Friday, July 18, 2008

Ang kahalagahan ng mga Alaala - For my buddy Veren

Minsan, sinasabi natin sa ating mga kasamahan na kasalukuyang malungkot dahil sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, na dapat ay ibaon na natin sa limot ang nakaraan at harapin ang ating bukas. Maaaring ito ay tama pero hindi nangangahulugan na ibabaon natin lahat sa limot ang alala ng ating mga mahal sa buhay na namayapa na. Di nga ba't when we mourn, we remember them?


Ang kagandahan kasi minsan ng pagre-reminisce, naaalala mo ang mga nagawa niyang kabutihan, ang kanyang kakulitan, harutan, ang tawanan, mga (deep) secrets na marahil hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kundi kayong dalawa pa lang at malamang na mabaon na rin ito sa limot, ang tampuhan, pagkabigo, ang iyakan, at marami pang iba na sa alaala mo na lang gugunitain. Kung may nagawa man siyang pagkakamali ay naisasantabi mo na lamang. Maaaring ang iba dito ay siyang nakapagpabago sa iyong kaisipan kung kaya't ikaw ay nandiyan ngayon sa iyong kinatatayuan.


Itong post ko na ito ay para sa aking classmate, batchmate at buddy na si Veren. My buddy's sister Clarissa has just passed away. My deepest condolences go to you and your family.

Tuesday, July 15, 2008

Are ghosts real? –



Kuha ko ito nung may training ako sa Baden, Switzerland February this year. Sa Oerlikon kami nakatira. Kumpleto sa kasangkapan ang apartment. Kitchen and kitchen utensils, 3 separate bedrooms (tatlo kasi kami), 1 bathroom with bathtub (ito lang ang pangit), dining area, TV, fridge, electric stove, heater, etc. Nagandahan nga ako sa stove dahil salamin ang ibabaw at ipapatong mo lang ang kaserola mo. Wala kasi akong magawa sa room ko at that time so I took some pictures. Mga 10PM na ito ng gabi. Di naman ako gaanong kinilabutan when I saw the photos. I tried taking pictures again but nothing was there. Yung unang picture, ito ang una kong kuha. Wala namang smoke or any white thing when I took the shot at hindi rin ako naninigarilyo at that time. Hindi ko pa tiningnan ang picture nun so I took another shot from another angle (picture 2). When I played it back, yun ang bumulaga sa akin. Nakita ko agad na korteng tao yung smoke-like thing. Kita mo na may ulo at buhok (parang babae), katawan at braso. Yung second picture naman, parang dalawang tao na nag-uusap sa kalye pero malabo ang kanilang anino (pwede ring nag-iisa lang). The second picture could be a product of the shutter speed dahil sa gabi ito kinunan. Pero di ko alam kung ganito talaga ang lalabas. I tried taking pictures again. Dun sa unang angle at sa pangalawa. Pero wala nang lumabas na freak images. These pictures have not been altered and I was using a digital camera. They were from the original photo shots. Totoo nga kayang may multo?


Naalala ko tuloy noong ako ay maliit pa (wala pa siguro akong 7 years old noon). Nasa province ako at katabi ko sa higaan ang akong lola. Tatlo lang kami sa bahay at that time. Ang lolo ko ang pangatlo. Naalimpungatan ako sa tunog ng arinola na katabi ng aking lolo sa higaan. Medyo inangat ko ng konti ang aking ulo. Nakita ko na may umiihi sa arinola pero nakatalikod siya. Tiningnan ko ang lolo ko. Nakahiga naman at naghihilik. Nang lingunin ko ang lola ko, nasa tabi ko siya (nasa kanan ko ang lola ko at nasa left side ang arinola at higaan ng lolo ko about 2 meters away). Yung tao na umiihi, meron siyang takip sa kanyang ulo. Alam kong lalake ang umiihi dahil nakatayo. Mahina kasi ang ilaw na ginagamit ng lolo ko sa gabi kaya di ko maaninag kung sino. Nagkibit-balikat na lang ako at natulog uli. Kinabukasan, tinanong ko sa lolo ko kung merong bisita nung nagdaang gabi pero sinabi nya na wala. Ikwinento ko sa kanya ang nakita ko. Sabi lang nya, “Naku! Malamang na dinalaw tayo ng tatay ko”.

