Sunday, November 9, 2008

Leaving on a jetplane

Nandito ako ngayon sa Suvarnabhumi airport, Bangkok Thailand at ‘in-transit’ papuntang Pilipinas. Di pa natatapos ang ginagawa ko sa India pero dahil mag-e-expire na ang VISA ko, kinailangan ko nang umuwi. Di ko alam kung pababalikin pa ako ng management doon. Kung pabalikin man ako, sana early next year na lang. Pero malamang na tapos na ang project kung sakali. From domestic flight to international flight sa Netaji airport, halos 7 hours ang waiting time ko. Naghanap ako ng mga duty-free shops pero kakaunti lang at halos sarado lahat. Di tuloy ako nakabili ng mga mumunting pasalubong. Nagkamali ako ng tantiya. Palibhasa, 1:55AM ang flight ko kaya siguro wala na halos bukas. At kahit siguro magbukas, wala din masyado mabibili dahil maliit lang ang airport. Mabuti at nakabili ako ng damit para sa mga anak ko. Bibili din sana ako ng local nilang whiskey pero wala na. Pasalubong ko sana sa mga manginginom sa amin. Nag-order din ang sister ko ng shawl pero di din ako nakabili. Natatandaan ko pa na nagpapabili din si buddy ng wall décor pero invisible décor ang nangyari (sorry buddy).

Dahil sa tagal ng waiting time ko, nakaidlip pa ako ng konti. Thai airways ang naibigay sa akin na carrier. Medyo matatanda na ang mga sterwardess kaya masusungit na. Mabuti na lang at medyo kalmado ako. Baka nasigawan ko pa kung sakali. Masungit kasi at nakasimagot. Pupunta lang ako ng toilet sa unahan, nakasimagot na itinuro sa akin yung sa likod. Palibhasa, economy ang ticket ko.

Isang linggo lang ako sa Pinas at pupunta naman ako ng France para sa training. Di ko pa alam kung may project na pagkatapos ng training ko. Mahirap mababakante. Malaki ang mawawala lalo na sa pamilyado. Di ko pa nga naaayos ang VISA ko.

1 comment:

veren said...

Welcome back buddy!
Naku....dumadami na utang mo sa akin ha??? Sige sa France nalang yung decor ko...