Thursday, March 26, 2009

Bisyo Ng Bisyo, Walang Opisyo -

May bagong dating akong kasamahan sa trabaho galing ng Malaysia. Magaling makipag-usap sa mga tao. Halos lahat ay kinakausap nya. Ok na sana ito. Kaso, mahilig manghingi ng yosi. Minsan na nakasabay nya ako sa pagyoyosi, kinausap ako kesyo kumusta ang site, saan daw ba ako galing na site dati blah-blah. Maya-maya lang, nanghingi ng yosi. Napansin ko na ganito palagi ang istilo nya kahit sa iba ko pang kasamahan. Minsan na nanghingi uli ng yosi, gusto ko na sana barahin. Tangina ka! Pareho lang tayo sumusuweldo, ayaw mong bumili? Gago ka pala eh! Kaso, nagtimpi na lang ako. Kapag feeling kong manghihingi uli siya, umaalis na agad ako. Bahala na ibang tao dun na magbigay sa kupal na ito. Magbibisyo tapos ayaw bumili.

Nahuli kasi ng tatay ko ang kuya ko noong nag-aaral pa kami. Ayaw na ayaw ng tatay namin na nagbibisyo habang nag-aaral dahil nga ang katuwiran nya, pera nya ang ipinambibili namin. 'Bisyo ng bisyo, walang opisyo! Huwag magbibisyo kundi rin lang kayo nakatapos at may suweldo na'. Kaya ngayon, galit ako sa nagbibisyo na sumusuweldo naman pero ayaw bumili. Baka nga mas malaki pa ang sahod sa akin ng hayup na yun eh.

Wednesday, March 18, 2009

Back To Reality -


Nakauwi na ang mag-iina ko kahapon pabalik ng Pilipinas. Maayos naman silang nakarating hanggang bahay at tumawag para sabihing ok naman sila. Umuwi ako kagabi sa apartment. Wala ang makukulit na bumabati at humahalik sa akin pag ako ay dumadating. Walang asawa na humahalik sa akin. Walang mga naghahabulan (maluwag kasi ang sala), walang nagsisigawan, walang naglalaro, walang nanonood ng palabas ng cartoons sa TV, walang nagluluto, walang kausap. Tahimik ang paligid. Oo nga, mag-isa na naman ako. Parang gusto ko maiyak. Mabigat ang aking pakiramdam. Parang may bara sa lalamunan ko. Mahirap din pala ang makikita mo sila pansamantala tapos bigla din mawawala at matagal uli na di mo makikita. Alam ko nag-enjoy sila dito lalo na ang dalawang chikiting ko. Halos nagbababad sila sa swimming pool dito. Noon ko nga lang nagamit ang swimming pool simula nung dumating ako dito. Ngayon, siguradong mababakante na naman ito. Mabuti nga at hindi nataon na nag-uulan. A week ago, panay ang ulan dito at sabi nga nila ay start na daw ng rainy season. Bumabaha pa naman ang part ng city pag umulan ng malakas. Traffic. Kumain akong mag-isa. May mga tira pa kami nung nandito pa sila at yun na lang ang ipinainit ko. Nagluto na lang ako ng bagong kanin.

Matutulog na sana ako nang may mapansin akong papel sa ibabaw ng lamesita sa gilid ng kama. Love note ng aking asawa at ng panganay ko. Lalong sumidhi ang aking pangungulila. Ah, pasasaan ba at makikita ko ulit sila.

Sana lang ay hindi ako magtagal dito at makauwi na din. April dapat ang uwi ko pero sabi ng lead namin ay baka daw ma-extend ang trabaho ko dito hanggang June. Gawa na nga ang visa ko at June ang expiration. Iniisip ko na lang na matatapos din ito.

