Wednesday, December 30, 2009

Blue and Yet White -








I have been away from my hometown for 5 months now. And it's really hard not seeing the love of your life for long, especially during Christmas and New Year. The temperature is dropping and seeing some snows falling. Seeing yourself alone inside the flat the company has rented during the entire period of the contract. I do all the jobs. Just to ease the pain, I tried to clean the entire flat everytime to make myself busy. Watching every movie, chatting in the internet, etc. during my OFF days. Good thing that I have a relative (my auntie Norma, sister of my late mother Aurelia). I visited them last December 24-27. After more than 20 years, we saw each other again. We were very excited. I met my 2 cousins (half-Filipino/half-British). And yes, I met also my other auntie (Cristy) who lives in Germany. I met my auntie Cristy when I had a training in Germany the year 1999 (I think). And also when she visited Philippines not so long ago. Here in U.K., they do not celebrate Christmas as we do in the Philippines. It's like a normal day. No big bangs. Then, in the morning of 25th, they do exchange gifts. I guess this is also true during New Year. It will just be an ordinary day. Back to work for me on the 28th.

Sunday, December 6, 2009

And Yet Another Storm Came -

The storm that sank my car had stopped and yet another (kinda) storm came to our life. My father-in-law had just finished his medication for his TB and all went well, resting in their house in Mindoro and to start planting trees again. But then, he felt something swelling (and painful) inside his throat and never healed. His daughter (my wife) accompanied him to the doctor one time to see what was going on. That was when they found out that he actually has a tongue cancer. It was long before they finally told tatay (as I fondly call him) that he was suffering from cancer and needed to be removed (he want back to Mindoro after the check-up and everybody lied to him about the outcome of the check-up). The doctors did not (and never did) assure them 100% that tatay could fully recover and prayers are needed. We needed money for the operation. My wife didn’t have enough money for the operation. So I presented myself being her husband. But some of them were either in an investment or a bank that personal appearance was needed to withdraw it. I am here in the UK and could not give them full support. I told her to try and get the money from the investment, since it was way past due. But things just could not get into the right place. We could not just get it right now.

Regarding my investment, I shouldn’t have done that and it was a really big mistake investing it. I should have taken them all last June but my friend (whom I invested the money to) said they changed bank so the cheques that were given to me were useless. She promised to give back the interest plus penalties after a month but did not happen. Now, it has been 6 months after they (her company) failed to produce interest, penalties and the initial investment. She never assured me of anything and ignoring me just like a dead cat in the street. We are badly in need of the money but we can’t do anything at the moment. We haven’t paid the hospital in full and if something happens and we need to pay them (the hospital), the only option is to settle it with a bank which in turn, would carry interest. A year ago, we had a plan of buying a house (or building it since we already have ‘lot’). Right now, my plan to have a house just went down. I am not planning at this stage. Pera lang yan. We can always earn it. while we are still alive.

Sunday, September 27, 2009

SHATTERED!

My wife called me up yesterday. It was 4:04AM (11:04 Manila time). Baha na daw sa inuupahan namin sa Pasig at hanggang tuhod na. Itinaas na daw nila ang refrigerator sa ibabaw ng lamesa (but unfortunately, it fell down when the water rose up to more than hip-level). Lahat halos ng kasangkapan na nasa ground floor, inilagay na nila sa second floor pero yung mabibigat ay naiwan na. Papano na kung walang second floor?? I just hate to contemplate on that. It was also too late to save the car. I am not sure kung maipapaayos ko pa ito. Kung maayos man, siguradong mahal, Pero ang pinaka-importante, hindi nadisgrasya ang mag-iina ako. Kasama pa naman ang biyenan kong babae.

Umabot lagpas bewang ang baha before the rain finally stopped. This is one of the biggest challenges for us. Lalo na at wala ako sa bahay. I just couldn't do anything. The only thing that I could do is pray for their safety, and to call them once in a while. Pero dahil drained na ang battery nya, wala na akong matanggap na balita.

Wednesday, August 19, 2009

In Transit To UK

Nandito ako sa Dubai airport. Naghihintay ng flight papuntang United Kingdom. Dito kasi ang transit path kapag pupunta ka ng London at Emirates ang gamit mong plane. Five hours ang hinihintay ko bago ma-open ang gate. Tsk tsk tsk. Ok na din naman. Nagchat kami konti ni misis kanina. Di daw makatulog ang panganay ko at umiiyak. Ito ang mahirap sa trabaho ko. Hindi ko nakikita ang paglaki ng mga anak ko. Mahirap naman kung sa Pinas lang ako aasa. Hindi sila makakapag-aral sa gusto nilang school. Kailangan kong magtiis. Isang buwan lang ang inilagi ko sa Pinas (from Vietnam) at halos araw-araw kami lumalabas na mag-anak pero hindi pa rin ito sapat.

Sana lang ay makapag-ipon ako ng maayos para mag-negosyo na lang. Hindi ko nakikita ang paglaki nila. Hindi ko sila maipagtanggol kapag may nang-aapi. Hanggang kailan kaya ang ganito?

