Sunday, October 3, 2010

In and Out

It has been a real while when I updated my blog. A lot of things happened. I went back to the Philippines last February 2010 from UK. Mahaba din ang naging bakasyon ko. Pagkatapos, pinapunta ako ng boss ko sa Malaysia (which happens to be mg hub) at pina-attend ng LAN (Leadership and Negotiation) seminar. That was April 2010. Maganda din ang training kahit sa iba ay pangit. At least, another experience for me at kung papaano i-handle some situations. Nagpunta din ang misis kong si Elena for 3 days. Pagkatapos, bumalik ako ng UK ng May 2010 pero sa ibang site naman. It was a small town they call Newark, part of Nottinghamshire. Wala masyado tao. Kaunti lang ang mga shops and they usually close at 6PM. Noong nasa Plymouth ako, we were planning for my wife's visit pero di natuloy dahil pinauwi ako nang wala sa panahon. Pero sinabi ko sa sarili ko na 'by hook or by crook', kailangang makapunta ang asawa ko sa Newark and it did happen. She stayed with me for 10 days. We also visited my auntie Norm and her husband uncle Pete in Leicester. Dahil sa may pasok ako that time, kinakailangan kong pumasok sa site in the morning at sa hapon na kami magkikita ng asawa ko. Pag nasa site ako, siya naman ay namamasyal sa town. Namimili ng kung anu-anong puwedeng ipamigay sa Pinas na wala doon. Mumunting bagay baga. Pag weekend, pupunta kami ng mga karatig-bayan like . Nagpunta din kami sa London at nakarating kami sa Nottinghill (kung saan kinunan ang Nottinghill na movie). First time ko magpunta ng London kaya excited din ako. Nakita namin ang Big Ben, Trafalgar Square, London Eye, at iba pa na nakalimutan ko na ang mga name. Nagpunta din pala kami sa Stratford-Upon-Avon, kung saan ipinanganak at lumaki si William Shakespeare. More to come sa pagbabalik ng lalakeng may amoy.