Wednesday, October 29, 2008

Diwali - Festival of Lights


Diwali (or deepavali) festival kahapon pero pumasok ako para mag-check ng mga e-mails dahil nagkaroon ng problema ang schedule ko sa pag-uwi. Wala namang mga activities akong nakita sa daan. Parang normal lang na araw. Pero nung gumabi na, marami na ang putukan. Lumabas ako ng apartment at nakita ko nga na maraming nagpapaputok. Maramig mga lusis, mga fountain, sari-saring pailaw, meron ding parang super lolo, at mga pyrotechnics. Nakunan ko pa ng picture sa aking digital camera pero malas na naubusan ng battery. Tapos, nasira pa ang charger ko kaya di ko mai-ON para i-upload yung picture. Parang New Year sa Pinas ang celebration nila ng Diwali dito. From 6PM hanggang 12 midnight ay maingay kaya napuyat ako kagabi. Ang pagkakasabi sa akin, ito yung araw na bumalik ang kanilang hari si Ram (a reincarnated god) at ang kanyang asawang si Sita after being exiled somewhere in the forest. Bumalik daw sila sa kanilang bayan na "Ayodhya" kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Laxman. Ang mga tao ay nagbunyi sa araw na ito dahil din sa pagkakapatay niya kay Ravan na siyang kumidnap sa kanyang asawa.

Friday, October 24, 2008

Ilocano nga ba ang pinakakuripot sa lahat? I guess not. Read on..

Dahil sa kuwentong ito, nabago ang pananaw ko tungkol sa ilocano. Sabi nila noon, ilocano (daw) ang pinakamatipid sa lahat ng tao. Pero mali pala sila.

Bago ang lahat, ang tumpak na oras; anim na sandali pagkatapos ng manaka-nakang pag-ulan. May kasamahan ako dito na taga-ibang bansa. Kasama ko siya sa isang unit ng apartment (na dalawa ang kuwarto) simula noong dumating ako (nauna lang sa akin ng konti). Dahil sa siya ay muslim, nagtabi siya ng mga gamit niya (kitchenware na kasama sa apartment namin) para hindi mahalo sa akin dahil nga hindi sila kumakain ng meat at ayaw niyang mabahiran ng karne ang kanyang mga gamit. Umuwi siya pabalik ng kanilang bayan noong isang araw. Nakita ko pa na meron pa sigurong 3 kilos ang naiwan niyang bigas at mga 8 pieces ng itlog. Meron din siyang karne ng manok (kinatay daw ng halal, term kung saan ang nagkatay ay muslim din) sa fridge namin. Akala ko ay ihahabilin nya sa akin ang kanyang mga naiwan pero wala siyang nabanggit. Kagabi na ako ay umuwi, nag-check ako ng mga gamit nya. Aba! Wala ang bigas at mga itlog?? Nagtanong ako sa aming mga kasamahan sa apartment, wala din siyang ibinigay sa kanila. Entonses, iniuwi niya ang bigas at itlog??!!!!! Sus Mariano Katilpo!! Mukhang di ko kayang gawin yun ah? Ok na sana yung bigas. Pero yung itlog... Naman!!! Wala sigurong tao na normal ang pag-iisip na dalhin pa ang mga itlog pauwi ng bayan mo. Alam ko bawal magdala ng mga itlog sa bagahe pero hindi kasi tsine-check ang mga bagahe dito sa India pagdating ng airport. Kung sakali mang mahuli, kukunin lang naman sa kanya ang itlog, hindi ba? Tsk tsk tsk. Iniwan naman niya yung manok sa fridge. Pag dinala pa niya yun, aah, ibang usapan na yan... Kaya pala marami siyang nabibiling mga ari-arian sa kanila (lupa, bahay at lupa) dahil sa angking talino niya pagdating sa pagsisinop. Hindi ko naman gagamitin ang mga natira niya dahil hindi naman nga niya sinabi. Itatabi ko lang sana para hindi nakakalat sa kusina. Pagkatapos ay magpapadala ako ng e-mail kung itatapon na ba o kung anuman.

Kayo mga kapatid, kaya nyo ba ang ganito? Malamang ako ay hindi. Naranasan ko na rin na may mga tira ako pagkatapos ng project pero palagi ko ito inihahabilin sa mga naiiwan...

Ang kuwentong walang kuwenta na inyong natunghayan ay inihahandog sa inyo ng Purefeeds corned chicken, ang karne norte ng mga muslim...