Sunday, July 12, 2009

Gone Too Soon -

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. I was advised only last Thursday, July 9 (which was my OFF day because I have worked for 4 days night shift). Natutulog pa ako nang biglang may tumawag sa phone ko. Two hours pa lang yata ang naitutulog ko nun. Yun nga, inabisuhan ako na magbalut-balot na dahil aalis na ako by Saturday (July 11). Pagkatapos ay sinabihan ako na mag-online dahil may kailangang i-send na document sa hub namin. Tangina naman! Ni hindi ko na halos maisip kung ano ang mga ieempake ko sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Plus yung turn-over pa na nangyari sa planta. Tsk tsk tsk. Walang kakupas-kupas talaga. Di na rin ako nakapag-online sa airport. Gusto ko sana i-update itong blog ko dun pero wala na rin masyadong time. Puyat pa dahil may emergency party na nangyari nung Friday night. Ganito ang trabaho namin. Pag gusto ka ilipat, kahit ano pa ang ginagawa mo. Wala na din ang mga balak kong bilhin sa pag-uwi ko. Dapat kasi, last week of August pa ako uuwi para sa Preliminary acceptance, pero nangyari na ang nangyari. Gosh!

Saturday, July 4, 2009

Time Flies -

Parang kailan lang, ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin. Teka, kanta yata yun ah? I mean, parang kailan lang, na kadarating ko lang ng Vietnam. February 5 noong ako ay unang dumating dito. Ngayon ay July na. Eksaktong pang-limang buwan ko bukas, July 5. Napakabilis ng araw. Ganito yata talaga pag tumatanda ang tao. Noon kasing bata ako, parang napakatagal mag-aral. Biruin mo nga namang 15 years lahat ng bubunuin mo hanggang college. Pwera pa kapag may mga vocational ka pang kukunin. Katulad ko na kumuha ng practical electricity before kumuha ng engineering. Na-late kasi ako ng enroll dati kaya tuloy nag-decide na ako na kumuha ng vocational para lang hindi ako nabakante sa bahay. Sa totoo lang, vocational lang ang gusto ng tatay ko dahil natatagalan sa mga 5-year course. Mabuti na lang at nagpumilit akong mag-aral. Teka uli, lumalayo ang kuwento ko.

Dapat ay last week of May, nasa Pinas na ako at a week after that, punta na ako ng UK. Nag-abiso ang UK project na kukunin na nila ako para support doon. Ok lang sa loob-loob ko. Panibagong environment, panibagong pakikibaka. Pero pumalag ang Vietnam project. Kailangan pa raw nila ako dito. Napag-alaman ko na lang na di na nga ako kukunin. Nag-expire ang UK VISA ko last June. May natanggap na naman akong e-mail na kinukuha lahat ng requirements ko para sa panibagong work permit for UK project. Ibinigay ko naman lahat. Pero di na ako umaasa na pupunta ako sa UK project dahil ilang beses na ring nangyari ang ganito. Kukunin ang mga documents sa yo. Pag nakuha na lahat, naayos na ang VISA at kung anu-ano pa, sa ibang lupalop ka naman ibabato. Ganito ang kumpanya ko. Unpredictable. Puro tingin yata sa alapaap kapag nagdesisyon. Pero ok pa rin dahil trabaho pa rin naman ito. Ang plano dito, hanggang August na lang at PAC (Preliminary Acceptance Certificate) na. Pagkatapos, turn-over na. Isang buwan na lang at August na. Mabilis naman ang araw. Di ko nga namamalayan ang isang linggong lumilipas eh. Lalo na at panay pang-gabi ako. Uuwi na din ako sa Pilipinas kong minamahal.

Thursday, June 18, 2009

Snake Inside the Plane!! Err, I mean... the Plant..


Katulad kahapon, tambay kami sa control room. Nagpapatakbo ng steam turbine. Katulong ng mga process guys sa loob at labas ng control room. Pag may gagawin sa labas, tatawag sa radio at tatanungin kung ano ang condition ng ganito at ganoong equipment. Ganito ang trabaho namin. Support kami palagi. Malapit na kaming umuwi nang tumawag uli sa radio ang isang kasamahan naming nasa baba lang ng condensate pumps. Di daw nila magalaw ang isang control valve dahil may ahas. Ahas?! Sa loob ng planta? Tanong ng kasama ko. Ayaw din nilang lapitan para patayin dahil nga baka manuklaw. Bumalik sa control room ang mga nasa field at nagtanong kung ano ang gagawin sa ahas. Wala sila maisip. Sabi ko, puntahan ko para malaman kung ano ang gagawin. Do you plan to catch it?, tanong ng kasama ko. Yeah, I want to eat it, biro ko na lang.

Pagdating namin doon, madilim ang paligid. Kinailangan pang gumamit ng torch para masinagan ang kinaroroonan ng ahas. Nasa gilid lang at natutulog. Kumuha ako ng mahabang stick at sinubukan kong angatin ito. Nagising ang ahas at laking gulat namin. Isa pala itong black cobra. Biglang lumapad ang leeg, tumayo at handing manuklaw. May paikot na puting guhit din sa kanyang likod. Nang akma ko uling aangatin gamit ang stick, bigla itong naglabas ng venom. Ganito kasi ang ginagawa ng cobra kapag di nya maabot ang target nya. Bigla dudura ng venom. Kapag tinamaan ka sa mata o sa may sugat na parte ng katawan mo, malas mo. Ang ginawa ko na lang, inipit ko ng stick ang ulo. Nang makita kong medyo di na gumagalaw, hinawakan ko na ang leeg. Sa ganito kasing paraan, din a makakapangagat ang ahas.

