Friday, October 24, 2008

Ilocano nga ba ang pinakakuripot sa lahat? I guess not. Read on..

Dahil sa kuwentong ito, nabago ang pananaw ko tungkol sa ilocano. Sabi nila noon, ilocano (daw) ang pinakamatipid sa lahat ng tao. Pero mali pala sila.

Bago ang lahat, ang tumpak na oras; anim na sandali pagkatapos ng manaka-nakang pag-ulan. May kasamahan ako dito na taga-ibang bansa. Kasama ko siya sa isang unit ng apartment (na dalawa ang kuwarto) simula noong dumating ako (nauna lang sa akin ng konti). Dahil sa siya ay muslim, nagtabi siya ng mga gamit niya (kitchenware na kasama sa apartment namin) para hindi mahalo sa akin dahil nga hindi sila kumakain ng meat at ayaw niyang mabahiran ng karne ang kanyang mga gamit. Umuwi siya pabalik ng kanilang bayan noong isang araw. Nakita ko pa na meron pa sigurong 3 kilos ang naiwan niyang bigas at mga 8 pieces ng itlog. Meron din siyang karne ng manok (kinatay daw ng halal, term kung saan ang nagkatay ay muslim din) sa fridge namin. Akala ko ay ihahabilin nya sa akin ang kanyang mga naiwan pero wala siyang nabanggit. Kagabi na ako ay umuwi, nag-check ako ng mga gamit nya. Aba! Wala ang bigas at mga itlog?? Nagtanong ako sa aming mga kasamahan sa apartment, wala din siyang ibinigay sa kanila. Entonses, iniuwi niya ang bigas at itlog??!!!!! Sus Mariano Katilpo!! Mukhang di ko kayang gawin yun ah? Ok na sana yung bigas. Pero yung itlog... Naman!!! Wala sigurong tao na normal ang pag-iisip na dalhin pa ang mga itlog pauwi ng bayan mo. Alam ko bawal magdala ng mga itlog sa bagahe pero hindi kasi tsine-check ang mga bagahe dito sa India pagdating ng airport. Kung sakali mang mahuli, kukunin lang naman sa kanya ang itlog, hindi ba? Tsk tsk tsk. Iniwan naman niya yung manok sa fridge. Pag dinala pa niya yun, aah, ibang usapan na yan... Kaya pala marami siyang nabibiling mga ari-arian sa kanila (lupa, bahay at lupa) dahil sa angking talino niya pagdating sa pagsisinop. Hindi ko naman gagamitin ang mga natira niya dahil hindi naman nga niya sinabi. Itatabi ko lang sana para hindi nakakalat sa kusina. Pagkatapos ay magpapadala ako ng e-mail kung itatapon na ba o kung anuman.

Kayo mga kapatid, kaya nyo ba ang ganito? Malamang ako ay hindi. Naranasan ko na rin na may mga tira ako pagkatapos ng project pero palagi ko ito inihahabilin sa mga naiiwan...

Ang kuwentong walang kuwenta na inyong natunghayan ay inihahandog sa inyo ng Purefeeds corned chicken, ang karne norte ng mga muslim...

4 comments:

veren said...

Sino ti nagkuna??? Kuna da laeng a ta gamin ti ilocano ket ammo na ti pangipananna a nasayaat diay nagbannoganna. Pero marami ding ganyan, di lang mga ilocano. I think kuripot in the right sense is marunong humawak ng pera or resources, and put it in the right investment.

Pero yung taong tinutukoy mo eh baka naman pinamigay yung mga itlog at bigas sa mga beggars or indigents....kawanggawa ba...

Ting Gatus said...

Pwede rin naman ang sinasabi mo buddy. Pero matagal ko na kasi kasama ang taong ito kaya medyo alam ko na ang takbo ng kanyang buhay. Kilala ko siyang matipid. Ipinakita pa nga niya na puno ng mga packed goods ang kanyang maleta. Amg maleta nya ay extra large at pwede siyang mabuhay ng anim na buwan na hindi bibili ng pagkain. maliban sa bigas at itlog plus some seasoning. Di din kasi siya madalas magluto. Bilib lang ako sa kahusayan niya pagdating sa pag-handle ng pera. Sana nga, ganun din ako. Pero medyo malayo. Impulsive buyer kasi ako. Pag may nakita ako at kursunada ko ang isang bagay, binibili ko na agad. Kaya di ako masyado nakaka-ipon para pambili ng bahay, hehehe.

Kasabihan na kasi na ang ilokano ay kuripot. Lalo na kapag namimigay. Por ejemplo, mamimigay pag pasko. Bibigyan ng 10 pesos ang bata instead na 100 pesos. Kaya sasabihin ng bata, kuripot! Tama ka na sa pagha-handle ng pera kaya nakagawian nang sabihan ng kuripot ang isang tao. Ibig sabihin, maliit siyang magbigay. Pero hindi naman niya ikamamatay ang pagiging kuripot eh. Bagkus, nakakatulong pa nga ito para meron siyang dudukutin pag nangailangan siya.

I envy people who know how to handle money. Ito ang medyo wala ako. Kaya hindi ako yumayaman. I need to change something.

veren said...

Impulsive buyer ka din??? Hala! May kapareho ako.....pero noon yun, nung maliliit pa nga anak ko hehehe....kada ituro kasi nila binibili ko, pati na rin ako, pag may nakita akong type ko, gusto ko na agad bilhin...minsan nga hindi ko rin pala type gamitin.....hmmmmm....bad talaga.
Pero, mabuti nalang I came to realize na mahirap kumita ng pera, dugo at pawis talaga ang puhunan. Nakapag-ipon ng ipambabahay....pero naman...nadenggoy naman nung damuhong contractor huhuhuhu! Saklap....kaya heto paunti-unting tinatapos ang bahay....

Ting Gatus said...

Oo nga. Malaki din ang nawala sa inyo ano? Pero mas ok ito kesa nasunugan (pero siyempre, mas ok kung wala talagang nangyari). Nasaan na kaya ang hayup na contractor na yun? Sana, hindi magawi sa amin ang gagong yun. Baka siya din maging contractor pag ako naman ang magpapatayo ng bahay. Pwede na natin siya ipahuli. Pero bago siya ipasok sa kulungan, dapat, itali sa puno na pinamumugaran ng mga hantik. Para magtanda ang sira-ulo. Ipakagat ang yagbols para madala. Sadista ano? Malamang na marami pa ring nabiktima yun... kung buhay pa...