Monday, October 20, 2008

First fire, First smoke

Lahat ay masaya noong Friday dahil napatakbo namin ang Gas Turbine unit 11 for the first time, in full speed, dito sa site. Mantakin mo na since 2004 eh ngayon lang napatakbo? Under preservation ito (term kung saan walang gagalaw ng mga instruments) dahil sa kawalan ng gas. Kaya kami nasadlak sa lugar na ito dahil nga sa planong patatakbuhin na ito. Masaya ang mga boss. May ibang nainis din dahil sa tradisyon na paghitit ng tabako sa site kapag may steam na lumabas. Dapat kasi, "No open flame" or anything like it sa site pero sige pa rin ang mga engineers sa ganitong sistema. Medyo delikado nga ito, pero na-check naman ng mga personnel ang paligid bago nila pinayagan ang mga tao na magtabako. First fire ay yung unang flame na lumabas sa turbina after ng initial ignition.

Speaking of tabako, mas masarap yung ginagawa ng lola ko na tabako. Siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang tabako at binibili lang sa palengke ang tuyong dahon. Ginawan pa niya ako ng ilan at nagamit ko sa mga projects ko sa Pinas. Ito ang isa sa main businesses ng mga ilokano, ang pagtatanim ng mga tabako. Ang katapat naming bahay (katabi ng Petron gasoline station, na dating Esso) ay imbakan ng tabako noon. Pag ako ay umuuwi ng probinsiya, halos lahat ng paligid ay tabako ang nakatanim. What a green scenery.

Wednesday, October 8, 2008

Losing my religion -

Ang oras ngayon, tatlumpung minuto makaraan ang trak ng basura. So far, so good ang aming ginawa kahapon. Dito sa India, kapag merong bagong activity, ito ay kanilang dinadasalan. Maghahandog sila ng mga niyog, mga sweets, at mga bulaklak. Para daw sa tagumpay ng kung anuman ang gagawin. Pagkatapos ng seremonyas, papahiran kayo ng kung anong bagay na may halong nganga sa inyong mga noo (uling na kulay red). Nagpalagay din ako dahil okay lang naman daw na hindi bumbay ang lalagyan. Kaya kahapon, nagmukha akong bumbay, hehehe. Pagkatapos nga pala ng seremonyas, babasagin nila ang mga niyog (kung saan ginanap ang prayer). Kailangan yata na yung first man na babasag ng niyog, kailangang mabasag niya in one strike pero di ako masyado sure dito. Kasi tinatanong ko pero di nila ako masagot ng diretso. Yung nabiyak na niyog, yun din ang kasama sa kakainin nyo plus the sweets. Ginagawa pala nila ditong panghimagas ang niyog. Sa atin ay ginagawa lang gata, kasi nga matigas na.

Napatakbo naman ang turbine initially kaya maligaya ang mga boss. Bagong experience ko ito kaya masarap sa pakiramdam. Maingay ang paligid dahil sa air turbulence papuntang turbina.

Ang kuwentong inyong natunghayan ay ibinabahagi sa inyo ng Bird's Tree milk, ang gatas na may gata...

Monday, October 6, 2008

Life's more important than 30 rupees -

Noong linggo lang, inihatid namin ang aming kasamahang Malaysian sa airport dahil vacation na siya for 1 week. Dalawa't kalahating oras na biyahe, makipot na kalsada maingay dahil panay ang busina ng driver kahit walang sasakyan, maraming tao sa daan. Karamihang scenes ay parang bumiyahe ka papuntang province. Dalawang beses kaming muntik nang makasagi dahil di nga sila gumagamit ng side mirror (previous post). Sumama kami dahil ang plano namin ay tumingin kung merong foreign exchange agency sa airport. Pagdating namin doon, sarado ang lahat ng booth. Naiihi pa naman ako. Nagtanong ako sa lady guard kung saan pwedeng umihi. Tinanong nya ako kung meron akong ticket. Sabi ko, wala. Sabi nya, nasa loob daw ang toilet at hindi pwede pumasok kung walang ticket. Tangna! Airport, walang ihian sa labas? Sabi ng kasamahan kong Malaysian, umihi ka na lang sa tabi-tabi. "This is India. you can do stupid things, you know", dugtong nya.

So, nagpaalaman na kami at sinabihan ang driver na naiihi ako. Siya rin daw ay iihi (pero senyasan lang kami dahil di naman marunong sa english). Sa bandang madamo, tumigil siya at doon namin ibinuhos ang sakit ng puson. Pagkatapos ay umalis na kami. Pagdating sa may gate na palabas, hinarang kami ng nagbabantay. Sa nakita kong anggulo, humihingi ng parking fee ang bantay. Ayaw pumayag ng driver namin. Hanggang sa naging maingay ang sagutan. Pinaandar nya ang sasakyan (na akmang aalis na). Humabol ang bantay at akmang susuntukin sya. Medyo kinabahan na kami. Kinakausap na namin ang driver at sinabihan na ibigay na lang kung magkano ang kailangan. Pero di nya kami iniintindi at tuloy pa rin sa pakikipagtalakan sa bantay. Nagdatingan na ang ibang kasamahan ng bantay. Tingin namin ng kasama ko ay dehado na kami. Anim kontra sa tatlo. Alien pa naman kami. Mapapaaway kami sa walang kakuwenta-kuwentang bagay. Umabot din siguro ito ng limang minuto. Dumating ang supervisor ng mga bantay at medyo humupa ang pagtatalo. Ibinigay nya ang hinihingi. Thirty rupees lang, kapalit sana ng pagka-ospital namin.

