Wednesday, July 2, 2008

Ang prusisyon at pagsisimba. Noon at ngayon –




I visited Bangar La Union last March (holy week) because my family wanted a little break from office and school. It was Wednesday (I believe) when we reached the town at 2AM. Thursday when we went up to Baguio for some sight-seeing adventure. I wanted to visit Veren but the time was too tight. My auntie Rose wanted me to go back to Bangar at that day to see the prosisyon. Medyo traffic sa mga main roads ng Baguio at hirap pumarada. While my wife went out to buy some “pasalubong”, nasa car na lang ako at naghihintay. Napuntahan lang namin ang mansion at yung papuntang mine’s view park pero di talaga sa park dahil sa sobrang dami ng cars na papunta dun, naghanap na lang kami ng mapaglalagyan ng car (na hindi naman parking area) at naglakad papunta sa mga bilihan ng ube na ibinebenta ng mga madre. Masarap yung ube, gustung-gusto ng mga bata at ng asawa ko. Tsaka sumakay na lang din sila ng kabayo. So, we went back to our house in Bangar at malapit na magsimula ang prusisyon pagdating namin dun. We rested for a while and we headed to the church, kung saan makikita namin ang simula ng prusisyon. The church is a few meters away from our house. Madaming tao na gustong sumali. Padilim na din. So, the procession started. Nandun din ang dalawa kong kids at ang aking maybahay (kasama din pala namin ang kasambahay namin). Hindi naman ito bago sa kanila dahil sa Maynila ay meron ding prusisyon. Gusto ko lang ding makita nila kung papano ang prusisyon sa probinsya. Isa nga pala sa mga ipinu-prusisyon si Sta Salome, ang may hawak ng insense nung mamatay si Jesus. Sa bahay namin nakalagak ang statue nya.

Napansin ko din na may mga nadagdag na mga imahe hindi katulad nung ako ay nag-aaral pa dito. Ibang-iba na din dahil magagarbo na ang bawat karo. Maraming ilaw, bulaklak, at kung anu-ano pa. Di naman nabago ang route ng prusisyon. Kung ano yung dati, yun pa rin hanggang ngayon. Isa lang ang aking napuna: Walang ayos ang pila ng mga tao. Mas marami ang nakakulumpon sa mga karo at putul-putol ang linya. Ano ba yan!!?? Ganito na ba ngayon? What is the essence of attending a procession??? Para lang masabi na ikaw ay sumama??? Dati, walang makakadaan na sasakyan habang nagpuprusisyon. Pero sa laki ng mga agwat at putul-putol na linya ngayon, may mga pinalulusot na ang mga pulis. Sino ba dapat mag-ayos nito? Simbahan ba o munisipyo? Dapat, ipanawagan din ito sa simbahan bago pa man magsimula ang prusisyon (or bago magmahal na araw). Kausapin ang musipyo na siyang nag-aayos ng traffic. Una-unahan ang mga tao. May mga pulis sana na nag-aasikaso every 20 meters or so. May tumatakbo, may naglalakad. May mga nakaupo sa gilid ng mga karo. Ito ang di ko magustuhan sa pagiging katoliko. Naging magarbo nga ang mga imahe pero naging primitive ang pag-iisip. Mas maganda pa nung araw na ako ay umaattend nito. Maayos ang daloy ng prusisyon. Walang nag-uunahan. Ngayon, kuwentuhan ng kuwentuhan ang mga kabataan na ewan kung nagliligawan ba o ano man. Wala akong sinisisi dito. Dapat mga tao na din ang kusang rumespeto sa kanilang nakagisnan. Ewan ko ba. Pero sa mga nakikita ko na ganito, masasabi ko na nakakawalang gana. Di na rin ako madalas magsimba dahil sobra-sobra ang dami ng tao sa loob at labas ng church. Papano ka makakapag-concentrate manalangin at makinig sa banal na salita?? May mga nagkukuwentuhan sa tabi mo. May magkapulupot. May mga tumatakbong mga bata. Tsk tsk.