Pagdating sa labas, itinapon ko ito sa malapit sa construction site. Ayoko din namang patayin dahil mawawalan ng balance ang ecosystem (hehehe). Noon kasing bata pa ako, sa bukid kami nakatira. Dahil sa bukid, maraming mga hayup na ligaw. Katulad na nga ng mga ahas. Sa kuya ko ako natuto ng paghuli. Dinadakma lang niya dati ang mga sawa na nakikita namin sa daan. Basta alam mo kung papaano ang gagawin at malakas ang loob mo, ok lang. Pero pag natuklaw ka, bye-bye...

Wednesday, June 17, 2009

Déjà Vu -

Kagabi, overtime kami sa control room. Dalawa lang kami ng process guy buong magdamag. Dahil sa stable naman ang mga turbines, wala kami masyado ginagawa kung hindi mag-monitor ng mga readings. Dala ko din ang laptop ko at paminsan-minsan ay nanonood ng movie. May mga pagkakataon na may pinababago ang kasamahan ko sa logic kaya kailangan kong magbukas ng mga application (ako lang kasi ang pwedeng magbukas dahil internal programming ito ng controller). Isa sa mga pagkakataong yun, ano ba’t parang narinig ko na o nangyari na ito. Lahat halos ng sasabihin pa lang nya ay alam ko na ang susunod. Nasabi ko sa sarili ko, “DeJaVu”. Minsan ay kikilabutan ka din. Di ko alam kung sa panaginip nangyari yung una o talagang nangyari na at pangalawang pagkakataon ito? Matagal na rin yung huling nangyari sa akin. Nagsimula kong maranasan ang ganito noong college pa lang ako. Madalas noong una na palaging nangyari na ang mga bagay-bagay na naulit lang. Medyo matagal ngayon. Mahirap maipaliwanag pero totoo. Madalas din na kapag nagpupunta sa isang lugar na noon ko lang napuntahan, parang nakarating na ako doon dati.

Ano ba ang Déjà Vu? From Dr. Jeff Palmer's book:

The term déjà vu comes from the French and means, literally, "already seen." Those who have experienced the feeling describe it as an overwhelming sense of familiarity with something that shouldn't be familiar at all.

Déjà vu is a phenomenon that by its nature as an instantaneous event cannot be scientifically proven to exist. And yet it does. The occurrence of déjà vu is actually quite common, 70% of us experience it at least once in our lifetimes. There are many theories regarding the nature of déjà vu experiences. In recent years déjà vu has been the subject of serious psychological and neurological research. The most likely explanation, according to scientists in these disciplines, is that déjà vu is an anomaly of memory.

Yun na yun. Kayo? Naranasan nyo na ba ito??

Si Dr.Jeff R. Palmer Ph.D. ay author ng librong "Judo for the Soul - The Art of Psychic Self Defence", at marami pang ibang mga articles and papers na nauugnay sa metaphysics and the study of paranormal phenomena. Check out his books at http://the-psychic-detective.com

Sunday, May 31, 2009

Missing being a Tech Support -

Noong bago pa lang ako dito, tahimik lang ako na nagmamasid. Minsan ay pinagagalitan pag may mali sa ginawa sa software na ginagamit namin. Tahimik ang mga kasamahan ko. Parang walang buhay. Minsan, may nambabraso ding mga kasamahan na akala nila ay sila ang pinakamagaling dahil sa tagal na nila sa kumpanya. Pinababayaan ko lang sila. Target siguro nya ang maging boss sa loob-loob ko na lang. Ngayon, medyo nakakabisado ko na ang takbo ng trabaho ko. Di na kailangan ang supervision. Madalas na magpatulong ang mga process guys kung tama ba ang logic ng isang loop. Maingay na din ako sa control room. Napapatawa ko na ang mga kasama ko. Kapag nagtatawag sa radio, madalas tuloy na nagagamit ko pa rin nakaugalian ko sa dati kong kumpanya. “Tech Support Stan!”. Ito palagi ang bungad ko pag may tumatawag sa radio o sa phone. Para kasing Call Center ang dati naming trabaho sa Pinas. Maraming tumatawag na client para magpatulong kapag may problema sila sa produktong binili sa amin.

Maganda rin kasi ang dating trabaho ko. Medyo minsan nga lang ay humiliating, lalo na pag foreigner ang kausap mo. Pero dahil na rin sa nagtagal ako dati sa kumpanya, ako na ang namboboljak sa customer. Siyempre, di pwede ito sa management, lalo na at recorded ang conversation. Pero ayoko naman na palagi na lang pakumbaba kahit mali na ang mga koplong. Minsan kasi, kailangan ding mambraso ka para di ka kawawain.

Marami din ang nagtatanong kung bakit iba akong magsalita kesa sa mga ibang pinoy na nakakausap nila noon. Kahit noong nasa India ako ay ganito din ang kanilang tanong. Hindi daw pinoy ang aking accent at may pagka-American (hehe). Sa akin kasi, kung ano ang naririnig ko, yun ang pronunciation na inilalabas ko at hindi parang tagalog na nagi-english. Marami kasing pinoy na ganito kung magsalita (at marami din ang talagang American din kung magsalita kahit sa Pinas sila lumaki). Nasa tao kasi kung papaano niya sinasabi ang napapangkinggan niya. Kung bakit kasi ibang magsalita ang ibang tao sa kanilang naririnig. Naririnig mo ito pero iba kung ito ay bigkasin mo. Well, kung matututo lang ang karamihan sa atin na bigkasin ang tama, mas hahanga sa atin ang mga foreigners. Hindi lang sa dahil marunong mag-english ang karamihan, kundi pati pronunciation/accent ay tama din. Di ako masyado magaling sa english, pero at least, itinatama ko ang sarili ko sa tamang pagbigkas. Ito na kasi ang nakasanayan ko simula nang matuto akong magbasa ng english at makarinig ng foreign films. Mas nahasa pa ito dahil may training ang dati kong company sa tamang pagbigkas. Kailangan kasi namin ito sa trabaho.