Saturday, March 14, 2009

Spending Time Together -


Sa wakas ay nakarating na din sa Ho Chi Minh, Vietnam ang aking maybahay at dalawang chikiting. There were no incidents. Sa airport sa Pinas huling nag-text ang misis ko. Two hours lang naman ang biyahe papunta dito. Apat na oras na ay wala pa siyang update kaya tumawag na ako sa apartment. Ayun at na-confirm ko na nandoon na nga sila. Nagmadali ako sa pag-uwi (meaning, di na ako nag-overtime) at masaya nila akong sinalubong. Nakapag-swimming na sila sa pool pagdating ko. Mababaw kasi yung pambata kaya naaliw sila. Five days lang sila dito kaya kailangan nilang sulitin. Bago kami nagpunta ng city kanina, naligo muna kaming lahat sa swimming pool. Ayaw pa sana umalis ng panganay ko kaya lang ay may lakad nga kami sa city. May shuttle ang apartment every hour kaya walang problema sa sasakyan. Una naming pinuntahan ang Ben Thanh market. Medyo mainit sa loob kaya medyo nagluluko ang panganay kong si Coleen. Di tuloy kami makapaglibot ng maayos. Bumili na lang ang asawa ko ng konting mga preserves. Pinuntahan din namin ang isang department store named Parkson. Bumili lang kami ng konting makakain sa apartment. Dito na din kami kumain ng pananghalian. Mainit ang panahon kaya nakakapagod maglakad. Sa likod ng Parkson ay ang Opera house na parang yung sa France. Di pa namin napuntahan ang ibang lugar dahil pagod na kami. Nagpapakarga kasi itong si Coleen kahit ang bigat-bigat na. So, ayun..

Saturday, March 7, 2009

It's Like Magic -

In a week time, makakasama ko na ang aking pamilya. Di ko masabi kung bakasyon ba sa kanila ito o kung ano. May trabaho kasi ako at sila ay nasa apartment lang at naghihintay. Di kasi pwedeng mag-leave lalo na at nasa commisioning stage kami ngayon. Nasabihan ko naman na ang misis ko kung ano ang dapat nyang gawin habang nandito sila ng mga bata. Ok naman sa kanya ang ganitong set-up. Sana lang ay mag-enjoy sila kahit papano. Malapit naman ang city at may shuttle bus ang apartment (30 minutes). Kailangan nga lang na kasama nila ako pag sila ay pupunta ng city. Mga barubal kasi mga driver. Walang humihinto kahit may tumatawid. Dalawa pa naman ang akay-akay nya. Baka madagit eh. Mahirap na. Meron ding swimming pool sa loob ng apartment para sa matatanda at sa mga bata kaya kahit papano, hindi sila maiinip. Mamimili na nga ako ng mga lulutuin nya eh. May mga karne pa naman ako at dadagdagan ko na lang plus mga sangkap. I can’t wait to see them here. Makakalabas na din ng bansa ang bunso ko. Yung lang kasing si Coleen ang nakarating dati sa US dahil wala pa ang bunso. Dalawang buwan yata ang misis ko doon. Wala siya suweldo ng isang buwan. Ako ang nagpasuweldo sa kanya. As a matter of fact, doon namin ginawa si Jacob, hehehe. Itong picture ay kuha sa labas ng window ko. May swimming pool na pangbata kaya masaya.

Bad hungry day -

Dahil sa tuluy-tuloy ang trabaho namin sa control room, kailangang may maiwan para magbantay at ako ang natoka. May mga pagkakataon na nagpapatulong ang process guys sa mga figures sa graphics display pero wala namang major concerns. Halos isa’t kalahating oras na ako doon bago may bumalik. Medyo nakakaramdam na ako ng gutom. Ang lead pa namin ang pumalit sa akin. So ayun, ako naman ang pinapunta ng office. Doon kasi kami kumakain ng mga orders naming ulam.