Sayang ang mukha ko kung mababasag sa walang kakuwenta-kuwentang pagtatalo. Pwede naman nya ma-reimburse. Ibinibigay ko na nga para tumahimik na. Kung nagkataon na may salpukan, malamang na nasa ospital ako ngayon. O baka mas higit pa.

Thursday, October 2, 2008

Promises made, promises broken


Promises are really made to be broken. Two weeks ago, nagkaroon ng meeting ang company namin together with the client. Ang sabi nila (client), dadating na ang gas supply para mapatakbo na namin ang turbina. October 5 ang sabi. Pero ngayon pa lang, napag-alaman namin na ang gas ay mapupunta sa alapaap. Meaning, walang gas na darating. Ang pagkakasabi sa akin, pang-101 na beses na sinabi ito ng client na dadating na ang gas. Pero sa kasamaang-palad, mapupunta na uli ito sa alapaap. Hindi kasi pwedeng sabihin ng client (directly) na walang gas dahil malaki ang babayaran nila lalo na at di kami makakaalis dito sa site. Kaya panay lang ang pangako. Pangakong hanggang ngayon ay napapako.

Pero malamang nga na may gas na dadating, hindi nga lang madalian. Kung hindi ba naman, may plano na para sa Phase 2 ng project, just beside the existing. Huwag sana ako dito mapunta uli. Gusto kong isumpa itong site na ito. Pero hindi ito kasing-sama ng condition sa Pakistan. Napakainit doon (maximum of 55 degC) at madalas na magdugo ang aking ilong. Kaya parati kong binabasa ang batok at ulo ko ng tubig dahil sa init. Mga limang litro ng bottled water ang naiinom ko maghapon. Kahit madaling-araw noon sa Pakistan, parang nakasalang ka pa rin sa apoy. Dry ang temperature kaya di ka pagpapawisan. Pero walang ipinag-iba ang amoy dito at amoy doon, hehehe. Ang typical na nakikita ko sa mga lalake sa Pakistan ay pwede sila mag-holding hands while walking, pero hindi sila bading. Medyo ilag nga ako sa mga kaibigan kong Pakistani at baka hawakan din ang kamay ko habang kami ay naglalakad.

Wednesday, October 1, 2008

Mga Katanungang Mahirap Sagutin -

May mga nagtatanong minsan sa akin ng mga kakaibang katanungan na kung iisipin mo ay mahirap sagutin. Hindi ko lang na-compile lahat pero pinilit kong isipin lahat ng mga ito. Tanong ito ng mga tao ko sa field noong ako ay Project Engineer pa.

Tanong: Ang plural form ng mouse ay mice. Di po ba na nararapat ng ang plural form ng house ay "hice"?
Sagot: Itanong natin sa gumawa ng mga words na yan. Dapat din nating itanong sa kanila kung bakit di nila ginawang mouses ang plural form ng mouse.

Tanong: Bakit tawag nila sa panglinis ng ngipin ay tootbrush eh hindi lang naman iisa ang nililinis? Di ba dapat, teethbrush?
Sagot: Malamang na yung nag-imbento ng panglinis ng ngipin ay iisa lang ang ngipin noong panahon na yun.

Tanong: Alin po ba talaga ang nauna, ang manok o ang itlog?
Sagot: Logically, nauna ang manok. Di kasi mapipisa ang itlog kung di lilimliman ng manok eh.

Tanong: Bakit po pag bumabahing ang tao, siya ay napapapikit?
Sagot: Nahihiya kasi siya. Tsaka pag pinilit mong idilat ang mga mata mo, malamang na makakita ka ng di kanais-nais.

Tanong: Ang uod po ba pag namatay, inuuod din?
Sagot: Hindi. Kasi magkamag-anak sila. Ang tao ay inuuod pag namatay pero nakarining ka na ba ng uod na tinatao?

Tanong: Pwede po ba uminom ng softdrink pag coffee break?
Sagot: Kailangang magpunta ka sa room ng softdrink break. Pag wala nito, uminom ka na lang ng kape.

Tanong: Bakit po yung mahabang kinakain ng mga bata, ang tawag ay hotdog eh hindi naman mainit na aso?
Sagot: Hmm, bakit nga ba? Ire-research ko muna.