Friday, May 8, 2009

Jim Boy -

After a long period of laziness and absence, I finally found myself inside the gym (they have it in the apartment where I live) again. From stationary jogging, to lifting dumb bells, to abs crunch. Whew! I could feel the pain in my muscles again. It was 2004 when I had my last visit. Masarap ang pakiramdam. Nararamdaman ko kasi na dahil sa aking edad, medyo bumabagal na ang aking reflexes. Pero di pa rin naman nawawala ang aking nakaugailan na mabilis maglakad.

Since our job's schedule is unpredictable, madalas na mawalan ako ng ganang pumasok muli sa gym. Minsan kasi ay papasok ka sa umaga until 9pm or 10pm. Minsan naman ay sa gabi na lalong magpapahirap sa iyong paggising. How would you have time to go? Pero kahit papaano, nagkakaron na uli ako ng interes. Dapat lang na ma-maintain ito para maganda ang kalalabasan. Habang tumatanda kasi ang tao, mas lalong mahirap ma-burn ang fats sa katawan.

Nararamdaman ko nga na lumalaki na ang belly ko. Kaya ito ngayon ang pinagtutuunan ko ng pansin. Mabuti nga at hindi ako tabain. Minimized pa din naman ang intake ng carbohydrates. Marami akong kasamahan dito pero dalawa lang kami na pumapasok sa gym. Sa katunayan, nahawa lang ako sa kasama kong Indian. Maganda ang kanyang pangangatawan kaya nainggit ako. Gusto kong mapanatili ito hanggang sa pag-uwi ko para.... hehehe. Ang problema lang nito, sana ay meron ding gym sa ibang site na mapupuntahan ko. Isa pang gusto kong matanggal ay ang yosi. Napakahirap kasing mag-isip na wala nito. Dapat ay merong magandang alternative para tuluyan ko nang hindi hanapin. Sex? Pwede...

Monday, May 4, 2009

Can't View my Blog -

Dont' know what happened but I can't view my blog with the current post. I can post a neww one though. I need to check this when I have time.

Wednesday, April 22, 2009

First Synchro on ST -


The long wait is over. We had it synchronized last night at 5 MW (base load at 150MW). The steam turbine got its first synchronization with the grid for the first time. This project is using 3 EK-13E2 turbines. Two of them for the gas (open cycle) and one for the steam (combined cycle). The gas turbines have been commissioned and running for a year now. I've been here for two months and working on the boiler section of the steam turbine. It has been fun for me. My first project was a mess. This one is quite good. At least I am involved in one of the areas.


We had a celebration at 5am with champagne, bread and fruits plus cigar (not a first fire though). It was really fun.

Thursday, March 26, 2009

Bisyo Ng Bisyo, Walang Opisyo -

May bagong dating akong kasamahan sa trabaho galing ng Malaysia. Magaling makipag-usap sa mga tao. Halos lahat ay kinakausap nya. Ok na sana ito. Kaso, mahilig manghingi ng yosi. Minsan na nakasabay nya ako sa pagyoyosi, kinausap ako kesyo kumusta ang site, saan daw ba ako galing na site dati blah-blah. Maya-maya lang, nanghingi ng yosi. Napansin ko na ganito palagi ang istilo nya kahit sa iba ko pang kasamahan. Minsan na nanghingi uli ng yosi, gusto ko na sana barahin. Tangina ka! Pareho lang tayo sumusuweldo, ayaw mong bumili? Gago ka pala eh! Kaso, nagtimpi na lang ako. Kapag feeling kong manghihingi uli siya, umaalis na agad ako. Bahala na ibang tao dun na magbigay sa kupal na ito. Magbibisyo tapos ayaw bumili.

Nahuli kasi ng tatay ko ang kuya ko noong nag-aaral pa kami. Ayaw na ayaw ng tatay namin na nagbibisyo habang nag-aaral dahil nga ang katuwiran nya, pera nya ang ipinambibili namin. 'Bisyo ng bisyo, walang opisyo! Huwag magbibisyo kundi rin lang kayo nakatapos at may suweldo na'. Kaya ngayon, galit ako sa nagbibisyo na sumusuweldo naman pero ayaw bumili. Baka nga mas malaki pa ang sahod sa akin ng hayup na yun eh.

