mail circulating around the web (an old one) allegedly written by one Art Bell. There were (and currently are) also comments written by furious Filipinos to oppose that letter. I was also supposed to replicate the answers (as it initially got me mad at that moment) but I tried to search the web if there had been any answers or explanations regarding this alleged letter. Well, I guess I was right. The original “Hate Letter” which they claimed, was written by Mr. Art Bell is actually a hoax (could be). Mr. Bell is married to a (half) filipina. If that was true (the letter), he was just eating his words. Thanks to those who clarified this. Philippine Inquirer also retracted their published letter and apologized. I hope this letter will end. It keeps on circulating and a lot of Filipinos get mad about it. Remember that this has been circulating for years. It keeps on and on without the full details (just cutting and pasting). Hopefully, Filipinos (or any person or race whose heart surrounds Filipino idealism) should also check for its legality and authenticity.

Lesson learned: We should NOT take information and other matters available on the Internet at face value and use them as if they were the truth or verified data. It could be right to fight back if our guiding principle is being attacked. But we need to stop, if that person (whether he did it or not) already apologized in public. We need to search for the whole aspect. I nearly made a slight mistake. Hoax or no hoax, I opt to stay calm and do my job. Being a Filipino is still intact… within me… Magkakasakit ka lang pag pinatulan mo ito. I’m just being myself…

Wednesday, June 25, 2008

Now you see me, now you don’t –





Kapag Sunday, tinatamad akong lumabas ng apartment. Nanonood na lang ako ng cable o kaya ay naglilinis na lang ako madalas ng kuwarto ko at ini-isis ang sahig at dingding ng toilet ko kasi sobrang dumi. When I was at the patio, nakita ko na maraming chameleon (not sure if I spelled it right) na palakad-lakad at nagbabaging sa mga sanga at dahon. Parang gusto kong hulihin at alagaan kaya lang, baka kagatin ako, hehehe. Their skin really changes to where they are currently stepped in. Kapag nasa sanga sila, nagiging brown at pag nakakapit naman sa mga dahon, nagiging green. What an amazing creature. Magaling mag-camouflage para di sila makita ng kanilang enemies or prey. Meron ding chameleon sa Pinas pero very rare at karamihan ay mga nasa shops na at ibinebenta. Naalala ko pa noong nakatira pa kami sa bukid sa Talipapa (one of the towns of Novaliches QC), may magilan-ngilang hunyango (this is the literal tagalog word for chameleon) sa aming mga puno. Di sila masyado mapupuna dahil nga kasing-kulay sila ng kanilang kinapitan. Parang tuloy gusto kong bumalik sa pagkabata.

Tuesday, June 24, 2008

Sad news from Christopherians Batch '79 group

I received a group e-mail yesterday regarding a sad news from the US. Noemi Ramos Gaerlan’s father has just passed away. Egdon Pinzon, who intially relayed this to the group, does not have a more detailed story. We are praying for the soul of Mr. Washington Ramos (Noemi’s father). May he rest in peace. Noemi and Egdon are among the few batchmates who recently joined the group of Christopherians Batch ’79.

Noemi, kasama mo kami sa iyong pagluluksa…

Monday, June 23, 2008

Hindi Lahat ng Iling ay Hindi (O Wala) –

Ngayon ko lang naintindihan dito sa India na kapag umiling ang bumbay, ibig sabihin ay “Oo” or “Okay”. Minsan kasi, nasa tindahan ako at sinabi kong bibili ako ng kandila (parati kasing namamatay ang ilaw sa apartment at madilim pag sa gabi nangyari). Umiling siya kaya lumipat ako ng tindahan. Sinabi ko sa sumunod na tindero na bibili ako ng candle (inulit-ulit ko at isinenyas para maintindihan nya). Umiling uli ang pangalawang tindero. Lumipat naman ako sa pangatlo. Sa pagkakataong ito, nakita ko na may kandila sa loob ng eskaparate nila. Sinabi ko na bibili ako ng kandila. Umiling uli ang pangatlong tindero. Hey! I could see you have a candle in your cabinet. Sabi nya “Yes” habang umiiling. Anak ng pitong kulugo! Eh iling pala ang ibig sabihin sa kanila ng oo. Susme! Pag nagkataon, mauubos ko lahat ng tindahan dito sa lugar namin na di ako makakabili ng kandila. Bwahaha!

I also experienced the same thing when my Indian friend and I went to a nearby fruit shop to buy fruit shakes. Nag-order ang kasama ko ng isang banana shake para sa kanya at isang mango shake naman para akin. Umiling ang tindero pero mayamaya lang, the shakes were served, hehehe. Dami lang langaw sa paligid at sa table (hayup!)..

