Friday, September 19, 2008

Back in business


Well! Well! Well! Matagal akong nawala. Mahigit isang buwan ko na palang di naa-update itong blog ko. Mangyari kasi na tinamaan ng virus itong PC ko kaya para di kumalat ang virus, tinanggal ko muna sa network namin. More than 500 strains ang natanggal, tsk tsk tsk. Kung bakit kasi may nakialam at na-disable ang protection. Buti na lang, di nabura ang mga files ko. Puro nuisance lang ang mga virus na pumasok at bigla magpa-popup sa screen mo. Lahat ng folders ko ay ginawa nyang (virtually) executable. Natanggal na ang mga virus pero di na kasing-bilis ng dati. Malamang na may strain pa na natitira. Pero ok naman na sa ngayon.

Nandito pa din ako sa India at naghihintay na dumating ang supply ng gas para sa power plant na kinukumisyon namin. Combined cycle kasi ito. Gas/oil/steam. Kailangan ng gas para sa combustion. Kailangan din ng air para naman sa compression at hahalo ito sa gas. May igniter sa loob ng gas turbine at dahil sa pressure build-up sa loob ng chamber, iikot ang shaft. Nasa kabilang dulo naman ng shaft ang generator (sa kabilang dulo ang gas turbine). Para mapabilis ang ikot sa simula, kailangan ng malakas na power para madaling makaikot. Hindi kaya ng gas at air lamang. So, ginagawang motor ang generator at start-up habang pumapasok naman ang air sa compressor. Habang pabilis na ang ikot at kaya na ng gas na i-handle, cut-off na ang motor at magiging generator na uli. Depende sa capacity ng machine set kung ilang megawatts ang magiging output nya.

Ang exhaust gas naman ay hindi itatapon sa atmosphere, kundi dadaan ng boiler drum para gumawa ng steam. Sa tamang proseso, ang steam ang siyang papasok naman sa steam turbine para paikutin din ito (hiwalay ito sa gas turbine). Set din ito ng steam turbine/generator. Additional megawatts ang ibibigay. So, dalawang generator bale ang magtatrabaho. Gas turbine at steam turbine na may magkahiwalay na generator sa bawat dulo. Di ba okay?

Marami nang klase ng power plants sa buong mundo pero iisa lang siyempre ang kanilang ginagawa, to produce electricity. Meron din tayo sa Pilipinas ng mga power plants. Geothermal (steam) power plant, coal-fired power plant, hydro-power plant, windmills, diesel power plant, at marami pang iba. Noong nagtatrabaho pa ako sa Pinas, maraming geothermal power plants ang aming kinumisyon na pag-aari ng gobyerno. Halos 80% yata ng experience ko ay dito napunta. Although hindi talaga sa may turbine ang trabaho namin dati, nabuo ang aking experience sa pagkontrol ng mga instrumento. Kaya hindi na rin nalalayo ang aking kaalaman sa aking ginagawa sa ngayon.

Naalala ko tuloy noong panahon na nasa project kami, sa bundok madalas ang aming trabaho. Malamig. Walang heater. Galing sa bukal ang tubig na ipampapaligo mo. Kaya sa unang buhos, sisigaw ka ng malakas para di ka masyado ginawin, hehehe. Ang picture sa taas ay kuha sa gilid ng kalsada pero sa itaas ito ng bundok. Nasa gilid ng kalsada ang bukal at dito kami naliligo. Masarap ang aming samahan kaya kahit na mababa ang sahod, nagtagal kami sa kumpanya. Mabuti na lang at nagkaisip din kami kahit papano, hehehe.

Namimiss ko ang mga ganitong samahan. Bumabata ang pakiramdam ko…

4 comments:

veren said...

ayos na ayos yang costume mo buddy...bagay yan dito sa amin sa bundok hahahha!!!

Ting Gatus said...

Kailangan ba ng mga balahibo ng manok para makatotohanan buddy? Hehehe. Maraming mga sasakyan ang dumadaan dito, lalo na at oras ng pasukan pag kami ay naliligo. Kaya maraming naka-devirgin sa amin, sa tingin pa lang, hehehe.

Ting Gatus said...

Baka lang di mo napansin buddy. Yung nasa background namin ay ang ipinagmamalaki nating Mayon Volcano. Malapit lang kasi ang Sorsogon sa Legazpi City kaya tanaw na tanaw namin. Nandito din kami noong ito ay pumutok. Kitang-kita namin ang lava na lumalabas dito. Maraming wild orchids na dito mo lang sa bundok makikita. Nagdala ako dati sa Maynila pero namatay dahil napabayaan (lagi nga kasi akong wala).

Anonymous said...

Nakarating na rin ako dati dito. Sa PNOC ito di ba? Dati ako sa mechanical tagakabit ng mga instrument valves para sa steamlines. Malamig dito at masarap magtrabaho. Malayo nga lang sa kabihasnan dahil nasa tuktok ito ng bundok.