Monday, September 29, 2008

It's just another ordinary day -

Noong Friday, September 26th, ay birthday ko. Pero wala akong handa. Wala akong pwedeng kumbidahin dahil nandito ako sa India. Karamihan sa kanila ay mga vegetarian at hindi kumakain ng meat. Kaya inisip ko na baka walang kumain sa lulutuin ko, hindi na lang ako nangumbida. Mahirap naman na kumain din ako sa labas dahil pagkaing bumbay ang kakainin namin. Wala kasing foreign resto dito. Parang ordinary day lang. Nagluto ako ng kanin, nagprito ng isda tapos gumawa ng salad na alugbati with kamatis, sibuyas at luya. Shot ng konti. Natapos ang araw ko na hindi ko naramdaman na birthday ko pala. Marami ding nag-greet na mga kaibigan, ka-batchmates sa high school. Tumawag nga din pala ang aking butihing maybahay at dalawang chikiting. Marami nang nasasabing words si Jacob, ang bunso ko. Nasasabi na nya ang "Hello daddy", "I love u, daddy". Nakatutuwang pakinggan (buddy, itinama ko yung compound ha?, hehehe). Malaki na siya pagbalik ko ng November. Siguradong di na nya kilala ang daddy nya. Mahihirapan na naman akong paamuin. Katulad ng panganay ko, wala din ako sa Pinas noong palaki siya at nahirapan din akong paamuin. Nasa Austin, Texas naman ako at nagtetesting ng hardware para sa bagong ilalabas na safety system. Pero ito ay sa ibang company. Bago na kasi ang company ko sa ngayon.

2 comments:

veren said...

Naku buddy, dapat ikaw ang laging tatawag sa kanila, kahit once a week para dika makalimutan. Ganyan ang ginagawa ng hubby ko. At nung maliliit pa ang mga bata I made it a point to hang a big picture ng Papa nila and tell them to say hello to him....awa ng Diyos, kilalang kilala nila Papa nila kahit madalas wala. Meron lang nag-iisang incident noon sa pangalawang anak namin. Bumisita kaming lahat sa Bangar tapos laging nakapulupot daughter ko sa Papa...syempre naglalambing...mailiw eh....tapos bigla nyang tanong sa Papa nya, "What's your name?" Napailing na napatawa si Papa, heheheheh...
spice of life ng mga ofw talaga....hay...

Unknown said...

Hahaha! Natawa naman ako sa post mo buddy. Bago kasi ako umalis papunta ng US, di pa gaanong nakapagsasalita ang panganay ko. Six months ang assignment ko pero na-extend ng one year. We were advised about it before kami mag-six months at pwede kaming umuwi pag natapos namin ang first 6 months. Pero naisip namin na imbes na kami ang umuwi ay kung pwede na ang pamilya na lang namin ang papupuntahin namin sa US. Pumayag naman ang management kaya tuwang-tuwa kami ng kasama ko. Nakita ko ang aking mag-ina sa US after seven months of stay. Noong sinundo ko sila sa airport, medyo malaki naa si Coleen. Tapos, binabati ko siya pero nakakakapit lang sa mommy nya. Siguro, kinikilala kung sino ba ang nasa harapan nya. Ilang araw din bago siya tuluyang lumapit sa akin. Maganda yung apartment namin dahil may swimming pool para sa lahat ng nakatira. Tuwang-tuwa siyang maligo (it was June kaya hindi pa malamig ang panahon). Nagtagal sila doon ng 1 month. Pinuntahan namin ang mga magagandang sceneries sa Austin at sa San Antonio, Texas. Shopping dito, shopping doon (kunyari, hehehe). Naimbitahan nga din pala ang misis ko na magpunta sa kanyang kaibigan sa Florida kaya nakarating din kami doon. Dahil nasa Florida ang Walt Disney World, dito kami ipinasyal ng kaibigan niyang si Aldin (kaibigan ko din siya dahil siya ang naging daan para maging asawa ko si Elena ngayon). Kaya naging masaya ang stay ng mag-ina ko doon. Wala halos kami sinayang na pagkakataon. 6AM to 5PM ang work namin dati kaya maraming time para mamasyal sa gabi.

Ang isang kinalolokohan namin ay ang garage sale tuwing weekend. Maraming ibinenta ang mga kano na ayaw na nila kahit ito ay bago pa. Mga damit na may tag pa na dahil hindi maisuot ng pinagbigyan, ibinebenta nila ito sa napakamurang halaga. Biruin mong 50 cents lang ang jumper ng anak ko eh bagung-bago pa? Sa ngayon, yung bunso ko na ang nagsusuot nito, hehehe. Meron ding ibibigay na lang sa yo pag walang nagkagusto. Yung shaver ko (worth a thousand bucks sa atin) ay ibinigay lang sa akin ng libre. Magaang ang buhay sa states. Wala lang akong maaplayan sa ngayon eh.