Imagine a world without electricity

I went out to the field this morning to check for some punchlists (particularly the big water cooling pumps and related instruments) that need to be done. We were struggling to locate some of the items but we were able to see them. We also went to the control room to check the display graphics related to the pumps. One of the senior operators guided us and talked about it. The pumps will be started up tentatively 21st of July so we need to prepare everything. So after that, we headed back to our office. Again, we found out that we did not have power. I was told that there is a shortage of power for this location (not only at this site but to all parts of this place). I guess they (or should I say we?) need to start this power plant soon (464 MegaWatts of combined power). I could imagine having no power for just one day. It will be horrible. Nowadays, how could we live without it? Sa mga bansang maiinit, malamang, wala na magse-sex...

Sunday, June 22, 2008

My Alma Mater -

Yun nga palang link sa right side (Christopherian Batch ’79), ito yung link sa aming high school group (St. Christopher Academy, Bangar, La Union). This private High School is located 307 km north of Manila. Si Verena Valencia Delos Reyes ang moderator namin. Iilan pa lang ang sumasapi sa group na ito. They are the following:

Verena Valencia de los Reyes – moderator
Agapito Florendo
Aurora Miniano Crane
Bernardita Collado Ronquillo
Cesar Fe?
Delia Dingle Hollandsworth
Diosdado OpeƱa
Egdon Pinzon
Emilio Noto Jr.
Noemi Ramos Gaerlan
Rosemarie Mones Julio
Rosa Ramirez Landingin
Minerva Lardizabal Lopez

Marami pang naka-chat si Veren and Badette (at ako) pero parang walang gustong sumali. Meron na rin silang mga nakausap personally at over the phone. Meron pa namang reunion sa year 2009. I hope everybody has joined by then. What about Noli Mon? Herminia Baltazar?

Saturday, June 21, 2008

It's only in the mind

Ako ang nagluluto ng pagkain ko sa umaga at sa gabi. Libre kasi sa tanghali sa site pero siyempre, pagkaing bumbay. Sa araw-araw na pagkain namin sa site, parang 3 times lang sila magpalit ng klase ng ulam at ito ay magsa-cycle na. I mean, pag Monday ay iba, iba din sa Tuesday at sa Wednesday. Pero pagdating ng Thursday, ang pagkain mo ng Monday na uli ang magiging ulam mo. Tsk tsk. Sa loob ng dalawang linggo, ok pa ako. Pero after that, medyo parang nakakasawa na. Ayaw na pumasok sa tiyan ko. Pero sabi ko, kailangan ko mabuhay. Parang nag-agree yata ang isip ko at bituka ko, kinabukasan nun ay ok na naman ako sa pagkain kahit paulit-ulit na. Medyo tumataba na nga ako ngayon eh, hehehe. Nilalagyan ko na lang ng maraming lime juice. Marami kasing lime dito kaya para mas masarap ang lasa, pinipigaan ko ng lime juice lahat ng ulam ko. Palagi pinagpapawisan ulo ko dahil lahat ng pagkain ay may sili (dried).

Friday, June 20, 2008

When you are in Rome, do what the Romans do

Nung unang araw ko sa site, ipinakilala ako sa mga kasamahan sa trabaho. Almost lahat ay puro bumbay maliban sa isang Malaysian, Indonesian, at isang Scottish. Yung iba, akala yata ay bumbay din ako. sabi ba naman (ito ang pagkakaintindi ko sa sinabi), "Kudu namu kriva?". kaya sabi ko tuloy sa kanya, "Aba! Namu rin!!" Bwahahaha. Tapos ipinaliwanag ng isa na hindi nga ako bumbay. Tapos ang sabi, “Oh. So what did you say? Is that your language”. Ang sabi ko na lang sa kanya, “Yes. And I said I don’t understand you”. Hehehe. Kailangan din kahit paapano, may knowledge ka ng konti sa salita nila, lalo na kapag bumibili ka sa palengke dahil halos karamihan ay di nakakaintindi ng ingles. At least, dapat alam mo ang numbers para sa mga presyo.

Halos lahat ng tao dito, may mobile phone na din. Mas mahirap nga lang kumuha ng SIM or unit kapag di ka tagarito (lalo na ako na foreign dito). Kahit mga Indian na di tagarito (from other cities, I mean) ay hirap din makakuha ng unit or SIM. Unlike sa Pinas na talamak ang bentahan ng mga units. Kahit na sino ay pwede makabili. Kaya di mo na ma-trace ang mga numbers. Mabuti na lang, binigyan ako ng SIM sa site after 2 weeks of non-stop kulitan, hehehe. Malamang marami nang nagtetext sa akin sa dati kong SIM. Kaso, di ako makakuha ng signal dito. Bago ako umalis dito, malamang na mawalan na ng tuluyan ng signal dahil nga un-attended for so long.