Wednesday, March 18, 2009

Back To Reality -


Nakauwi na ang mag-iina ko kahapon pabalik ng Pilipinas. Maayos naman silang nakarating hanggang bahay at tumawag para sabihing ok naman sila. Umuwi ako kagabi sa apartment. Wala ang makukulit na bumabati at humahalik sa akin pag ako ay dumadating. Walang asawa na humahalik sa akin. Walang mga naghahabulan (maluwag kasi ang sala), walang nagsisigawan, walang naglalaro, walang nanonood ng palabas ng cartoons sa TV, walang nagluluto, walang kausap. Tahimik ang paligid. Oo nga, mag-isa na naman ako. Parang gusto ko maiyak. Mabigat ang aking pakiramdam. Parang may bara sa lalamunan ko. Mahirap din pala ang makikita mo sila pansamantala tapos bigla din mawawala at matagal uli na di mo makikita. Alam ko nag-enjoy sila dito lalo na ang dalawang chikiting ko. Halos nagbababad sila sa swimming pool dito. Noon ko nga lang nagamit ang swimming pool simula nung dumating ako dito. Ngayon, siguradong mababakante na naman ito. Mabuti nga at hindi nataon na nag-uulan. A week ago, panay ang ulan dito at sabi nga nila ay start na daw ng rainy season. Bumabaha pa naman ang part ng city pag umulan ng malakas. Traffic. Kumain akong mag-isa. May mga tira pa kami nung nandito pa sila at yun na lang ang ipinainit ko. Nagluto na lang ako ng bagong kanin.

Matutulog na sana ako nang may mapansin akong papel sa ibabaw ng lamesita sa gilid ng kama. Love note ng aking asawa at ng panganay ko. Lalong sumidhi ang aking pangungulila. Ah, pasasaan ba at makikita ko ulit sila.

Sana lang ay hindi ako magtagal dito at makauwi na din. April dapat ang uwi ko pero sabi ng lead namin ay baka daw ma-extend ang trabaho ko dito hanggang June. Gawa na nga ang visa ko at June ang expiration. Iniisip ko na lang na matatapos din ito.

Saturday, March 14, 2009

Spending Time Together -


Sa wakas ay nakarating na din sa Ho Chi Minh, Vietnam ang aking maybahay at dalawang chikiting. There were no incidents. Sa airport sa Pinas huling nag-text ang misis ko. Two hours lang naman ang biyahe papunta dito. Apat na oras na ay wala pa siyang update kaya tumawag na ako sa apartment. Ayun at na-confirm ko na nandoon na nga sila. Nagmadali ako sa pag-uwi (meaning, di na ako nag-overtime) at masaya nila akong sinalubong. Nakapag-swimming na sila sa pool pagdating ko. Mababaw kasi yung pambata kaya naaliw sila. Five days lang sila dito kaya kailangan nilang sulitin. Bago kami nagpunta ng city kanina, naligo muna kaming lahat sa swimming pool. Ayaw pa sana umalis ng panganay ko kaya lang ay may lakad nga kami sa city. May shuttle ang apartment every hour kaya walang problema sa sasakyan. Una naming pinuntahan ang Ben Thanh market. Medyo mainit sa loob kaya medyo nagluluko ang panganay kong si Coleen. Di tuloy kami makapaglibot ng maayos. Bumili na lang ang asawa ko ng konting mga preserves. Pinuntahan din namin ang isang department store named Parkson. Bumili lang kami ng konting makakain sa apartment. Dito na din kami kumain ng pananghalian. Mainit ang panahon kaya nakakapagod maglakad. Sa likod ng Parkson ay ang Opera house na parang yung sa France. Di pa namin napuntahan ang ibang lugar dahil pagod na kami. Nagpapakarga kasi itong si Coleen kahit ang bigat-bigat na. So, ayun..

Saturday, March 7, 2009

It's Like Magic -

In a week time, makakasama ko na ang aking pamilya. Di ko masabi kung bakasyon ba sa kanila ito o kung ano. May trabaho kasi ako at sila ay nasa apartment lang at naghihintay. Di kasi pwedeng mag-leave lalo na at nasa commisioning stage kami ngayon. Nasabihan ko naman na ang misis ko kung ano ang dapat nyang gawin habang nandito sila ng mga bata. Ok naman sa kanya ang ganitong set-up. Sana lang ay mag-enjoy sila kahit papano. Malapit naman ang city at may shuttle bus ang apartment (30 minutes). Kailangan nga lang na kasama nila ako pag sila ay pupunta ng city. Mga barubal kasi mga driver. Walang humihinto kahit may tumatawid. Dalawa pa naman ang akay-akay nya. Baka madagit eh. Mahirap na. Meron ding swimming pool sa loob ng apartment para sa matatanda at sa mga bata kaya kahit papano, hindi sila maiinip. Mamimili na nga ako ng mga lulutuin nya eh. May mga karne pa naman ako at dadagdagan ko na lang plus mga sangkap. I can’t wait to see them here. Makakalabas na din ng bansa ang bunso ko. Yung lang kasing si Coleen ang nakarating dati sa US dahil wala pa ang bunso. Dalawang buwan yata ang misis ko doon. Wala siya suweldo ng isang buwan. Ako ang nagpasuweldo sa kanya. As a matter of fact, doon namin ginawa si Jacob, hehehe. Itong picture ay kuha sa labas ng window ko. May swimming pool na pangbata kaya masaya.

Bad hungry day -

Dahil sa tuluy-tuloy ang trabaho namin sa control room, kailangang may maiwan para magbantay at ako ang natoka. May mga pagkakataon na nagpapatulong ang process guys sa mga figures sa graphics display pero wala namang major concerns. Halos isa’t kalahating oras na ako doon bago may bumalik. Medyo nakakaramdam na ako ng gutom. Ang lead pa namin ang pumalit sa akin. So ayun, ako naman ang pinapunta ng office. Doon kasi kami kumakain ng mga orders naming ulam.