Monday, July 14, 2008

Actors born in 1962 –



Ngayon ko lang nalaman na kaedad ko pala si Tom Cruise (July 3, 1962). Tom (real name Thomas Cruise Mapother IV) is one of my foreign idols. Magaling siyang artista kaya I watched most of his films lalo na ang Mission Impossible sequels. Isa lang ang alam kong local na artista na ipinanganak noong 1962. Si Cesar Montano (real name Cesar Manhilot) na ipinanganak noong August 1, 1962. Click on the title to see U.S. actors/actresses born in 1962. Ang alam ko, maraming kabatch ko na ipinanganak sa taon na ito.

Thursday, July 10, 2008

Rudy Fernandez dies –


From ABS-CBN database:
Actor Rudy Fernandez died at 6:15 Saturday morning at his home in Joeylane Street in White Plains in Quezon City due to a lingering illness. He was 55. After years of suffering from peri-ampullary cancer, Rudy succumbed to death in the presence of his wife, actress Lorna Tolentino, and sons Renz Marion and Raphael Fernandez. He also has a son, Mark Anthony, also an actor, with former partner, actress Alma Moreno. Minutes after the official announcement of his death, people from all sides of showbiz sent the sad news to one another via text or phone calls.
Two days before his demise, Lorna issued a statement that she was ready to accept his husband’s sad fate. “I am entrusting his life to the Lord,” said the actress in her message. Yet, she hoped that Rudy would still miraculously recover. During these last few months, Rudy and Lorna were shuttling between the US and the country for medical treatment of the actor’s cancer. They were recently advised by the patient’s doctors in the US to stay in a Philippine hospital for treatment. Fernandez was confined at the Cardinal Santos Medical Center in San Juan for almost a month. Before he was taken home, Senator Jinggoy Estrada, one of Rudy’s bosom friends, said during an interview that Rudy tried to fight his illness but couldn’t hide the real state of his health. He said Rudy’s tummy was already bloated and his eyes and skin were yellowish, all symptoms of the deadly cancer. The last time Estrada paid Rudy a visit in the hospital, the patient was agonizing. “Hirap na hirap na ako. (I can’t bear this anymore),” Fernandez was heard complaining. Meanwhile, Senator Ramon 'Bong' Revilla, another one of Rudy’s close pals, and colleagues in the film community, called on the public to say prayers for Fernandez. Rudy’s final wish was to be laid to rest at the Heritage Park along C-5 in Taguig City. Revilla told radio station dzMM Saturday that Fernandez's remains were immediately brought to the Heritage Park in Taguig City for the wake. He said the public can pay their respects at the park. Fernandez became famous for his action films such as "Baby Ama," and "Markang Bungo." Fernandez has won best actor awards for his film, "Batuigas...Pasukuin si Waway," and "Victor Corpuz".
Peri-ampullary cancer
According to Dr. Jaime Ignacio, immediate past president of the Philippine Society for Gastroenterology, peri-ampullary cancer is the growth of tumor in the ampulla, a passage of bile duct in the intestines. From the liver, bile duct supplies bile to the intestine, the liquid which digest the food in-take of a person. If the ampulla has a tumor, bile doesn't flow in the intestines resulting in inflammation of the bile duct. Ignacio said that periampullary cancer is rare. For every 100,000 people, only 100 develop the illness. The cause of the condition is still unknown. The following symptoms that might indicate periamplullary cancer: weight loss and bleeding of the ampulla which will be evident in a patient's stool. He added that the patient usually feels no pain. Ignacio said this type of cancer is not easily detected and it may be too late for the patient once it is finally identified.
"Kadalasan kasi, inaakalang hepatitis, liver cirrhosis, liver cancer o ibang sakit sa atay ang peri-ampullary cancer kaya hindi ito agad nalalapatan ng tamang lunas," Ignacio explained. Treatment options include surgical removal of the tumor or loosening of the obstruction on the bile duct, technically referred to as endoscopic retrograde cholangoi-pancreatography. In its later stages, peri-ampullary cancer cells spread to the liver. The survival rate is recorded at four out of ten people who are usually declared to be under remission if they remain cancer-free two years after the periampullary cancer was first discovered. Ignacio advised that to be safe and on guard against periampullary cancer or any other liver condition, a person should see a specialist immediately if he or she manifests jaundice.

