Thursday, March 26, 2009

Bisyo Ng Bisyo, Walang Opisyo -

May bagong dating akong kasamahan sa trabaho galing ng Malaysia. Magaling makipag-usap sa mga tao. Halos lahat ay kinakausap nya. Ok na sana ito. Kaso, mahilig manghingi ng yosi. Minsan na nakasabay nya ako sa pagyoyosi, kinausap ako kesyo kumusta ang site, saan daw ba ako galing na site dati blah-blah. Maya-maya lang, nanghingi ng yosi. Napansin ko na ganito palagi ang istilo nya kahit sa iba ko pang kasamahan. Minsan na nanghingi uli ng yosi, gusto ko na sana barahin. Tangina ka! Pareho lang tayo sumusuweldo, ayaw mong bumili? Gago ka pala eh! Kaso, nagtimpi na lang ako. Kapag feeling kong manghihingi uli siya, umaalis na agad ako. Bahala na ibang tao dun na magbigay sa kupal na ito. Magbibisyo tapos ayaw bumili.

Nahuli kasi ng tatay ko ang kuya ko noong nag-aaral pa kami. Ayaw na ayaw ng tatay namin na nagbibisyo habang nag-aaral dahil nga ang katuwiran nya, pera nya ang ipinambibili namin. 'Bisyo ng bisyo, walang opisyo! Huwag magbibisyo kundi rin lang kayo nakatapos at may suweldo na'. Kaya ngayon, galit ako sa nagbibisyo na sumusuweldo naman pero ayaw bumili. Baka nga mas malaki pa ang sahod sa akin ng hayup na yun eh.

3 comments:

GeorgeM said...

Aray! Pero di naman ako palagi nanghihingi bossing. Namimigay din ako, hehe.

Tiyo Paeng said...

Pinamaganda nyan ser, itigil mo na para wala na manghihingi sa yo na mga makakapal ang mukha. Malalayo ka pa sa di kanais-nais na sakit.

Bimbo said...

May ganyan talagang mga tao na makapal ang mukha eh. Nagtitipid on the expense of other people. I hate them.