Pagdating ko doon, malinis na ang mga lalagyan. Nagtanong ako kung nasaan na ang mga order na food. Pinuntahan ng admin namin at lahat nga ay consumed na. Medyo nag-init ng konti ang aking tenga. Tangina sa loob-loob ko. May kumain ng inorder ko. Ok lang sana na hingin na lang kesa sa kainin ng hindi nagpapaalam. Mahirap din kasing ma-trace kung sino ang kumakain na hindi nagbabayad dahil marami kami at sabay-sabay halos kung kumain (may ilan na nakatoka kaya after 1 hour pa makakakain, katulad ko). Pagtingin ko sa orasan ko, halos 2:30pm na. Tsk tsk tsk. Nag-order uli ng pagkain ang admin pero di ko alam kung anong oras makakabalik ang driver. Nahihilo na ako sa gutom, hehehe.

Thursday, March 5, 2009

Chain Reaction -

Naikuwento na rin ng kaibigan kong si Jay ang tungkol dito pero ngayon ko lang napagtanto ang kanyang kuwento. Dito kasi sa office namin sa site ay ganoon din ang siste. Yung mga nakabukas na tea bags at nakalagay lang sa garapon, mga basong ginamit na di ko alam kung nahugasan bang mabuti, mga kutsarita at kutsara na nakalagay lang sa lalagyang baso na bukas buong magdamag. Sa ganitong sistema, prawn nga naman (este prone pala) sa mikrobyo ang mga ito. Papaano nga naman kung ang huling humawak doon sa mga kutsarita o tea bags ay may sakit? Tapos ikaw naman ang susunod? Tsk tsk. Uso pa naman daw ang diarrhea (diarhoea) ngayon dito. Kaya palagi ako naghuhugas at gumagamit ng alcohol.

Sunday, March 1, 2009

I am ashamed of my veggie -


Well, I was at the Ben Thanh market this afternoon at namili ako ng kakainin for the whole week. Dahil sa alanganin ang punta ko (3PM), marami na ang mga nakasaradong bilihan ng mga karne,isda, prutas at gulay pero may mga nabili pa rin naman ako. Ayoko na kasi bumalik at nakakatamad. Sa kaiikot ko ng mga bibilhin (wala kasi akong dalang listahan), napansin ko ang isang ibinebentang gulay. To my astonishment, ito ay walang iba kundi ang makahiya na tumutubo lang sa gilid ng kalsada natin. Bain-bain yata ito sa ilocano. Hindi ako makapaniwala pero totoo ang aking nakikita. Hindi naman siguro ako engot para hindi ko malaman ang hitsura ano? Kasama pa ang ugat na parang bagong bunot lang. The leaves, thorns, at ang pagtiklop ng mga dahon pag iyong nagalaw. Kaya nga ito tinawag na makahiya eh. Lumapit ang tindera dahil nakita nya na ako ay nakangiti. Tinanong ako sa kanilang wika. Para mas maganda, ito ang palitan namin ng mga pangungusap;

Tindera: Xin chao! Ban muon mua?
Ting: How do you prepare this? I want to buy it (pointing to the makahiya leaves).
Tindera: Ban muon mua?
Ting: Ok. Alam kong yan ang sasabihin mo eh. Marunong ka magtagalog?
Tindera: La nhung gi ban noi?
Ting: Kahibalo mo magbisaya 'day? Nalibog ka sa ako?
Tindera: Toi khong hieu ban..
Ting: Ilocano? Okinnana bassit. Ania ngay ti ammom?
Tindera: Xin loi. Xin loi.
Ting: Pangasinan? Ibanag? Kapampangan? Saguli..
Tindera: Toi khong hieu.
Ting: Ok. Ok I give up! Maghananap na lang ako ng marunong ng ilocano, bisaya o tagalog. Salamat po.


Ang pagkakasabi sa akin ng mga kasamahan kong Vietcong, na-discover nila ang mga kakaibang mga gulay na ito noong panahon ng giyera. Dahil sa bundok sila nagtatago, namulot sila ng mga sari-saring mga dahon sa gubat para hindi magutom at karamihan sa mga ito ay edible. Kaya hanggang ngayon, ito ay kanilang kinakain dahil wala itong fats at healthy sa katawan. Hindi naman masangsang ang mga amoy.

Note: Ang 'nalibog' na salitang bisaya ay nalilito sa tagalog. Huwag masyado green ang isip...

Tuesday, February 24, 2009

H for Etchetera -


Mapapansin mo dito sa Vietnam, halos lahat ng (o karamihan sa) words nila ay may letter H. Ho Chi Minh, Ha Noi, Ham Nghi, Nguyen Than, Ben Thanh, Tinh Lhong, Khoi Thon Tan to name a few. Lahat ng makikita mong billboard o mga sulat sa kalsada, palaging may letter H. H dito, H doon, H diyan. Kahit mga streets o pangalan ng mga buildings. Di ko pa alam kung saan nag-originate ito. Baka lang may hemorrhoids ang mga tao noong unang panahon kaya nahilig sa H.

Ang update na inyong natunghayan ay hatid sa inyo ng BASTOS cigarette. Ang yosi ng mga gurang (note: Totoong may brand na Bastos dito, no kidding). Check the picture..