Nabalitaan ko din ito sa asawa ko pero ngayon ko lang naisulat. Akala ko dati (before ako umalis papuntang India) ay gagaling na siya dahil sa mga nababasa at naririnig ko. Nakita ko din siya sa TV na masaya at sinasabi niyang gumaganda na daw ang diagnose ng duktor sa kanya. Marahil ay para di na lang pansinin ng madla.
Marami din akong napanood na pelikula ni Daboy lalo na nung bago pa lang siya sa pelikula. Minsan, inuulit-ulit ko pa. Magandang lalake, mahusay umarte, magandang asawa, mayaman, magagandang mga anak, nasa kanya na ang lahat. Pero di talaga lahat ay nabibili ng salapi. Kung pagmamasdan mo, wala siyang bakas ng kahit na anong sakit lalo na at malinis siya sa katawan. Hindi talaga natin alam kung kelan tayo mamamayapa. Either sa sakit, sa katandaan, o sa disgrasya. Kahit na anong ingat ang ating gawin kung talagang oras na natin. Mabilis na din mawala ang mga tao ngayon kung ikukumpara mo sa mga tao noong unang panahon. Nabubuhay sila ng more than 300 years old. Ngayon, suwerte ka na pag umabot ka ng 70. Lalo na ako na may mga bisyo din, tsk tsk tsk.

Monday, July 7, 2008

Use your side mirrors. Better safe than sorry –


Dito sa lugar na pinagtatrabahuhan ko, kapuna-puna ang maraming sasakyan na walang side mirror. Merong isa lang, meron naman nakatupi ang isa o pareho. Minsan din na sadyang tinatanggal ng inutil na may-ari. Meron din namang talagang gumagamit. Ang tanong ko ay bakit??? These mirrors are designed to be positioned at each side of the vehicle so the driver will have a better view of his rear and part of his side (blind spots). Dahil sa ito ay di mo nakikita. Wala pa ako nakitang manufacturer of cars na di naglalagay nito. Hindi ito burloloy na pwede mo tanggalin pag di mo type. Di ako pwede magmaneho ng walang side mirrors. Sumasakit ang leeg ko sa kalilingon. Ang nakakapagtaka, wala akong nakikita na mga aksidente sa lansangan (o hindi ko lang natitiyempuhan?). Lahat kasi ng nakapintura sa likod ng mga pampublikong sasakyan maliban sa private cars ay “PLEASE SOUND YOU HORN”. Kaya nga maingay sa kalsada. Madalas pag nagba-backing, hirap na hirap ang gago dahil nga sa walang side mirror. Kahit maluwag ang likod nya, di pa rin siya maka-atras ng maayos. Eh kundi ba naman talagang gago at kalahati eh. Baka gusto nila ilagay sa harap ng hood yung side view mirror? O kaya ay sa compartment?? Bwahahaha!!!

Saturday, July 5, 2008

Busy? Who’s busy?? –

A lot of people use the word busy in their everyday life. Busy here, busy there. I sometimes use this to denote I AM NOT INTERESTED. Yes, this is the only thing that could possibly mean it. Call me a bad guy but I believe this is the only phrase that is closest to it. Mostly, if you are not interested, or if it is not one of your priorities, you will say, I am busy now and can’t make it. I will do it later. Nobody works 25 hours a day (yes, I mean 25 hours. Like the song from the Beatles, 8 days a week). Nobody in his damn single day, has not rested in an hour or so. If I invite somebody to attend to something, and he/she does not respond up to my second request, I won’t do it the third time (since he/she might have forgotten the first one). I will definitely back off. If the object gives you money, if the object makes you happy, if it makes you something out of the ordinary and sleep with a smile in your face, or anything that pleases you, or anything that is rather important to you, even if you have not rested for quite a long time, you will do it at once, and not later. Time management is all you need. So, what the hell do you mean by busy now? Any thoughts?