Pagdating ko doon, malinis na ang mga lalagyan. Nagtanong ako kung nasaan na ang mga order na food. Pinuntahan ng admin namin at lahat nga ay consumed na. Medyo nag-init ng konti ang aking tenga. Tangina sa loob-loob ko. May kumain ng inorder ko. Ok lang sana na hingin na lang kesa sa kainin ng hindi nagpapaalam. Mahirap din kasing ma-trace kung sino ang kumakain na hindi nagbabayad dahil marami kami at sabay-sabay halos kung kumain (may ilan na nakatoka kaya after 1 hour pa makakakain, katulad ko). Pagtingin ko sa orasan ko, halos 2:30pm na. Tsk tsk tsk. Nag-order uli ng pagkain ang admin pero di ko alam kung anong oras makakabalik ang driver. Nahihilo na ako sa gutom, hehehe.

Thursday, March 5, 2009

Chain Reaction -

Naikuwento na rin ng kaibigan kong si Jay ang tungkol dito pero ngayon ko lang napagtanto ang kanyang kuwento. Dito kasi sa office namin sa site ay ganoon din ang siste. Yung mga nakabukas na tea bags at nakalagay lang sa garapon, mga basong ginamit na di ko alam kung nahugasan bang mabuti, mga kutsarita at kutsara na nakalagay lang sa lalagyang baso na bukas buong magdamag. Sa ganitong sistema, prawn nga naman (este prone pala) sa mikrobyo ang mga ito. Papaano nga naman kung ang huling humawak doon sa mga kutsarita o tea bags ay may sakit? Tapos ikaw naman ang susunod? Tsk tsk. Uso pa naman daw ang diarrhea (diarhoea) ngayon dito. Kaya palagi ako naghuhugas at gumagamit ng alcohol.

Sunday, March 1, 2009

I am ashamed of my veggie -


Well, I was at the Ben Thanh market this afternoon at namili ako ng kakainin for the whole week. Dahil sa alanganin ang punta ko (3PM), marami na ang mga nakasaradong bilihan ng mga karne,isda, prutas at gulay pero may mga nabili pa rin naman ako. Ayoko na kasi bumalik at nakakatamad. Sa kaiikot ko ng mga bibilhin (wala kasi akong dalang listahan), napansin ko ang isang ibinebentang gulay. To my astonishment, ito ay walang iba kundi ang makahiya na tumutubo lang sa gilid ng kalsada natin. Bain-bain yata ito sa ilocano. Hindi ako makapaniwala pero totoo ang aking nakikita. Hindi naman siguro ako engot para hindi ko malaman ang hitsura ano? Kasama pa ang ugat na parang bagong bunot lang. The leaves, thorns, at ang pagtiklop ng mga dahon pag iyong nagalaw. Kaya nga ito tinawag na makahiya eh. Lumapit ang tindera dahil nakita nya na ako ay nakangiti. Tinanong ako sa kanilang wika. Para mas maganda, ito ang palitan namin ng mga pangungusap;

Tindera: Xin chao! Ban muon mua?
Ting: How do you prepare this? I want to buy it (pointing to the makahiya leaves).
Tindera: Ban muon mua?
Ting: Ok. Alam kong yan ang sasabihin mo eh. Marunong ka magtagalog?
Tindera: La nhung gi ban noi?
Ting: Kahibalo mo magbisaya 'day? Nalibog ka sa ako?
Tindera: Toi khong hieu ban..
Ting: Ilocano? Okinnana bassit. Ania ngay ti ammom?
Tindera: Xin loi. Xin loi.
Ting: Pangasinan? Ibanag? Kapampangan? Saguli..
Tindera: Toi khong hieu.
Ting: Ok. Ok I give up! Maghananap na lang ako ng marunong ng ilocano, bisaya o tagalog. Salamat po.


Ang pagkakasabi sa akin ng mga kasamahan kong Vietcong, na-discover nila ang mga kakaibang mga gulay na ito noong panahon ng giyera. Dahil sa bundok sila nagtatago, namulot sila ng mga sari-saring mga dahon sa gubat para hindi magutom at karamihan sa mga ito ay edible. Kaya hanggang ngayon, ito ay kanilang kinakain dahil wala itong fats at healthy sa katawan. Hindi naman masangsang ang mga amoy.

Note: Ang 'nalibog' na salitang bisaya ay nalilito sa tagalog. Huwag masyado green ang isip...