Pero kahit ano pa man, hindi ibig sabihin nito na mahina ang aking faith at ako ay titiwalag. Nasa akin pa rin naman kung ako ay mananalangin ng tapat. Madalas tuloy, tsaka lang ako pumapasok sa simbahan pag walang tao. Mas tahimik at mas nakakapag-concentrate ako. Kaya madalas din na nakikinig ako sa station sa TV ng ibang religion. Napaka-ayos ng paligid. Magkahiwalay ang lalake sa babae. Walang mga bata.

Nung nasa U.S ako, linggu-linggo ay nagsisimba ako. Masarap magsimba dahil maayos ang paligid. Meron silang “cry room” at dun dinadala ang mga bata pag malikot, umiiyak o basta nakaka-istorbo sa misa. Kaya napakatahimik at pari lang halos maririnig mo. Sinasabi natin na magagaling ang pinoy pero bakit pagdating dito, wala tayong galing? O chosen few lang talaga ang magagaling? O sa ibang religion ang mga magagaling na yun?

6 comments:

Ting Gatus said...

Naalala ko din tuloy nung ako ay grade school. Kami ang ginawang "The Last Supper" sa isa sa mga stations. Ito ay sa tapat nina Rosemarie Mones (Julio). Inis na inis naman ako dati sa kasama ko (na Judas ang papel dahil may dala siyang supot at pinakamalapit sa akin) dahil tawa ng tawa. Siguro, pinatatawa ng mga tao na naglalakad dahil nakatungo kasi ako nung panahon na yun. Ako ang gumanap bilang si Jesus. Di ko na alam kung saan ko naitabi yung dati kong ginamit na damit kasi di naman na kinuha sa akin ng teacher.

Anonymous said...

that's way too cool.

veren said...

maraming taon na din ako hindi nakasali sa prusisyon sa Bangar, although naranasan ng mga kids ko ang magprusisyon nung maliliit pa sila....ngayon, pag umuuwi kami (madalang na kasi super init)nakukuntento nalang kami manood dun sa daya, sa house ng mga tita ko (Asiaten)....magulo nga kasi....tama yung observation mo buddy....karamihan dun na kabataan pumunta lang para magpadisplay...hindi kagaya noong time natin na very solemn at nagdadasal ang lahat ng mga sumali...meron din kaming carro noon...yung scourging of Jesus ata yun...yung head and hands nya nakatago pa until now...wala na yung body...tapos nung bata ako andaming statues ng mga hudyo sa bahay, nakalagay sa ilalim ng hagdan namin, nakakatakot yung mga mukha...kaya yun ang isa pang pinantatakot ng mga matatanda sa amin noon, "no aglibas ka, mabiag dagita hudyo dita agdan, sikmawen da data sakam no umulog ka"....eh kaya nga dun ako sa bintana dumadaan hehehe....

Ting Gatus said...

Tuwing magsisimba ako noon, may mga pagkakataon na nakatingala ako at binabasa ang mga nakasulat sa kisame. Sa tinagal-tagal ng panahon, kabisado ko lahat ng nakasulat kahit di ko na siya tingnan. Pati mga sulok ng simbahan ay alam ko kung ano mga nakasulat. Pinapinturahan na ng bago ng simabahan pero yun pa rin ang mga nakapinta. Parang kung sino ang original na nagpintura, yun din ang gumawa sa bago. Halos walang pagkakaiba. Nandun pa rin ang mgma paniki na palipat-lipat ng kinakapitan. Masarap nga namang matulog dahil di sila naaabala.

veren said...

ilokano dati ang text nung nasa ceiling, ngayon english na....may mukha noon si Fr. Puruganan pero pinalitan na ng mukha ni Fr. Mario Valdez...siya parish priest noong nirepaint eh...

Ting Gatus said...

Yeah, you're right. Si Fr. Puruganan nga yung mukha noong bata tayo. Di ko masyado napansin yung ngayon. Di ko alam kung tama ito, "Apay nga agbuteng kayo tattao nga nakurang ti pammati na?". Ito yung nakasulat sa may left side sa bandang unahan. Wala na ako maalala sa iba, hehehe. Naalala ko lang yung isa pa sa may bandang hulihang kanan, visitation of St. Anne kay mother Mary pero di ko maalala ang nakasulat.