P.S. I may not able to reply to your comments because I am so damn busy.

Friday, July 4, 2008

What is DUMB in the Indian world? –


Sa labas ng apartment namin, maraming nakapaskil na mga kung anu-ano. Palabas sa sinehan, mga advertisements, etc. Di ko ito pinapansin. Pero kanina, dahil natagalan ang aming service car, naisipan ko tuloy na magbasa. Ito ang nakasulat: “Event for help Deaf & Dumb and Handycaped People”. For Americans nowadays, if you say dumb to a person, this is offensive. Palagay ko, ganun na din sa Pinas. I know they used this to mean “mute” (as in deaf and mute). Di na kasi natin ginagamit ito ngayon para tukuyin ang pipi or hirap magsalita. Today, it just means, conspicuously unintelligent or stupid guy.

Wednesday, July 2, 2008

Ang prusisyon at pagsisimba. Noon at ngayon –




I visited Bangar La Union last March (holy week) because my family wanted a little break from office and school. It was Wednesday (I believe) when we reached the town at 2AM. Thursday when we went up to Baguio for some sight-seeing adventure. I wanted to visit Veren but the time was too tight. My auntie Rose wanted me to go back to Bangar at that day to see the prosisyon. Medyo traffic sa mga main roads ng Baguio at hirap pumarada. While my wife went out to buy some “pasalubong”, nasa car na lang ako at naghihintay. Napuntahan lang namin ang mansion at yung papuntang mine’s view park pero di talaga sa park dahil sa sobrang dami ng cars na papunta dun, naghanap na lang kami ng mapaglalagyan ng car (na hindi naman parking area) at naglakad papunta sa mga bilihan ng ube na ibinebenta ng mga madre. Masarap yung ube, gustung-gusto ng mga bata at ng asawa ko. Tsaka sumakay na lang din sila ng kabayo. So, we went back to our house in Bangar at malapit na magsimula ang prusisyon pagdating namin dun. We rested for a while and we headed to the church, kung saan makikita namin ang simula ng prusisyon. The church is a few meters away from our house. Madaming tao na gustong sumali. Padilim na din. So, the procession started. Nandun din ang dalawa kong kids at ang aking maybahay (kasama din pala namin ang kasambahay namin). Hindi naman ito bago sa kanila dahil sa Maynila ay meron ding prusisyon. Gusto ko lang ding makita nila kung papano ang prusisyon sa probinsya. Isa nga pala sa mga ipinu-prusisyon si Sta Salome, ang may hawak ng insense nung mamatay si Jesus. Sa bahay namin nakalagak ang statue nya.

Napansin ko din na may mga nadagdag na mga imahe hindi katulad nung ako ay nag-aaral pa dito. Ibang-iba na din dahil magagarbo na ang bawat karo. Maraming ilaw, bulaklak, at kung anu-ano pa. Di naman nabago ang route ng prusisyon. Kung ano yung dati, yun pa rin hanggang ngayon. Isa lang ang aking napuna: Walang ayos ang pila ng mga tao. Mas marami ang nakakulumpon sa mga karo at putul-putol ang linya. Ano ba yan!!?? Ganito na ba ngayon? What is the essence of attending a procession??? Para lang masabi na ikaw ay sumama??? Dati, walang makakadaan na sasakyan habang nagpuprusisyon. Pero sa laki ng mga agwat at putul-putol na linya ngayon, may mga pinalulusot na ang mga pulis. Sino ba dapat mag-ayos nito? Simbahan ba o munisipyo? Dapat, ipanawagan din ito sa simbahan bago pa man magsimula ang prusisyon (or bago magmahal na araw). Kausapin ang musipyo na siyang nag-aayos ng traffic. Una-unahan ang mga tao. May mga pulis sana na nag-aasikaso every 20 meters or so. May tumatakbo, may naglalakad. May mga nakaupo sa gilid ng mga karo. Ito ang di ko magustuhan sa pagiging katoliko. Naging magarbo nga ang mga imahe pero naging primitive ang pag-iisip. Mas maganda pa nung araw na ako ay umaattend nito. Maayos ang daloy ng prusisyon. Walang nag-uunahan. Ngayon, kuwentuhan ng kuwentuhan ang mga kabataan na ewan kung nagliligawan ba o ano man. Wala akong sinisisi dito. Dapat mga tao na din ang kusang rumespeto sa kanilang nakagisnan. Ewan ko ba. Pero sa mga nakikita ko na ganito, masasabi ko na nakakawalang gana. Di na rin ako madalas magsimba dahil sobra-sobra ang dami ng tao sa loob at labas ng church. Papano ka makakapag-concentrate manalangin at makinig sa banal na salita?? May mga nagkukuwentuhan sa tabi mo. May magkapulupot. May mga tumatakbong mga bata. Tsk tsk.