Thursday, February 19, 2009

Moving out, moving in -

First day ko sa apartment kahapon. Pinaalis na kasi ako ng company ko doon sa hotel dahil masyadong mahal. Akala ko nga dati ay pangit ang ibibigay pero laking gulat ko dahil kumpleto pala sa kasangkapan. Merong electric range, lahat ng kitchenwares, may TV din (mas malaki kesa sa hotel), fridge, hot shower, double bed, sofa. Wala lang washing machine kasi pwede namang ipalaba na sagot ng company. Medyo nahirapan ako natulog kagabi. Namamahay na naman ako. O baka dahil konti lang nakain ko. Di pa kasi ako nakakabaili ng mga lulutuin. Ito ang isang problema dito. Walang malapit na mabibilhan. May resto sa malapit pero siyempre, may kamahalan. Kesa naman magutom ako.

Friday, February 13, 2009

Counting the sheeps -

Dahil na-late kaming umuwi, nakaalis na ang jetty. So, ang mga naiwan ay sasakay na lang sa service car papuntang hotel. Medyo malayo din ang biyahe kung “by land” kaya matutulog sana ako. Pero may narinig akong singhot ng singhot sa likod ko. Sinubukan kong pumikit para sana umidlip pero pumapasok sa isip ko ang singhot nya. Kaya, imbes na sheeps ang bilangin ko para makatulog, nagbilang ako ng singhot nya. Eh sa kabibilang ko, umabot na kami ng hotel na ako ay gising pa. More or less 424 ang nabilang ko for 1 hour and 27 minutes naming biyahe. Kaya bale isang singhot every 12 seconds, hehehe.

Ang kuwentong ito ay hatid sa inyo ng Dick’s inhaler. Ang pamasak-ilong ng mga sipuning bakla.

Sunday, February 8, 2009

Cross at your own risk -


Pangatlong araw ko pa lang dito sa Vietnam at ngayon lang ako nakalabas. Ang isang napansin ko dito, na-dominate ng motorsiklo ang mga cars. Halos kokonti ang naglalakad sa kalye dahil halos karamihan nga ay puro naka-motorsiklo na. Nakakatakot ngang tumawid dahil di sila humihinto. Bahala ka sa sarili mo. Iiwasan ka naman nila eh. Basta pag tumawid ka, huwag ka lang tatakbo para mas maganda at maiwasan ka nila. Wala naman ako nakikitang aksidente sa daan. Magaling naman sila umiwas.

Parang Pinas din ang mga building. Malalaman mo lang na ibang country dahil sa mga sulat. Tsaka siyempre, walang mga jeepney. Marami ding nagtitinda sa labas. Mga maliliit na stalls. Mga murang relo, sandals, shades na katulad ng sa Pinas. Mahirap lang kumain sa medyo murang kainan dahil di sila marunong mag-ingles. Pero kung alam mo ang kakainin mo o kaya ay kaya mong kainin lahat, walang problema. May mga nakita din akong mga Pinay sa park (dahil nagsalita ng tagalog) pero di ko muna kinausap dahil nga gutom na gutom na ako pagdaan ko sa kanila. Baka sakali pagbalik ko uli dun at makita ko uli sila. Napadaan din ako sa mga palengke ng gulay. Pareho lang ang mga tinda nila. Mahilig lang sila sa mga mint.

Saturday, February 7, 2009

Tumubo ang kabute -


Hello sa lahat ng makakabasa nitong munting blog ko. Medyo matagal na palang walang update (since November 9, 2008). Wala kasi akong internet sa bahay at tamad akong gumamit ng internet sa labas. Sa bahay lang ako madalas at kalaro ang aking mga anak.

Nandito naman ako sa Vietnam ngayon. Bigla kasi akong ipinadala ng employer. Dahil sa delayed ang UK project ko, dito muna nila ako ibinato. Di din natuloy ang training ko sa France noong November dahil di kinaya ng 5 days lang (kailangan kasi ang minimum 10 days sa processing). Unang araw ko pa lang dito, medyo marami na ang nagyari. Sa airport pa lang sa Pinas (Centennial), nagkaroon na ng konting problema. Dapat kasi, 2 ang check-in baggage ko. Pero masyadong mahigpit ang PAL. Dahil economy ako, dapat ay 20 kg lang ang allowed pero noong timbangin, 26 kg yung dalawang baggage. Bayaran ko daw ang excess baggage sabi sa counter. Sabi ko naman, bakit last time ako umalis, 30kg pa nga ang kargada ko pero di naman ako siningil. Medyo istrikto daw ang management dahil nga sa crisis. Para wala na lang mahabang pagtatalo, sinabi ko na lang na handcarry ko na lang yung isa dahil maliit lang naman. So, pinalipat lahat ng liquid, gel, and anything na bawal sa handcarry yung laman ng maliit na bag sa check-in baggage ko. Mabuti na lang at nagkasya pa. Marami kasi akong dalang mga baby cologne dahil mahilig ako nito, lalo na at temperate country ang pupuntahan ko. Ayokong mangamoy ang kili-kili ko. So, ok na nga. Pagdating sa final check after sa immigration, may nakita sa bag ko sa x-ray kaya pinabuksan uli. Akala ko ay cologne kaya sa loob-loob ko, iwan ko na lang kung di papayag. Pero tinanong nya ako kung may dala daw ba akong tool na may knife. Sa pagkaakataon na yun, bigla ko naalala ang Swiss knife (katumbas ng Leatherman tool) ko na naka-karton. Tangina! Nakalimutan ko yatang tanggalin sa handcarry ko (na dapat check-in baggage). Pagbukas ko, nandoon nga ang Swiss tool ko! Binili ko ito noong nagpunta ako sa Switzerland. Sabi ng guard, di ko na raw puwede kunin. Kako, may kasamahan ako sa labas na puwede kong ipacheck-in sa kanya (nagsinungaling lang ako para lang maibalik sa akin). Di na nga raw puwede dahil final check na at di na puwede lumabas. Tangina ulit! Mahigit apat na libong piso yata ang bili ko nito. Mapupupnta lang sa kanila? Nagmamaktol akong ibinalik ang aking mga gamit sa baggage ko. Pero maya-maya, may lumapit na airport police at binulungan ako. Sabi nya”Boss, pangkape na lang yan”. Nagulat ako sa sinabi nya pero natuwa ako. Ibinalik nya sa akin ang tool at sinabing ayusin ko na lang ang bagahe ko sa may upuan. So, tinanong ko kung magkano. Bahala na daw ako. Tinanong ko ulit kung puwede na ang 100 pesos, dagdagan ko daw dahil marami sila. So tinanong ko uli kung puwede na and 300, ok na raw yun dahil may mga kasama siyang magkakape. Alam ko, mali ang ginawa ko, lalo na at dangerous item yung nakumpiska sa akin. Di ko rin sukat akalain na meron palang ganun sa airport. Meaning, may mga nakakalusot na dangerous goods??? Nagpasalamat na lang ako at tumalikod. Yun ang unang naging problema.