Killer Bees Strike Again




Three days ago, nasa tuktok kami ng stack ng HRSG (dito bale napupunta ang heat produced by the Gas Turbine na siya namang gagawing medium para tumakbo ang Steam turbine). Meron kaming titingnang mga punchlist (those agreed points with the client that need to be fixed). Umikot kami sa mga pedestal. Mayamaya lang, nakaramdam ako ng parang may kung anong kumurot sa batok ko. Bigla ko itong pinagpag at tiningnan kung ano yun. Nakita ko na may nalaglag na malaking fly. Mayamaya pa at dumami na sila. Nakita kong palapit lahat sa akin. Puro itim na bees. Sus! Tusok dito, tusok dun ang ginawa sa akin ng mga koplong. Lahat sa batok ang tira sa akin. Di ko alam kung saan ako magtatago. Nagkalaglagan ang mga pens ko sa bulsa dahil sa pilit kong tinatabig ang mga nanunusok. Palagay ko sa pangatlong sting, wala na akong naramdaman, hehehe. Hanggang sa ibaba ng stack ay hinabol ako ng mga hunghang. I thought that bees will not harm you if you will not harm them or their hive, pero mali pala ako. Hayun, di pumayag mga kasama ko na di ako dalhin sa hospital dahil nga poisonous daw mga bees dito. Lima ang tusok ko sa batok at dalawa sa braso. Mga 1.5 inches yata ang haba ng mga bees na tumira sa akin, tsk tsk. Yung nasa picture sa taas, ito yung anak na napulot ko sa tapat ng beehive. Maliit ito kung ikukumpara sa mga tumusok sa akin. The picture on the stack is the beehive. Malaki ito pag nakita mo sa close-up.

Thursday, June 19, 2008

A Tough Job

Isang buwan na ako dito sa Kakinada, India. Ipinadala ako ng company to assist in commissioning a power plant here. Bago ako nakarating dito ay katakut-takot na aberya ang inabot ko. Muntik na akong maiwan ng airplane sa Bangkok (dahil sa time difference) in transit to India. Dahil malaki ang airport ng Bangkok, halos isang kilometro yata ang tinakbo ko para makarating sa gate. Hingal-kabayo ako. Akala ko, mawawalan na ako ng ulirat, tsk tsk. Mabuti na lang at pinagbigyan pa ako ng mabait na bantay at pinabalik ang bus. Sa gitna kasi nakapark ang plane eh. Tsk tsk. Pagkatapos ay na-cancel naman ang booking ko sa domestic airport ng Kolkata, India papuntang Vishakapatnam kaya katakut-takot na pag-aayos pa din ang ginawa ko. Malayo ang biyahe namin from Vishakapatnam airport to the apartment (3.5 hours). Wala ako tulog halos maghapon nun. Kaya pagdating namin ng tanghali ay natulog agad ako. Kinahapunan, namasyal ako ng konti. Remote area ito ng India. Hindi kasing-sikat ng pangalan ng Delhi. Parang nasa remote area ako ng Bicol.

Maraming mahirap na mga tao. Lahat ay maitim di katulad sa ibang lugar ng India na napuntahan ko na. Halos karamihan dito ay naka-bike lang. Marami ding tricycle na nasa gitna ang gulong at hindi sidecar na parang Pinas (auto ang tawag nila dito). Wala akong maakitang aircon busses. Parang ginawagawang shuttle lang yata dahil palagi nakapark sa gilid. Right-hand drive sila kaya kabaligtaran ng sa Pinas. Muntik-muntikan na nga ako madagit sa pagtawid eh, hayup! Mas priority ang mga sasakyan dito kaya ingat ka palagi sa pagtawid (kahit pa nakalagay na PEDXING). Hindi ka sasantuhin ng mga hayup na driver. Maingay din sa daan dahil panay ang busina ng mga sasakyan (bingi ba mga tao dito?). Walang gustong magbigay sa daan. Kung sino ang unang nag-overtake, dapat pagbigyan mo. Tsk tsk. Anong klaseng ruling kaya sa traffic meron sila? Hehehe. Natatawa na lang ako minsan. Masyado maraming kalat sa daan. Wala yata naghahakot ng basura eh. Dito sa malapit sa apartment, maraming maliliit na tindahan na katulad din ng sa Pinas pero maraming kulang. Di ka makakabili ng mga basic needs mo like mantika, sibuyas, bawang o kung ano pa mang kailangan mo sa pagluluto. Sa palengke ka lang makakabili. Kailangan kong maglakad ng isang kilometro bago ako makakita ng isang maliit na palengke. Doon na ako bumili ng mga immediate needs sa pagluluto. Meron din silang mga gulay na kapareho ng sa atin like alugbati, repolyo, carrots at labanos. Merong mga ibang dahon na di ko maintindihan ang hitsura kaya di ko binili. Parang sa gilid lang ng kalsada binubunot, hehehe. Baka iba ang lasa. Mabuti at may dala akong pang-paasim sa sinigang kaya yun agad ang niluto ko sa gabi dahil nakabili naman ako ng baboy. Iba silang magkatay ng baboy dito. Parang sinusunog nila ang balat na parang kilawing kambing kaya iba ang amoy. Pero mga bata ang mga baboy na ibinebenta nila. Akala ko nga ay di ako makakabili dahil muslim country ito pero meron din palang kumakain. Baka at kalabaw lang ang talagang wala pero meron namang mutton kaya ok na din. Nakabili din ako ng manok. Maliliit ang kanilang ibinebentang itlog dito. Nung unang bibilhan ko sana ng baboy, akala ko, native na di nakaliskisan ang itinitinda nya kasi maitim. Pero nung lumapit pa ako, aba eh natatakpan pala ng sangkatutak na langaw!!! Anak ng pitong kulugo!! Nawalan ako ng ganang bumili (sorry sa mga kumakain habang nagbabasa). Mabuti at meron pang ibang nagtitinda at dun na lang ako bumili. May langaw din kaya lang konti lang, hehehe.