Pero kahit ano pa man, hindi ibig sabihin nito na mahina ang aking faith at ako ay titiwalag. Nasa akin pa rin naman kung ako ay mananalangin ng tapat. Madalas tuloy, tsaka lang ako pumapasok sa simbahan pag walang tao. Mas tahimik at mas nakakapag-concentrate ako. Kaya madalas din na nakikinig ako sa station sa TV ng ibang religion. Napaka-ayos ng paligid. Magkahiwalay ang lalake sa babae. Walang mga bata.

Nung nasa U.S ako, linggu-linggo ay nagsisimba ako. Masarap magsimba dahil maayos ang paligid. Meron silang “cry room” at dun dinadala ang mga bata pag malikot, umiiyak o basta nakaka-istorbo sa misa. Kaya napakatahimik at pari lang halos maririnig mo. Sinasabi natin na magagaling ang pinoy pero bakit pagdating dito, wala tayong galing? O chosen few lang talaga ang magagaling? O sa ibang religion ang mga magagaling na yun?

Tuesday, July 1, 2008

No umuli, mapan tumakki, no umulog, mapan maturog (A riddle) –



This ilocano riddle is still very clear to me. My lolo Mariano used to tell me stories and riddles when I was young and had not been to school yet. He kept on asking this but never revealed the answer. It was when I started school that he actually provided the answer. I could not recall the ilocano term but it is bulate in tagalog (earthworm in english). I used to fight with my lolo when I was a kid but had loved him when I grew older. Ah, lack of wisdom perhaps. Madalas niya akong habulin dati. “Anak ti diyablo! Mapan ka man diyay aweren!! Caramba! Simbergwenza!!”. Ito ang madalas niya sabihin pag di niya ako maabutan. I had not asked the meaning of the word “awer”. It could mean “far”. I remember him always sharpening his thumb’s nail with a pair of scissors. Pinatutulis nya ito. Ito ang pinangungurot sa amin pag may kasalanan kami. Talaga namang aangat ka ng 6 inches above the ground sa sakit, hehehe. Until now, I still have marks on my belly. I don’t care. They are my remembrance from my lolo.
My lolo survived the “death march” during WWII. Ang kuwento niya sa akin, nun daw naglalakad sila sa may mga burol, dun nya naisipang lumundag at paikut-ikot na nagpatihulog sa burol. Pinagbabaril daw siya ng mga hapon pero suwerteng hindi siya tinamaan. Marami daw ang nagtangkang tumakas. Marami ang namatay at may mga ilan ding nakatakas. Ang mga bumabagsak sa daan (marahil sa gutom o uhaw) ay doon na pinapatay. Biruin mong lakarin niya mula Bataan hanggang sa Bangar? Nung makita daw siya ng lola, di na siya makilala sa sobrang payat nya. May mga araw na di siya kumain habang tumatakas. Marami pang kuwento ang lolo ko pero sa ibang pagkakataon ko na lang ito ikukuwento. Trabaho muna, hehehe. I am proud of my lolo, kahit saan man siya naroroon ngayon.