Dumating ako sa Ho Chi Minh airport. Malaki at malinis ang airport na ito. Mas maganda pa kesa sa Centennial airport sa Pinas. Bago kami lumabas ng airport, nagpapalit na kami ng tig-100 US dollars. Milyonaryo kami agad. Ang kapalit nun ay 1,630,578 vietnam dong. (currency ng vietnam). May driver na kumuha sa amin doon (katulad ng nakasaad sa e-mail sa amin). Medyo inabot din kami ng 40 minutes going to the hotel. Pagkatapos magcheck-in at maghilamos, bumaba uli kami sa naghihintay naming service (same car) para dumiretso na ng planta (dalawa nga pala kaming dumating na pinoy dito). Mga isang oras at kalahati din ang biyahe magmula hotel hanggang site. Maayos naman kaming sinalubong. Ipinakilala kami sa mga tao doon. Mahirap matandaan lahat lalo na at Vietnamese, Malasian, at Indonesian names ang tatandaan mo. Meron ding mga puti (French at German). Nagkaroon ng konting tour. Pagkatapos ng trabaho, umalis na rin kaming sa planta. May maliit na piyer sa malapit at sumakay kaming lahat sa jetty. Mas mabilis ang biyahe lalo na at walang traffic sa tubig. Sabi ng mga dati nang nagtatrabaho doon na malapit na lang yung hotel namin at lalakarin lang. So, lakad kami kasama ang isang Malaysian kung saan siya ang sinabihan kung saan kami dadaan. Ang iba ay kumain at ang iba naman ay may binili so apat na lang kaming naiwan na papuntang hotel. Lakad dito, lakad soon. Mag-iisang oras na yata kami ay di pa namin nahahanap. Akala namin ay alam na ng isa pero siya man ay nalito na din. Wala kaming ibang info sa hotel kundi yung e-mail lang pero walang address dahil kinuha nga kami sa airport. Nagtanong kami sa mga tao. Karamihan ay hindi din nakakaintindi ng ingles kaya problema na naman. Kapag lalapit kami at magtatanong, iiling. Marami kaming nilapitan at sa wakas ay nakatiempo din kami ng marunong mag-ingles. Itinuro sa amin kung saan (kesyo malapit sa ganitong hotel). Lakad uli at nakita namin ang hotel na nabanggit pero wala ang hotel namin. Tanong uli. Iling naman uli. Nakakita uli kami ng marunong mag-ingles at itinuro naman kami sa ibang location (tsk tsk tsk). Lakad uli kami. Nagtanung-tanong uli kami. Iling uli. Sa ibang location naman ang sinabi sa amin. Haaay! Ayaw kasi naming mag-taxi dahil sa sinabihan kami sa planta na huwag basta-basta sasakay ng taxi lalo na at hindi itinawag sa phone, kaya kami nagdadalawang-isip. Nakakita kami ng taxi na nakaparada at tinanong uli namin. Mabuti na lang at kahit papano ay marunong naman mag-ingles. Itinuro naman kami sa unang-unang lugar na pinuntahan namin pero kailangan daw na sa kabilang street maglakad. So, ayun nga. Natagpuan din namin after 2 hours of walking. Pahinga konti sa kuwarto bago bumaba at kumain sa labas. 80,000 vietnam dong ang nakain ko (parang ang laki ano?). Masarap ang pagkain nila. Nakakain ko naman lahat kahit yung pagkain sa planta. May isa lang na di ko masyado type pero ok na din. Yung parang sinigang nila. Iba ang lasa eh. Kinabukasan nang kami ay kunin uli sa hotel papuntang jetty, 5 minutes lang at nandoon na kami. Tsk tsk tsk. Napakalapit lang pala. So, ayun.


Ang balitang inyong natunghayan ay hatid sa inyo ng Kalburo cigarette. Ang sigarilyo ng mga VietCong.