Isa pang naging problema ko ay signal ng multi-band ko na cell phone (Nokia 6300). Wala akong makuha. Kaya halos more than a week na di ko natawagan ang honey ko. Meron namang international calling booth na malapit sa apartment pero harang ang presyo. Pero kahit na ganun, gumamit pa rin ako para lang masabihan ko siya na wala akong signal at para makumusta ko na rin sa bahay. Hay, buhay!!! Mahirap talaga ang malayo ka sa piling ng iyong pamilya.

My first day to post a message

Hello everyone! This is my first time to post a message in a blog site (my first time to create one). Matagal ko nang gustong gumawa ng sarili kong blog site pero di ko masyado napagtutuunan ng pansin dahil nga wala akong sariling PC, walang sariling internet, etc.. I was searching for a location using the google search engine at bigla akong napapasok sa isang site at tinanong ako if I wanted to make one. Dito na ako nagkaroon ng interest at presto, nakagawa rin ako (sa wakas!) ng aking sariling blog site (Thanks blogger.com). I hope I can maintain this site for long time(habang ako ay nabubuhay).

My full name is Constantino Lofradez Gatus, son of the late Jose Gamboa Gatus and Aurelia Marquez Lofradez. Pangatlo ako sa limang magkakapatid. Si Alberto (Albert), Bernadette (Adette/Badette/Dette), ako, Reynaldo (Rey, na namayapa na din), at ang bunsong si Julieta (Julie). Ang kuya Albert ko ay kasalukuyang pulis (lieutenant) ngayon somewhere in Cubao. Ang ate ko naman ay sa bahay lang at inaasikaso ang kanyang apat na anak. Si Julie din ay nasa bahay lang at may konting negosyo na siyang bumubuhay sa kanila. Ako lang at ang kuya Albert ko ang full time ang trabaho sa ngayon.

Marami akong naging pangalan. Starting from Tino when I was a kid until high school. Then, my classmates in college started calling me Joel. Why? It happened that we had a classmate named Joey Constantino Cayao. At ako ay Constantino lang. Kaya binansagan akong Joel. Joel and Joey Constantino. Nung bandang huli ng college days ko (I graduated as a BS in Electronics and Communications Engineer, by the way), tinatawag na nila akong Ting, dahil masyado mahaba ang name ko at ayaw naman nila gamitin ang Tino dahil bakya daw (hehehe). So, hanggang ngayon, Ting pa rin ang tawag sa akin ng mga close friends ko, pati na ng asawa kong si Ma. Elena Sanchez Gatus. Ang asawa ko ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang power producing plant (IIP) as an executive secretary. Bale sa Roxas Blvd ang kanilang main office. Siya ay tubong Ligtong, Cavite. Anak nina Angel Sanchez at Celeste Modelo. Tatlo silang magkakapatid. Panganay na si Rosario Jardiniano (Cherry) , ang kuya niya na si Angelito (Lito), at ang aking asawa. Sa ngayon, dalawa ang aming supling. Si Coleen May, at si Jacob Constantine. Five years and a half pa lang ang panganay namin at magtatatlo naman ang bunso. Nasa kinder na si Coleen at nagkaroon ng bronze medal kailan lang, sa Kumon. Sana ay palaging may honors ang mga anak namin, hehehe. Kahit hindi gold, happy na din ako.


Sa mga susunod na posts ko, malalaman nyo kung papano ako mamuhay, at kung anu-ano ang pinagkakaabalaan ko, mga mithiin, mga ayaw at gusto, kung gaano kaprangka, kung masaya o hindi, at kung anu-ano pang kaek-ekan sa buhay.